Chapter 101 | Don Manolo's Discovery

18 2 1
                                    

You're Mine
Chapter 101 | Don Manolo's Discovery

*VICTORINA MANSION*

KAKAPASOK LANG NI MANUEL SA BAHAY. SINALUBONG SIYA NG TUNAY NA CASSANDRA.

Cassandra: Daddy, dumating na po pala kayo. Nasaan po si Lolo?

Manuel: Hindi kami nagsabay pauwi dahil may ka/meeting pa daw siya.

DUMATING SINA LUKE, SANTI AT EMILY.
NAGTAKA SI CASSANDRA.

Cassandra: E-Emily, Santi, Luke? Anong ginagawa niyo dito?

Manuel: Nakita ko sila kanina sa labas at gusto ka daw nilang dalawin kaya sinabi ko sa guard na papasukin sila.

Emily: (Nakangiti) Hi Ate Alex.

Santi: Hello cous.

Luke: Pasensiya ka na Alex kung biglaan ang pagpunta namin dito. Gusto ka daw kasing makita nina Emily at Santi eh.

HINDI AGAD NAGSALITA SI ALEXANDRA.

Manuel: Anak, Maiwan ko na muna kayo, magbibihis lang ako.

UMALIS NA SI MANUEL.

Emily: Ate Alex, kamusta ka na?

Santi: Oo nga, hindi mo man lang kami china-chat ah?

Cassandra: P-Pasensiya na kayo medyo busy lang kasi ako.

Luke: Busy? Bakit Alex ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?

Cassandra: Marami pa kasi akong ginagawang modules. Alam niyo na, nag o-online class kasi kami ni Cassandra diba?

Santi: Ay oo nga pala. Pero cous, excited na kami na makasama ka ulit sa school! Na-miss ka talaga namin.

NIYAKAP NI SANTI SI CASSANDRA. NABIGLA SI CASSANDRA.

Cassandra: (Nag fake smile) Na-miss ko din kayo.

Emily: Ate Alex, nasaan nga pala si Ate Cassandra?

Alexandra: Bakit mo naman siya hinahanap? Akala ko ba nandito kayo para sa akin?

Emily: Ahhh kasi syempre gusto din namin siyang kamustahin.

Santi: Oo nga. Balita kasi namin nagka amnesia siya diba? Naku, sana naman nagbago na siya diba? Sana hindi na siya maldita.

NATAWA SI EMILY.

Cassandra: (Nagpipigil ng emosyon) Oo naman, nagbago na si Cassandra. Hindi na kami nag aaway ngayon.

Luke: Alex, kinakamusta ka din pala ni Mommy. Nagustuhan niya 'yung binigay mo sa kanyang perfume nung nagkita kayo.

NATIGILAN SI CASSANDRA AT NAPAISIP.

Cassandra: Ah oo nga, mabuti naman nagustuhan ng mommy mo 'yung perfume na binigay ko sa kanya.

NATIGILAN SI LUKE.

Cassandra: Bakit Luke?

Luke: Wala ka namang binigay na perfume kay mommy nung nagkita kayo.

NAMUTLA SI CASSANDRA.
NAGKATINGINAN SINA SANTI AT EMILY.

Luke: Cassandra, alam kong ikaw 'yan.

Cassandra: A-Ano bang sinasabi mo Luke?

Emily: Kilala namin si Ate Alex mula ulo hanggang paa kaya hindi kami pwedeng magkamali. Hindi ikaw si Ate Alex.

Santi: True! Unang kita ko palang sa'yo alam ko ng hindi ikaw ang pinsan namin.

Cassandra: Ano bang sinasabi niyo? Nagpunta lang ba kayo dito para i-prank ako?

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon