Chapter 75 |Minerva's Favor

16 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 75 | Minerva's Favor

NAKAUWI NA SI ALEXANDRA. HINATID SIYA NI LUKE. NASA LABAS SILA NG MANSION.

Alexandra: Thank you sa paghatid mo sa akin.

Luke: Wala 'yun. Obligasyon ko naman 'yun bilang boyfriend mo diba?

NGUMITI SI ALEXANDRA.

Luke: Sige na, pumasok ka na sa loob.

Alexandra: Sige, mag iingat ka ah?

HINALIKAN NI ALEXANDRA SI LUKE SI PISNGI TSAKA PUMASOK NA SA LOOB NG GATE. SUMAKAY NA NG KOTSE SI LUKE AT PINAANDAR NA ITO.

••••••••••••••••
SA HOME OFFICE NI DON MANOLO, KAUSAP NIYA SI MANUEL.

IPINAKITA NIYA RITO ANG MGA DOKUMENTONG IBINIGAY SA KANYA NG PRIVATE INVESTIGATOR.

Manuel: Papa, sa wakas malilinis ko na ang pangalan ko sa kumpanya. Makakabalik na ako sa posisyon ko.

Don Manolo: Tama ka. Humanda sa akin ang Enrico na 'yan dahil sisiguraduhin ko na mabubulok siya sa bilangguan.

NASA LABAS NAMAN NG PINTO SI MINERVA AT NARINIG ANG PINAG UUSAPAN NILA.

Minerva: Alam na nila na si Enrico ang nagdiin kay Manuel? Kailangan ko siyang mabalaan!

AGAD NIYANG TINAWAGAN SI ENRICO.

Enrico: (Kabilang linya) Ano? Paano na ito?

Minerva: Anong paano na ito? Kailangan mo munang magtago dahil sigurado akong ipapakulong ka ni Papa!

Enrico: At bakit ako lang? Baka nakakalimutan mo na tayong dalawa ang nag plano nito?

Minerva: Kaya nga tinutulungan kita hindi ba? Magpakalyu-layo ka muna!

Enrico: Dapat kasi minadali na natin ang mga plano natin! Edi sana hindi na tayo nagka problema ng ganito!

Minerva: Hindi ganun kadali na malipat sa pangalan ko ang lahat! Kasalanan mo ito! Ang sabi mo sa akin inayos mo lahat ng ebidensiya! Eh bakit may nahanap pa rin silang ebidensiya laban sa'yo?

Enrico: Hindi ko alam! Baka nag traydor yung tauhang kinuha ko!

Minerva: Palpak ka kasing mag trabaho! Lahat ng kinukuha mong tauhan mga bobo!
Ganito ang gawin mo, pumunta ka na sa airport ngayon at lumipad ka papuntang Singapore! Huwag ka munang magpapakita sa akin maliwanag ba?

*END CALL*

Enrico: Hello? Hello? Bwisit!

•••••••••••••••••••••••••••
SA AMERIKA.

KAUSAP NI BRENDA SI REMEDIOS. KAKATAPOS LANG NILANG PANOORIN ANG VIDEO NI ALFONSO.

Remedios: Ito na ang ebidensiyang hinahanap mo Brenda. Mapapatunayan mo na kay Manuel na totoo ang mga sinasabi mo.

Brenda: Oo nga Mama. Sa wakas, malilinis ko na ang pangalan ko at mae-expose ko na ang kasamaan ng Minerva na 'yun!

Remedios: Hindi ko akalain na nakipag sabwatan din pala ang anak ko sa babaeng 'yun. Patawarin mo sana ang anak ko Brenda.

Brenda: Wala na ho 'yun sa akin Mama. Nakita ko naman po sa video na nagsisisi na si Alfonso sa mga nagawa niya. Nasasabik na po akong makabalik sa Pilipinas Mama para makasama ko na ang mga anak ko.

Remedios: Masaya ako para sa'yo Brenda.

Brenda: Salamat po Mama.

NIYAKAP NI BRENDA SI REMEDIOS.
•••••••••••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY, PATULOG NA SILA. NAG UUSAP MUNA SILA HABANG NAKAHIGA SA KANILANG KAMA.

Emily: Mabuti nalang kuya hindi nagpumilit si Ate Alex na umakyat sa second floor ano?

Santi: Oo nga eh. Kung hindi baka makita niya dun 'yung kwarto ni Uncle Alfonso at malaman niya na bahay talaga ito ng Daddy Alfonso niya at mabubuking din tayo na si Auntie Brenda ang nagpapaaral sa atin. Hindi pa niya pwedeng malaman 'yun dahil baka masira ang mga plano ni Auntie Brenda.

Emily: Oo nga Kuya. Pero sana pagbalik ni Auntie Brenda dito sa Pilipinas eh maging maayos na ang lahat no?

Santi: Sana nga. Ipag pray nalang natin.

••••••••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NI DON MANOLO, TULOG NA TULOG NA ITO.

MAYA MAYA AY PUMASOK SI MINERVA SA KWARTO NITO AT PINAGMASDAN ANG NATUTULOG NA SI DON MANOLO.

Minerva: Dapat matagal na kitang tinapos Papa. Kapag nawala ka, ako na ang papalit sa posisyon mo!

KUMUHA SIYA NG UNAN AT TANGKANG TATAKPAN NG UNAN SA MUKHA SI DON MANOLO.

BIGLANG GUMALAW SI DON MANOLO KAYA NATIGILAN SI MINERVA AT BINITAWAN ANG UNAN AT NAGMADALING LUMABAS NG KWARTO.

NAKABIGLA SIYA NG MAKASALUBONG NIYA SI MANUEL.

Manuel: Ate Minerva?

Minerva: (Namumutla) M-Manuel? Bakit gising ka pa?

Manuel: Kinausap ko lang si Alexandra kanina. Ikaw Ate, anong ginawa mo sa kwarto ni Papa?

Minerva: Ah kakausapin ko lang sana siya kaya lang mahimbing na pala ang tulog niya kaya lumabas na rin ako agad.

Manuel: Tungkol saan ba 'yun Ate?

Minerva: Tungkol sana kay Enrico.

NATIGILAN SI MANUEL

Manuel: Bakit? May alam ka ba tungkol sa ginawa ng hayop na lalakeng 'yun?

Minerva: Alam mo na rin ang ginawa niya?

Manuel: Oo. Sinabi na sa akin ni Papa ang mga nalaman niya. Na si Enrico ang totoong nagnakaw ng 50 Million sa kumpanya at siya din ang nag fabricate ng mga ebidensiya para ako ang madiin!

Minerva: Tama ka. Nagduda na rin ako kay Enrico noon pero hindi ako sigurado kaya nagpa imbestiga din ako at nalaman ko na siya nga ang may kagagawan ng lahat. Humanda siya sa akin! Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa'yo at sa kumpanya! Pinagkatiwalaan ko siya tapos ta-traydurin lang niya tayo ng ganito! Sisiguraduhin ko na makukulong siya!

Manuel: Ate, hindi ba't ikaw ang nag hire sa kanya? Bakit hindi mo man lang siya pina imbestigahan muna bago mo siya kinuha sa kumpanya?

Minerva: Ginawa ko naman 'yun Manuel pero magaling siyang con artist kaya hindi ko din agad siya napaghinalaan. Ang alam ko graduate siya sa ibang bansa at galing siya sa matinong pamilya pero na diskubre ko na peke ang mga requirements na ibinigay niya sa akin. Matagal na rin siyang nagta trabaho sa kumpanyan natin kaya hindi na ako naghinala sa kanya hanggang sa nagkaroon na nga ng issue ng nakawan sa kumpanya.

Manuel: Napaka walang hiya niya. Dapat masampahan na agad siya ng kaso!

Minerva: Tama ka!

Manuel: Sa wakas, makakabalik na ako sa kumpanya.

NATIGILAN SI MINERVA.

Minerva: Manuel, may gusto lang sana akong ipakiusap sa'yo.

Manuel: Ano 'yun Ate Minerva?

Minerva: Pwede bang huwag mo na munang bawiin sa akin ang posisyon mo?

NATIGILAN SI MANUEL.

Minerva: Alam kong gusto mo ng makabalik sa kumpanya pero kasi marami pa akong kailangang tapusing trabaho bilang COO ng kumpanya at marami pa akong kinakausap na business partners natin. Baka kapag ibinalik ko sa'yo ang posisyon eh magbago ang isip nila at hindi ituloy ang deal. Hayaan mo na muna akong tapusin ang mga nasimulan kong trabaho. Maayos na ang takbo ng kumpanya at nakakabawi na rin tayo sa mga nalugi sa atin nitong mga nakalipas na buwan kaya sana huwag mo na munang bawiin sa akin ang posisyon mo. Pangako, kapag natapos ko na ang mga dapat kong tapusin ay bababa ako sa pwesto ko para makabalik ka na sa posisyon mo.

NAPAISIP SI MANUEL.

TO BE CONTINUED...

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon