Chapter 142 | And The Winner Is

17 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 142 | And The Winner Is

*SA BAHAY NA PINAGTATAGUAN NI ENRICO*

DUMATING DOON ANG MGA PULIS UPANG MAG IMBESTIGA MATAPOS MAY TUMAWAG SA KANILA DAHIL MAY NARINIG DAW SILANG PUTOK NG BARIL SA LUGAR NA IYON NGUNIT TANGING ANG BANGKAY NA LAMANG NI ENRICO ANG NAABUTAN DOON NG MGA PULIS. WALA NI ISANG BAKAS ANG NAIWAN UPANG MALAMAN NILA KUNG SINO ANG SALARIN SA PAGPATAY KAY ENRICO.

•••••••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*

Host: Pasok ka na sa Top 5, Candidate number 10, Art Zamora!!!

NAPATAKIP NG BIBIG SI ART AT NAKAHINGA NG MALUWAG. KUMAWAY KAWAY SIYA SA KANYANG MGA SUPPORTERS.


NAGPALAKPAKAN ANG MGA AUDIENCE.

Host: Ladies and gentlemen your Top 5 Miss Gay Gabner 2023!!!!

RUMAMPA ISA-ISA SA UNAHAN NG STAGE ANG TOP 5 CANDIDATES.

MAGKATABI SINA ART AT SANTI.


NAKANGITI SI ART HABANG MAY IBINUBULONG KAY SANTI.

Art: Akala mo hindi na ako papasok no? You'll see ako ang mananalo.

Santi: (Ngumiti din) Mabuti nga at nakapasok ka para magkaalaman na kung sino sa atin ang mas maganda at mas magaling mamaya sa Q&A portion. Anyway, congrats and good luck to us!

Art: I'll make sure na uuwi kang talunan at luhaan.

Santi: We'll see...

MAGSISIMULA NA ANG QUESTION AND ANSWER PORTION. LAHAT NG KANDIDATA AY TATANUNGIN NG IISANG TANONG LAMANG KAYA LAHAT SILA AY KAILANGANG MAG HEADPHONES UPANG HINDI NILA MARINIG ANG TANONG.

SAMANTALA LIHIM NA KINAKAUSAP NINA JAN AT PATT ANG AUDIO MAN NG PAGEANT NA ESTUDYANTE DIN NG GABNER. SIYA ANG NAGKO-CONTROL NG SOUND SYSTEM, MICROPHONES AT NG MUSIC.

Jan: Alam mo na ang gagawin ha? Huwag mong lalakasan 'yung volume ng headphones ni Art para madinig niya ang tanong.

Patt: Si Art na ang bahala sa'yo after ng pageant.

••••••••••••••••••••••••••••••••
NAGSALITANG MULI ANG HOST.

Host: Okay, so this time isang tanong lang po ang sasagutin ng ating Top 5 candidates kaya kailangan nilang mag suot ng headphones at meron lamang silang isang minuto para sagutin ng maayos, klaro at on point ang tanong na ito. Dito din magbabase ang mga judges ng kanilang magiging score dahil back to zero na po silang lahat ngayon kaya girls galingan ninyo and good luck!!!

ISINUOT NA NG MGA KANDIDATA ANG KANILANG MGA HEADPHONES AT SINIGURADO DIN NG MGA STAFF NA MAY NARIRINIG SILANG MUSIC.

Host: So I guess ready na ang lahat. We will now call on our first candidate at ito ay walang iba kung hindi si... Candidate Number 10! Art Zamora!

TINAPIK NG ISANG STAFF SI ART AT TINANGGAL ANG KANYANG HEADPHONES.

Staff: Ikaw ang unang tinawag.

NABIGLA SI ART, HINDI NIYA AKALAIN NA SIYA ANG UNANG TATAWAGIN.

NAGKATINGINAN SINA JAN AT PATT.

Jan: OMG, bakit siya ang unang tinawag? Akala ko ba in order?

Patt: Aba malay ko noh! Nakakaloka!

LUMAKAD SA HARAPAN NG STAGE SI ART. KABADO SIYA DAHIL HINDI NIYA INAASAHAN NA SIYA ANG UNANG SASABAK SA Q&A PORTION.

NAKATINGIN NAMAN SA KANYA SI MISS P AT NAKANGITI.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon