Chapter 56 | Cassandra VS Alexandra

61 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 56 | Cassandra Vs Alexandra

SA VILLA.

BUMALIK NA SI ALEXANDRA.

KAUSAP NIYA SINA MANUEL, DON MANOLO, MINERVA AT CASSANDRA.

Alexandra: Gusto ko lang pong humingi ng sorry sa mga nangyari. Hindi na po mauulit 'yun.

Cassandra: Sis, I know naman na hindi mo sinasadya 'yun eh. Lasing ka lang at hindi mo alam ang mga ginawa mo kagabi.

Don Manolo: Apo, huwag mong isipin na galit kami sa'yo. Nabigla lang kami sa mga napanood namin.

Manuel: Tama ang lolo mo Alexandra, hindi kami galit sa'yo pero sana hindi na maulit 'yun. Kung iinom ka make sure konti lang para hindi ka na ulit malasing.

HINDI NAGSALITA SI ALEXANDRA.

Minerva: Alexandra, I know you're a good girl kaya hindi kita huhusgahan sa mga nangyari pero sana kapag may nagawa kang kasalanan, aminin mo nalang at hindi mo ibintang sa iba lalo na sa kakambal mo.

Cassandra: Sis, I forgive you na. I just want you to know na hindi ako galit sa'yo.

NAKIKIPAG SHAKE HANDS SI CASSANDRA.

Cassandra: Peace?

TINIGNAN NI ALEXANDRA ANG KAMAY NI CASSANDRA AT NAKIPAG SHAKE HANDS DITO.

Cassandra: (Nag sarcasric smile) I love you sis.

NIYAKAP NI CASSANDRA SI ALEXANDRA.

Cassandra: (Nag evil smile) Thank you for admitting your mistake.

Alexandra: (Bumulong) Sana masaya ka na dahil nagawa mo na ang gusto mo na sirain ako kina Daddy.

NATIGILAN SI CASSANDRA.

Alexandra: (Nag fake smile) Again, I'm really sorry. Anyway, pupunta lang po ako sa kwarto ko. Excuse me.

UMALIS NA SI ALEXANDRA.
SINUNDAN SIYA NG TINGIN NI CASSANDRA.

Minerva: Cassandra, maganda ang ginawa mo na pinatawad mo agad ang kakambal mo. Pinatunayan mo sa amin na tama ang pagpapalaki namin sa'yo.

Cassandra: Of course Tita Minerva. Aaminin ko po, nung una hindi ko po talaga matanggap si Alexandra as my sister pero I realized na ma swerte ako kasi nakasama ko kayo nina Daddy at Lolo samantalang siya lumaki sa ibang family. Kaya naawa ako sa kanya that's why natutunan ko na siyang tanggapin at mahalin because after all, we're sisters- twin sisters.

Manuel: Salamat anak dahil naging maunawain ka sa kakambal mo.

Don Manuel: I'm so proud of you apo.

NIYAKAP NI CASSANDRA SINA MANUEL, DON MANOLO AT MINERVA.
•••••••••••••••••••••••
KINABUKASAN AY UMUWI NA SILA SA MANILA.

*VICTORIA MANSION*

MAGKAUSAP SINA MANUEL AT MINERVA.

Minerva: Mabuti na lang at nagkaayos na agad ang kambal pero nag aalala ako para kay Alexandra dahil mukhang masama pa rin ang loob nun sa atin dahil sa nangyari. Lagi lang siyang nasa kwarto niya at ni hindi man lang tayo pinapansin.

Manuel: Hayaan na muna natin siya Ate. Alam kong kailangan lang niya ng sapat na oras para humupa ang tampo niya sa atin.

Minerva: Mabuti na nga lang at sobrang understanding ni Cassandra at napatawad niya agad ang kapatid niya kahit na idiniin siya nito. Hay, kung sa atin lang lumaki si Alexandra, siguradong hindi magiging ganyan ang ugali niya.

Manuel: Huwag na muna nating pag usapan yan Ate.

Minerva: I'm sorry but I just can't help it. Baka kasi mamaya niyan tinuturuan talaga ni Brenda na mag rebelde sa atin si Alexandra kaya siya nagkakaganyan.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon