Chapter 182 | Herra Meets Cassandra

12 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 182 | Herra Meets Cassandra

ARAW BAGO ANG PARTY NI ELIZABETH.

SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY.

Remedios: Bukas na ang pa-party ng anak mo, Lito. Nakapag desisyon ka na ba? Pupunta ka ba sa party niya?

Lito: Eh ayaw pong pumayag ni Elizabeth na hindi ako pupunta eh. Ayoko naman po siyang biguin Auntie Remedios.

Remedios: Kailangan ka niya doon. Ikaw ang ama niya kaya dapat nandoon ka. Isa pa, pupunta din naman sina Santi at Emily hindi ba?

Lito: Eh kayo ho? Hindi ba kayo pupunta?

Remedios: Hindi na kailangan. Dito na lang ako sa bahay.

DUMATING NAMAN SINA BRENDA AT ALEXANDRA.

Brenda: Mama, dapat nandun din kayo dahil parte din po kayo ng pamilya namin.

Alexandra: Oo nga po Lola.

Remedios: Brenda, Alexandra apo anong ginagawa ninyo dito?

Brenda: Eh napadaan lang po kami Mama. Galing kasi kami ni Alexandra sa bahay nina Luke kaya dumaan na rin kami dito.

Lito: Tamang tama, nagluto ako ng pananghalian. Dito na kayo kumain. Hintayin na lang natin sina Santi at Emily, bumibili lang sila ng milk tea sa labas kasama si Josh at Estong.

Brenda: O sige.

••••••••••••••••••••••••••
SA VICTORINA CORPORATION

*DON MANOLO'S OFFICE*

MAY KAUSAP SI DON MANOLO SA CELLPHONE.

Don Manolo: Yes, please make sure na mahigpit ang security para sa party ng apo ko bukas ng gabi. Okay, bye.

MAYA MAYA AY KUMATOK SI ELIZABETH AT PUMASOK.

Elizabeth: Lolo...

Don Manolo: Oh Elizabeth, may kailangan ka ba?

Elizabeth: Papa pirmahan ko lang po sana itong budget proposal para po sa new product launching ng Victorina Moda next month.

IBINIGAY NI ELIZABETH ANG MGA PAPELES KAY DON MANOLO. BINASA ITO NI DON MANOLO AT AGAD PINIRMAHAN AT IBINALIK KAY ELIZABETH.

Don Manolo: Here...

Elizabeth: Thank you po.

Don Manolo: Bakit hindi ka pa mag hire ng secretary mo para naman hindi na ikaw ang umaakyat dito para magpa pirma sa akin?

Elizabeth: Eh wala pa po kasi akong mahanap na qualified para maging secretary ko. Isa pa po gusto ko rin po na ako mismo ang nagpupunta dito para magpa pirma sa inyo.

Don Manolo: Bakit naman?

Elizabeth: Eh gusto ko po kasi na ipakita sa inyo na kaya ko pong gawin ang trabaho na ipinagkatiwala ninyo sa akin. Gusto ko pong makita niyo na I'm working hard for this position para po kapag naibangon ko na ang Victorina Moda eh maging proud po kayo sa akin.

NGUMITI SI DON MANOLO.

Don Manolo: Ngayon pa lang, proud na proud na ako sa'yo, Elizabeth dahil sa ipinapakita mong dedication sa trabaho mo.

Elizabeth: (Ngumiti) Thank you po, Lolo and I promise mas gagalingan ko pa po sa trabaho ko.

Don Manolo: Okay. I believe in you. Anyway, maaga kang umuwi para makapagpahinga ka agad dahil bukas na ang party mo.

Elizabeth: Sige po Lolo. Anyway, lumbas na po ba 'yung resulta ng DNA test sa bangkay po ni Mommy?

Don Manolo: Yes pero hindi ko pa nasisilip. Mamaya pag uwi ko babasahin ko ang resulta sa harapan ninyong lahat.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon