Chapter 118 | Flashback

19 2 1
                                    

You're Mine
Chapter 118 | Flashback

SA MULTI PURPOSE HALL NG VICTORINA BUILDING.

HAWAK NG MGA BODY GUARDS SA MAGKABILANG KAMAY SI MINERVA.

Minerva: Bitawan niyo nga ako kung hindi mawawalan kayo ng trabaho lahat!

KINUKUHANAN SIYA NG VIDEO AT PICTURES NG MGA PRESS.

Minerva: Itigil niyo ang pagkuha ng pictures at video! I delete niyo yan kung hindi idedemanda ko kayo!

Brenda: Minerva, talagang hanggang ngayon may lakas ka pa rin ng loob na manakot? Hindi mo ba nakikita na ito na ang umpisa ng pagbagsak mo? Ito na ang katapusan mo!

NATIGILAN SI MINERVA.

Minerva: Manuel, ano bang ibig sabihin nito? Papa? Paanong buhay ka? Hindi ba nasunog ka sa ospital noong pinasabog ni Brenda ang kwarto mo nun? O baka naman hindi ka talaga si Papa! Baka impostor ka lang na ginagamit ni Brenda para baliktarin ako! Pakana mo ang lahat ito Brenda! Hayop ka!

NATAWA SI BRENDA.

Brenda: Hahahaha! Minerva, mukhang nababaliw ka na yata? Ganyan ba talaga kapag nasusukol na, kung anu-ano na ang naiisip? Akala mo siguro makakalusot ka pa ano? Hindi na Minerva, dahil buking na lahat ng kawalang hiyaan mo!

Don Manolo: Hindi ako impostor, Minerva! Buhay na buhay ako!

LUMAPIT SI MANUEL KAY MINERVA.

Manuel: Nagustuhan mo ba ang party na inihanda ko para sa'yo Ate Minerva?

Minerva: (Natigilan) Manuel, planado mo na ito?

Manuel: Oo, dahil ilang linggo ko nang alam na buhay pa si Papa at ikaw talaga ang nagtangka sa buhay niya!

Minerva: (Nagulat) Ano??!!

NAG REACT ANG MGA TAO.

NAGKATINGINAN SINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.

***FLASH BACK***

NUNG GABING KAUSAP NI MANUEL SI ALEXANDRA.

Alexandra: Daddy...

NAPAHINTO SI MANUEL AT LUMINGON KAY ALEXANDRA.

Manuel: Ano 'yun Alexandra? Kung tungkol na naman ito sa Mommy mo, please huwag na nating pag usapan 'yun dahil baka kung ano na naman ang masabi ko sa'yo.

Alexandra: May gusto lang po akong ipapanood sa inyo, daddy.

Manuel: Ano 'yun?

Alexandra: (Iniabot ang USB Flash drive) Ito po. Panoorin niyo lang po ang laman niyan tapos po kayo na po ang bahala kung maniniwala po kayo o hindi.

Manuel: (Nagtataka) Ano ito?

Alexandra: Basta po Daddy. Please, panoorin niyo lang po yan baka po sakaling masagot po ang mga katanungan ninyo at mawala lahat ng pagdududa ninyo kay Mommy.

Manuel: (Natigilan) Tungkol na naman sa Mommy mo? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na ayoko na siyang pag usapan?

Alexandra: (Napaluha) Daddy please, huli na po ito. Panoorin niyo lang po daddy, nakikiusap po ako sa inyo.

NAPAISIP SI MANUEL.
NAKASILIP NAMAN SI MINERVA.
•••••••••••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NI MANUEL.

HAWAK NIYA ANG USB FLASH DRIVE NA IBINIGAY SA KANYA NI ALEXANDRA. NAPAISIP SIYA KAYA KINUHA NIYA ANG KANYANG LAPTOP AT BINUKSAN ITO. MAYA MAYA AY MAY KUMATOK SA KANYANG KWARTO.

Minerva: Manuel... Gising ka pa ba?

NATIGILAN SI MANUEL AT NAILAPAG ANG USB FLASH DRIVE SA KANYANG KAMA AT PINAGBUKSAN NG PINTO SI MINERVA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon