You're Mine
Chapter 167 | Elizabeth's Father*KINABUKASAN*
PAALIS SINA MANUEL AT BRENDA PATUNGO SA SOUTH KOREA UPANG DOON MAG HONEYMOON.
Don Manolo: Manuel, Brenda enjoy your honeymoon together!
Manuel: (Ngumiti) Salamat sa regalo niyong ito Papa.
Brenda: Napakarami niyo na pong nagawa para sa amin ni Manuel Papa. Kayo na ang nag asikaso ng kasal namin tapos may regalo pa kayong round trip ticket pa South Korea.
Don Manolo: Wala 'yun mga anak ko. Masaya ako na sa wakas ay kasal na kayo ulit at sana kung kakayanin pa eh mabigyan niyo pa ako ng isa pang apo na Lalake! Hahahaha!
NAPANGITI SINA MANUEL AT BRENDA.
Manuel: Si Papa talaga.
Din Manolo: Biro lang anak pero malay niyo magkaroon ng himala hindi ba?
NAGKATINGINAN SINA MANUEL AT BRENDA.
Brenda: Sina Cassandra at Alexandra nga po pala?
Don Manolo: Ipinagising ko na kay Ella. Mukhang napuyat ang mga 'yun kagabi kaya ala una na eh hindi pa nagsisibangon.
MAYA MAYA AY BUMABA NA SI ALEXANDRA.
Alexandra: Mommy, Daddy... Paalis na po ba kayo? Sorry po kung na late po kami ng gising.
Manuel: Alas sais pa naman ng gabi ang flight namin pero kailangan na rin naming makaalis bago mag alas kwatro kaya kumain at maghanda na kayo.
Brenda: Nasaan si Cassandra?
Alexandra: Pababa na rin po siya Mommy. Mommy, Daddy, mag iingat po kayo sa byahe ha? Tumawag po kayo lagi.
Brenda: Oo naman anak.
HINAWAKAN NI BRENDA ANG KAMAY NI ALEXANDRA.
Brenda: Halos isang buwan kaming mawawala ng daddy ninyo kaya magpaka bait kayo ha? Huwag ninyong bibigyan ng sakit ng ulo ang Lolo ninyo.
Alexandra: (Ngumiti) Oo naman po Mommy. Promise po.
DUMATING SI CASSANDRA.
Brenda: Cassandra.. Anak... Halika dito...
LUMAPIT SI CASSANDRA KAY BRENDA.
Brenda: Kayo na muna ang bahala ni Alexandra dito ha? Huwag kayong magpapalipas ng gutom at umuwi kayo agad pagkagaling sa school okay?
Cassandra: (Tumango) Opo Mommy...
NIYAKAP NI CASSANDRA SI BRENDA NG MAHIGPIT. NABIGLA SI BRENDA AT NAPANGITI TSAKA HUMIGPIT DIN NG YAKAP KAY CASSANDRA.
Brenda: Mami-miss namin kayo ng daddy niyo mga anak kaya magtawagan nalang tayo lagi ha?
Manuel: Mga anak, sige na kumain na muna kayo at maghanda na para makasama na kayo paghahatid sa amin sa airport.
TUMANGO SINA ALEXANDRA AT CASSANDRA.
Don Manolo: Manuel, mag usap muna tayo sa home office ko.
Manuel: Sige po Papa.
Brenda: Sasamahan ko lang ang mga anak natin sa hapag. Tayo na mga anak.
UMALIS NA SINA BRENDA, CASSANDRA AT ALEXANDRA.
•••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NA PINAGTATAGUAN NI MINERVA.PINAPANOOD NIYANG MULI ANG VIDEO NG KASAL NINA BRENDA AT MANUEL SA SIMBAHAN.
Minerva: Hmmm... Masayang masaya kayo ngayon dahil ipinagdiwang ninyo ang kasal ninyong dalawa pero hindi magtatagal sa simbahan ding 'yan, iiyakan kayo ng mga taong malalapit sa inyo dahil sa pahihinagpis kapag pinatay ko na kayong lahat!
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...