You're Mine
Chapter 163 | SpyLALONG NAGING MAS CLOSE SINA CASSANDRA AT ELIZABETH.
MADALAS IMBITAHAN NI CASSANDRA SI ELIZABETH SA MANSION NILA.SA KWARTO NI CASSANDRA, KA KWENTUHAN NIYA SI ELIZABETH.
Elizabeth: So tell me, gaano na ba kayo katagal ng boyfriend mong si Hanson?
Cassandra: Hindi pa naman ganun katagal. Actually naging kami before pero I took him for granted kaya nag break kami at nagkaroon siya ng ibang girlfriend and nagkabalikan lang kami recently.
Elizabeth: I see. You know what, nung nakita ko siya sa ospital nasabi ko sa isip ko na mahal na mahal ka talaga niya.
Cassandra: Really? Paano mo naman nasabi?
Elizabeth: Well, sinamahan ka niya sa pagbabantay sa akin sa ospital diba? Nakikita ko sa mga mata niya noon yung pagod at antok pero he chose to accompany you dahil nag aalala siya sa'yo dahil sa nangyari nun. Isa pa, obvious naman sa mga kilos niya na talagang in love na in love siya sa'yo noh.
NAMULA SI CASSANDRA AT NAPANGITI.
Cassandra: Actually, na appreciate ko talaga yung mga efforts niya. Dati hindi ko naman talaga siya pinapansin pero ngayon iba na talaga 'yung nararamdaman ko for him. Sobrang mahal na mahal ko na rin si Hanson. Na realize ko 'yun after we broke up at nakita kong may iba na siyang mahal.
Elizabeth: But good thing nagkabalikan kayo kaya huwag na huwag mong hahayaan na mawala pa siya sa'yo o maagaw siya ng iba sa'yo
Cassandra: Hinding hindi talaga! Hahahaha!
MAYA MAYA AY NARINIG NILA ANG BOSES NINA ALEXANDRA AT BRENDA NA TILA NAG UUSAP SA LABAS.
SUMILIP SI ELIZABETH SA BINTANA NG KWARTO NI CASSANDRA AT NATANAW NIYA NGA SINA ALEXANDRA AT BRENDA NA NAG UUSAP SA POOL AREA. NIYAKAP PA NI ALEXANDRA SI BRENDA.
Elizabeth: Mas close ba si Alex sa mommy niyo?
NATIGILAN SI CASSANDRA AT LUMAPIT SA BINTANA TSAKA SINILIP SINA ALEXANDRA AT BRENDA.
Elizabeth: Sorry to ask that stupid question. Napansin ko lang kasi na parang mas close ang Mommy mo kay Alex kesa sa'yo.
Cassandra: It's okay. Tama ka naman, mas close talaga sila kasi lumaki si Alexandra kay Mommy at ako naman kay Daddy.
KUNWARING NAGTATAKA SI ELIZABETH.
Elizabeth: Bakit? Hiwalay ba ang mommy at daddy mo dati?
Cassandra: It's a long story.
Elizabeth: You know what, if I were you dapat kinukuha mo ang attention ng mommy mo.
NATIGILAN SI CASSANDRA.
Cassandra: Huh?
Elizabeth: Sabi mo nga diba, lumaki si Alexandra sa kanya so meaning ang dami na nilang time na nakasama ang isa't-isa kaya dapat ikaw naman ang bigyan ng time ng mommy mo para maging close ka rin sa kanya diba?
NAPAISIP SI CASSANDRA.
Cassandra: I don't know, medyo awkward pa din kasi kapag nag uusap kami ni Mommy. Yeah medyo close naman na kami pero ramdam ko pa din naman 'yung pagkailang dahil matagal ko siyang hindi nakasama but I know soon magiging super close din kami gaya nila ni Alex.
Elizabeth: Eh paano nga kayo magiging super close kung laging na kay Alex ang atensiyon niya? Alam mo nung buhay pa ang mommy ko, lagi niya akong ini-spoil sa lahat ng bagay. Ang saya saya ko kapag inaayusan niya ako na parang isang prinsesa. Tuwing gabi bago ako matulog, lagi niya akong kinakantahan. Kapag natatakot ako, lagi niya akong pinapakalma. Iba pa rin talaga ang love ng isang Ina kaya dapat bumabawi sa'yo ang mommy mo pero sa nakikita ko bakit parang mas gusto pa rin niyang kasama at kausap si Alexandra? I mean, ilang years na ba silang magkasama dati? Diba dapat mas mag focus ang mommy mo sa'yo?
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...