Chapter 4 | Baguio Escapade

172 10 6
                                    

Chapter Four | Baguio Escapade

🎶 "HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!! HAPPY BIRTHDAY.... HAPPY BIRTHDAY.... HAPPY BIRTHDAY ALEX!!!!" 🎶

Sabay ihip ni Alexandra sa kandila sa ibabaw ng bilog at kulay puting cake sa ibabaw ng mesa.

Nagpalakpakan sina Freda, Lito, Remedios at ang mga pinsan niyang sina Santi (The Beki), Emily (The Kikay) at ang bunsong anak ni Freda na si Rizzi (The small but terrible).

Freda: Happy birthday, Alex!

Lito: Happy Birthday!!!

Santi: Pak na pak na birthday sa'yo couz!!!

Emily: Heypi na bertdey pa!!!

Rizzi: Happy birthday po Ate Alexandra!

Alexandra: (Teary eyes) Salamat sa inyong lahat.

Remedios: Maligayang kaarawan apo. Alam ko na simpleng handaan lang ito kumpara sa mga nakaraan mong birthday pero sana napasaya ka namin.

Alexandra: Sobra po Lola. Auntie Freda, Uncle Lito, Santi, Emily, Rizzi, sobra sobrang napasaya niyo ako. Maraming maraming salamat sa inyo. Kahit na wala na si daddy, nagpapasalamat pa rin ako dahil nakilala ko kayong lahat. Ang mga bago kong pamilya.

Nilapitan din niya ang kanyang ina na si Brenda na nakaupo sa wheel chair.

Alexandra: Mommy, alam ko po na kahit hindi niyo ako naririnig o naiintindihan, masaya po kayo para sa akin.

Niyakap niya ito.

Freda: Alex, masaya din kami dahil nakilala ka namin. Kahit naman hindi ka namin nakasama eh malapit agad ang puso namin sa'yo.

Lito: Tama ang Auntie Freda mo. Oh kumain na tayo!

Isang lalake naman ang biglang dumating.

Estong: Uy! Handaan ba ang narinig ko! Kaya pala amoy na amoy ko yung kalderata ni Mang Lito sa labas ah!

Lito: Aba aba! Hoy Estong, sanay na sanay kang pumapasok sa bahay namin ah!

Estong: Mang Lito naman hehehe, para naman kayong iba oh. Makikikain lang naman.

Santi: Tiyo Lito, hayaan mo na ang baby Estong ko!

Pumulupot ito kay Estong.

Estong: (Bumitaw ito) Uy baka mamaya kung anong isipin nila ah?

Santi: Bakit? Kinahihiya mo ba ako na jowa mo? Charot! Ikaw naman, hindi ka na mabiro!

Napatingin si Estong kay Alexandra.

Alexandra: (Ngumiti) Hello!

Estong: (Natulala) Si-Sino po siya? Ang ganda niya ah.

Freda: Pamangkin namin 'yan si Alexandra. Galing Amerika at dito na siya titira.

Napansin nila na natulala si Estong kay Alexandra.

Rizzi: Uy! Si Kuya Estong may crush kay Ate Alexandra!

Namula si Estong.

Estong: Ha? Crush agad? Hindi ba pwedeng nagandahan lang muna? Ah, Hi! Ako nga pala si Estong. Ang poging kapit bahay nina Aling Freda at Mang Lito!

Emily: Pogi? San banda? Ewwww!

Estong: Maka Ewww ka naman! Samantalang dati crush na crush mo ako!

Emily: Tse!

Alexandra: (Napangiti) I'm Alexandra. Alex na lang for short.

Nag ngitian sina Alexandra at Estong.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon