You're Mine
Chapter 54 | InterrogationSA KWARTONG PINAG I-STAY-YAN NI LUKE.
PINAPANOOD NIYA ANG VIRAL VIDEO NI ALEXANDRA NA SUMASAYAW SA BAR.
Luke: (Napaisip) Parang may mali talaga eh, hindi si Alexandra ito.
••••••••••••••••••••••
SA VILLA.KAUSAP PA RIN NINA DON MANOLO, MANUEL AT MINERVA ANG KAMBAL.
Manuel: Cassandra, sagutin mo ang tanong ng kapatid mo.
Cassandra: Dad, bakit naman ako magpapanggap na si Alexandra? Ano naman pong mapapala ko diba? Alex, bakit hindi mo nalang kasi aminin ang ginawa mo?!! Bakit ako pa yung ipapahamak mo?
Alexandra: Dahil hindi ako yun! Wala akong ginagawang ganun!
Minerva: Enough!
NATIGILAN SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.
Minerva: Ang mabuti pa tanungin nalang natin ang mga kaibigan ninyo na kasama ng isa sa inyo kagabi. Ipapatawag ko sila para magkaalaman na.
Don Manolo: Mabuti pa nga. Sila nalang ang magsabi kung sino sa dalawang kambal ang kasama nila kagabi.
NAG EVIL SMILE SI CASSANDRA KAY MINERVA.
••••••••••••••••••
MAGKAKAUSAP SINA MANUEL, DON MANOLO AT MINERVA SA LABAS AT INIWAN NILA ANG KAMBAL SA LOOB NG VILLA.Minerva: I think Cassandra is telling the truth. We know her, sa atin siya lumaki at alam natin na hindi ganung klaseng babae si Cassandra.
Manuel: So ang sinasabi mo eh si Alexandra talaga ang nasa video na 'yun, ganun ba Ate Minerva?
Minerva: Sino pa nga ba? Manuel, Papa hindi pa natin lubos na kilala si Alexandra. Lumaki siya sa Amerika and we don't know kung anong klaseng pagpapalaki ang ginawa nina Brenda at Alfonso sa kanya.
Don Manolo: (Napabuntong hininga) Pero kailangan pa rin nating marinig ang paliwanag ni Alexandra.
Minerva: Hindi nga siya umaamin Papa eh at pinagbibintangan pa niya si Cassandra na gumawa nun. I saw Cassandra last night, nagpunta ako sa kwarto niya and tulog na tulog na talaga siya.
Manuel: Pero nakakapagtaka din na nung kausap ko si Alexandra kagabi eh parang kakaiba ang kinikilos niya.
Minerva: Just because kakaiba ang kinikilos niya naghihinala ka na na si Cassandra nga ang nakausap mo? Manuel naman, kilala mo ang anak mo! Huwag mo siyang pagdudahan.
LITONG LITO NA SI MANUEL.
Minerva: Don't worry, pagdating ng mga kaibigan ni Cassandra, sila ang magsasabi ng totoo. Kilala din nila si Cassandra kaya alam kong alam nila kung anong totoo.
••••••••••••••••••••••••••
MAGKAUSAP SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.Alexandra: Bakit mo ba ako sinisiraan Cassandra?
Cassandra: Sinisiraan? Sis naman, ikaw na nga itong nang iwan sa akin kagabi tapos ako pa yung naninira sa'yo?
Alexandra: Hindi kita iniwan kagabi at hindi ako nagpunta sa bar na yun!
Cassandra: Oh please, stop lying para lang hindi ka mapagalitan nina Daddy.
Alexandra: Ikaw ang nagsisinungaling at hindi ako!
Cassandra: Ah talaga? Sige malalaman natin yan pagdating nina Phoebe, Yesha at Vicky!
•••••••••••••••••••••••••
DUMATING NA SINA PHOEBE, YESHA AT VICKY AT KAUSAP SILA NINA DON MANOLO, MANUEL AT MINERVA SA HARAPAN NINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfikceA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...