Chapter 107 | Manuel's Mourning

14 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 107 | Manuel's Mourning

*VICTORINA CORPORATION*

KAUSAP NI MINERVA ANG ANG DALAWA SA MGA BOARD MEMBERS.

Minerva: I know you're all worried sa sitwasyon ng kumpanya dahil sa biglaang pagkamatay ni Papa pero huwag kayong mag alala dahil nandiyan pa naman si Manuel at siya ang papalit sa posisyon ni Papa bilang PRESIDENT AND CEO.

Nag react ang dalawang board members, hindi sila sang ayon dahil wala silang tiwala kay Manuel.

Mr. Solis: Hindi namin ipagkakatiwala kay Manuel ang pamamahala sa kumpanya dahil alam naman natin na hindi siya capable na mag manage ng kumpanya.

Mr. Han: Tama, mas naging maayos pa nga ang takbo ng kumpanya nung pinalitan mo siya sa kanyang posisyon.

Mr. Solis: Dapat ikaw ang pumalit kay Manolo sa kanyang posisyon dahil mas tiwala kami sa kakayahan mo.

Mr. Han: I agree! Kailangang maitalaga ka agad na bagong PRESIDENT & CEO sa lalong madaling panahon.

BAHAGYANG NAPANGITI SI MINERVA.

Minerva: Masaya ako sa tiwalang binibigay ninyo sa akin and I appreciate that kaya lang hindi lang naman kayo ang mag dedesisyon nito.

Mr. Solis: Don't worry Minerva because we will make sure na ikaw ang iboboto namin bilang bagong President and CEO ng Victorina Corporation sa susunod na board meeting.
•••••••••••••••••••••••••••••
GABI

NASA ISANG CONDO UNIT SI MINERVA KASAMA SI ENRICO AT UMIINOM SILA NG WINE.

Enrico: (Itinaas ang wine glass) Cheers for your success, Minerva!

Minerva: (Ngumiti at itinaas ang hawak na wine glass) Cheers!!! Sa wakas, malapit nang mapasa akin ang Victorina Corporation!

Enrico: At anong balak mo kay Manuel at sa mga pamangkin mo?

Minerva: Madali ko lang silang mamanipula lalo na si Manuel dahil sobrang lungkot niya ngayon dahil sa pagkawala ni Papa.

Enrico: Pero huwag ka pa ring magpaka kampante dahil sigurado akong hindi niya hahayaan na mawalan siya ng karapatan sa mga ari arian ng Papa niya.

Minerva: Hangga't may tiwala sa akin si Manuel, hinding hindi siya magiging sagabal sa akin. Sooner or later siya naman ang mamamaalam sa mundo at isusunod ko ang mga anak niya. Hahahahahaha!!!!

Enrico: Hahahahahaha!!!!

••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

SA POOL AREA.

NANDOON SI MANUEL AT NAKATULALA HABANG UMIINOM NG ALAK.
NAAALALA NIYA ANG KANYANG PAPA.

*FLASH BACK*

25 YEARS AGO.

KAKA GRADUATE LANG NI MANUEL SA COLLEGE. KAUSAP SIYA NI DON MANOLO SA POOL AREA NG VICTORINA MANSION.

Don Manolo: I'm so proud of you Son! Hindi ka lang basta grumaduate on time, may honors ka pa! Talagang nagmana ka sa akin!

Manuel: (Ngumiti) Salamat Papa dahil naging mahigpit ka sa akin, kahit na minsan hindi ko naiintindihan kung bakit lagi mo akong pinapagalitan, kahit na minsan naiisip ko na hindi mo ako mahal. Papa, alam ko na ngayon na kaya ka ganun sa akin ay dahil gusto mo akong magtagumpay, gusto mo akong maging mahusay.

Don Manolo: Tama ka anak. Hindi ko ipinapakita sa'yo na sa tuwing pinapagalitan kita, naaawa ako sa'yo. Kailangan kong pigilin ang emosyon ko para matuto ka. Anak, ngayon na nakapag tapos ka na ng pag aaral, ite-train naman kita sa bagong kumpanyang itatayo ko. Ang Victorina Corporation at balang araw ikaw ang magmamana nito. Ikaw lang Manuel, dahil ikaw lang ang nag iisa kong anak.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon