Chapter 88 | The Accident

29 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 88 | The Accident

*VICTORINA MANSION*

UMIIYAK SI CASSANDRA SA HARAPAN NINA MANUEL AT DON MANOLO.

Cassandra: Daddy, Lolo I'm so sorry! Hindi ko po gustong gawin lahat 'yun kay Alex! Nagseselos lang po talaga ako kasi mula nung dumating siya dito, nahati na 'yung atensiyon na ibinibigay niyo sa akin.
Naiingit din po ako sa kanya kasi feeling ko mas mahal niyo na siya kesa sa akin.

Manuel: Niloko mo kami Cassandra! Pinaniwala mo kami ng lolo mo sa mga kasinungalingan mo nung siniraan mo ang kapatid mo! Paano mo nagawa 'yun? Pinalaki ka naman namin ng maayos! Akala namin kilalang kilala ka na talaga namin pero sa mga narinig namin ngayong gabi parang ibang tao ka! Hindi ka namin ganyan pinalaki Cassandra!

Cassandra: (Iyak ng iyak) Daddy... Lolo...

Don Manolo: You disappointed me apo. Nakakalungkot lang na hanggang ngayon hindi mo pa rin pala talaga tanggap ang kakambal mo but you lied to us. Bakit Cassandra? Bakit?

IYAK NG IYAK SI CASSANDRA.

Manuel: Nung sinabi sa akin ni Alexandra ang lahat ng ginawa mo sa kanya, ayokong maniwala pero sa bibig mo na mismo nanggaling ang lahat.

*FLASH BACK, 1 HOUR AGO*

PAALIS SI MINERVA. NAKITA SIYA SI MANUEL.

Manuel: Ate Minerva? Saan ka pupunta?

Minerva: Ah... May ka meeting kasi ako ngayong gabi.

Manuel: Ano? Ate hindi ka lubos na magaling. Aalis ka na agad?

Minerva: Manuel, okay na ako. Isa pa, importante ang lakad ko ngayong gabi kaya hindi ko pwedeng ipagpaliban.

Manuel: Sino ba 'yang ka meeting mo ate?

Minerva: Basta. Sige na, mauuna na ako ha? Ikaw nalang ang bahalang magsabi sa papa.

UMALIS NA SI MINERVA.
MAYA MAYA AY DUMATING SI ALEXANDRA AT LUMAPIT KAY MANUEL.

Alexandra: Daddy, pwede ko po ba kayong makausap?

Manuel: Tungkol saan 'yun anak?

Alexandra: Tungkol po kay Cassandra.

Manuel: What about her?

Alexandra: (Napaluha) Hindi ko po alam kung papaniwalaan niyo ako pero sana makinig po kayo sa akin. Daddy, naalala niyo 'yung nangyari sa resort noon? Hindi po talaga ako 'yun, si Cassandra po talaga 'yun.

Manuel: (Natigilan) Anak, nag away na naman ba kayo ni Cassandra? Akala ko ba okay na kayo? Bakit ibinabalik mo na naman ang mga nangyari?

Alexandra: Daddy, maniwala po kayo sa akin. Siniraan lang po nila ako sa inyo. Wala po talaga akong alam sa nangyari nun sa resort. Isa pa po, marami pa pong ginawa sa akin si Cassandra na hindi ko alam at ngayon may mga ebidensiya na po ako.

IPINAKITA NI ALEXANDRA ANG MGA VIDEOS NA EBIDENSIYA SA MGA GINAWA NI CASSANDRA.

Alexandra: Alam ko pong mahirap paniwalaan dahil hindi naman po ako lumaki sa inyo. Mas kilala niyo po si Cassandra pero daddy totoo po ang lahat ng sinasabi ko. Kung gusto niyo pong malaman ang totoo, handa po akong patunayan ang sarili ko. Gusto ko pong kayo mismo ni Lolo ang makarinig ng lahat. Mag uusap po kami ni Cassandra at gagawin ko po ang lahat para mapaamin siya sa lahat ng ginawa niya sa akin.

NAPAISIP SI MANUEL.

*END OF FLASH BACK*

Don Manolo: Humingi ka ng tawad sa kakambal mo, Cassandra.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon