You're Mine
Chapter Six | Cassandra The StalkerVICTORINA GROUP OF COMPANIES.
Sa opisina ni Manuel kausap niya si Minerva.
Manuel: Paano nangyari ito? Bakit ang laking halaga naman ng nawawala sa kumpanya?
50 million is 50 million!Minerva: Don't worry, Manuel. Papaimbestigahan ko ito at kung sino man ang nagnakaw ng 50 million sa kumpanya natin, magbabayad siya!
Manuel: (Napapaisip) Magpapatawag ako ng meeting mamaya. Sabihan mo rin si Papa.
Minerva: Okay. Mauna na ako.
Lumabas na ng opisina ni Manuel si Minerva.
•••••••••••••••••
DIMAGIBA RESIDENCES.Nagtatanghalian na ang pamilya Dimagiba habang nagke-kwentuhan.
Alexandra: Alam niyo Uncle Lito ang sarap sarap niyo talagang magluto.
Lito: Kaya nga ako nagtataka eh.
Alexandra: Nagtataka po?
Lito: Oo. Nagtataka ako kung bakit hindi pa ako nagkaka asawa. Gwapo naman ako at ang galing ko pang magluto. Ano pa bang hahanapin sa akin ng mga babae diba?
Sabay smile at nag beautiful eyes pa.
Alexandra: Yun naman eh! Hehehe! Oo nga po, bakit nga ba hindi pa kayo nakakapag asawa?
Freda: Alam mo may kwento yan eh. Noong araw kasi nagkaron ng nobya yan kaso masyadong babaero ang kuya Lito noon kaya ayun hiniwalayan din siya!
Lito: Hindi totoo yan Freda. Ako ang nakipag hiwalay! Talagang gwapo lang ako kaya lapitin ako ng mga babae at tsaka masyado lang talagang selosa yung si Mini kaya nakipag hiwalay ako sa kanya. At saka anak mayaman din kasi kaya maarte at ubod ng sama ng ugali nun!
Emily: Pero sa tingin niyo po Tiyo Lito, what if magkita kayo ulit ng ex niyo na 'yun, magkakabalikan pa kaya kayo?
Lito: Naku, sigurado ako na kapag nagkita kami ulit nun tiyak maiin-love ulit sa akin yun.
Santi: Ang lakas ah! Pero nasan na ba siya ngayon? Wala na ba kayong communication?
Lito: Matagal ng wala. Pero ang pagkakaalam ko, dalaga pa rin siya hanggang ngayon. Siguro hindi pa rin yun nakaka move on sa akin.
Remedios: (Napangiti) Ikaw talaga Lito. Kumain na nga muna tayo tama na muna ang kwentuhan.
Bigla silang nakarinig ng kalabog mula sa itaas at natigilan sila.
Freda: Ano yun?
Santi: Parang galing sa itaas eh.
Alexandra: (Napatingala) Sa kwarto. Si Mama!
Rizzi: Puntahan po natin!
Agad tumayo si Alexandra at dali daling umakyat sa taas patungo sa kwarto.
Freda: Ano kayang nangyari? Naku, halikayo tignan natin.
Sumunod silang lahat kay Alexandra patungo sa itaas.
•••••••••••••••
SA HOTEL KUNG SAAN NAKA CHECK IN SINA CASSANDRA.Cassandra: (May kausap sa phone) Hindi po ba ako hinahanap ni daddy?
Minerva: (Kabilang linya) Hinanap ka niya kanina pero ang sinabi ko nasa Tagaytay ka lang kasama ang mga kaibigan mo.
Cassandra: Thank you talaga Tita.
Minerva: You're welcome Hija. Basta mag iingat ka diyan okay?
Cassandra: I will. Uuwi din po kami agad tomorrow night but before that may pupuntahan muna kami ng mga friends ko later.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...