You're Mine
Chapter Fifteen | Girl Fight*VICTORINO MANSION*
Paalis na si Manuel patungo sa Davao.
Kausap niya si Manolo, Cassandra at si Minerva.Manuel: Cassandra Hija, ilang linggo akong mawawala kaya sana magpaka bait ka ha? Makikinig ka sa Lolo at Tita Minerva mo.
Cassandra: Of course dad. Basta yung promise mo ah? Pagbalik mo, magbabakasyon tayo!
Manuel: Oo naman anak.
Manolo: Mag iingat ka anak sa byahe mo.
Manuel: Thank you Papa. Ate Minerva, ikaw na muna ang bahala dito habang wala ako okay?
Minerva: (Ngumiti) Oo naman Manuel. Huwag kang mag aalala dahil hindi ko pababayaan ang mga iiwan mong trabaho sa kumpanya. Besides, ilang linggo ka lang naman doon diba?
Manuel: Tama at tiwala naman ako sa'yo Ate. Napaka husay mo sa trabaho kaya kampante ako na hindi mo papabayaan ang kumpanya.
Manolo: O sige na anak, umalis ka na at baka mahuli ka pa sa flight mo.
Cassandra: Ingat ka po daddy.
Yumakap si Cassandra sa ama.
Minerva: Take care Manuel.
Sumakay na si Manuel sa kotse at umalis na.
Manolo: Minerva...
Minerva: Yes Papa?
Manolo: Pwede ba tayong mag usap sa loob?
Minerva: O sige po. Cassandra, may pasok ka hindi ba? Bakit hindi ka pa umaalis?
Cassandra: Actually paalis na po ako Tita.
Minerva: Okay, ingat ka.
Cassandra: Lolo, aalis na po ako.
Manolo: Sige Hija, mag iingat ka.
Humalik si Cassandra kay Minerva at Manolo.
Manolo: Tayo na sa loob Minerva.
Pumasok si Don Manolo sa loob ng bahay at sumunod naman si Minerva.
•••••••••••••••••••••••••
BAGUIO*DIMAGIBA RESIDENCES*
Kakarating lang nina Alexandra, Santi at Brenda galing ospital.
Remedios: Kamusta ang check up ng Mommy mo apo?
Alexandra: Mabuti po lola. Ang sabi po ng doctor unti unti makakayanan na rin daw po ni Mommy na makatayo at makalakad ulit. Kailangang lang niya ng therapy.
Remedios: Mabuti naman kung ganun apo. Brenda, natutuwa ako at nagiging maayos ka na.
Brenda: Salamat po.
Santi: Eh teka Auntie Brenda, paano na 'yan? Eh mukhang matatagalan pa po bago kayo makapag lakad, paano niyo mapupuntahan yung tunay na ama nitong si Alex?
Brenda: Hindi ko nga rin alam kung handa na ba akong magpakita sa kanila. Natatakot ako na baka may gawin na naman si Minerva sa amin ng anak ko. Iniisip ko rin kung kamusta na kaya ang kakambal ni Alexandra? Okay kaya siya? Hindi kaya siya pinagmamalupitan ni Minerva?
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...