You're Mine
Chapter 174 | Father & DaughterKAUSAP NI SANTI SINA EMILY AT REMEDIOS.
Remedios: Ano kamo? Si Minerva naging nobya ni Lito?
Emily: Si Ma'am Minerva 'yung kine-kwento niya noon na Minnie?
Santi: Oo! At ang mas nakakaloka pa eh nagka anak pala sila.
Emily: (Napaisip) Wait, hindi ba may sinabi sina Ate Cassandra last time na may anak si Ma'am Minerva?
Santi: Si Elizabeth!
Emily: So posibleng anak ni Uncle Lito si Miss Elizabeth?
Remedios: Alam na kaya ito ng Auntie Brenda ninyo?
Santi: Ang sabi po nina Alex, hindi pa daw po nila ipinapaalam kina Sir Manuel at Auntie Brenda.
Remedios: Diyos ko, may koneksyon din pala tayo sa Minerva na 'yun.
Santi: Luluwas daw po dito si Uncle Lito bukas na bukas para makita niya si Elizabeth.
Emily: Ano kayang magiging reaksyon ni Miss Elizabeth kapag nalaman niyang Tatay niya si Uncle Lito?
••••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NI ELIZABETH, KAUSAP NIYA SA PHONE SI MINERVA.Minerva: (Kabilang linya) Gaya ng ipinangako ko sa'yo, ipinaalam ko na kay Carlito na nagkaanak kami. Sigurado akong alam na niya ang tungkol sa'yo ngayon
Elizabeth: Are we gonna use him too para sa paghihiganti natin kay Manolo?
Minerva: Depende. Kapag kinailangan, gagamitin natin ang Ama mo. Sigurado ako na po-protektahan at kakampihan ka niya kahit ano pang mangyari dahil anak ka niya.
Elizabeth: Mommy, kung ano mang pina plano mo, bilisan mo na dahil ayoko dito sa mansion na ito! Hindi ako makakilos ng maayos.
Minerva: Basta gawin mo lang ang misyon mo diyan. Sirain mo ang pamilya nila, sirain mo ang magkapatid na Alexandra at Cassandra. Pag awayin mo ulit sila.
••••••••••••••••••••••••••••••
*KINABUKASAN*NAKARATING NA SI LITO SA MAYNILA AT AGAD SIYANG NAGPASAMA KINA SANTI AT EMILY SA MANSION NG MGA VICTORINA.
NADATNAN NILA DOON SI ALEXANDRA.Alexandra: Santi, Emily, Uncle Lito, Ano pong ginagawa niyo dito?
NAGKATINGINAN SINA EMILY AT SANTI.
Lito: Ah eh may aasikasuhin kasi ako dito sa Maynila kaya lumuwas ako. Nagpasama lang ako kina Santi at Emily para makita ka.
Alexandra: (Ngumiti) Uncle Lito, 'yung totoo po? Ano pong meron? Santi, Emily?
Santi: Ah Cous, ganito kasi 'yan... May nalaman kasi si Uncle Lito—
DUMATING NAMAN SI ELIZABETH.
Elizabeth: Alex, pupunta lang ako sa office—
NATIGILAN SI ELIZABETH AT NAPATINGIN KAY LITO.
NAPATINGIN DIN SI LITO KAY ELIZABETH.
Elizabeth: May mga bisita ka pala.
Alexandra: Ah oo, nakita mo na sila nung kasal nina Mommy at Daddy right? Sina Santi at Emily mga kinilala kong pinsan at saka si Uncle Lito.
NGUMITI SI ELIZABETH.
Elizabeth: Hello po sa inyo. Nice to see you again.
Alexandra: Uncle Lito, Siya po si Elizabeth, anak po siya ni Tita Minerva kaya pinsan po namin siya. Kailan lang po namin nalaman.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...