You're Mine
Chapter 179 | Stolen KissA FEW DAYS LATER.
*VICTORINA MANSION*
KAUSAP NI DON MANOLO SI ELIZABETH.
Elizabeth: Party po? Para saan po?
Don Manolo: Para sa'yo, Hija.
Elizabeth: Sa akin? B-Bakit po Lolo?
Don Manolo: Dahil gusto naming i-celebrate ang pagdating mo sa mansion. Gusto ko ring pormal kang ipakilala sa lahat bilang apo ko.
Elizabeth: Lolo, hindi naman na po kailangan 'yun eh. Isa pa, kapag ipinakilala niyo po ako sa lahat siguradong malalaman nila na anak ako ni Minerva. Ayoko pong masira ko ang pangalan ninyo dahil sa mga nagawa ng Mommy ko.
Don Manolo: Apo, hindi mo kasalanan ang mga nagawang masama ng Mommy mo. Apo kita, dugo ng asawa ko ang nanalaytay sa'yo. Hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan pero gusto kong itama ang mga nagawa kong mali sa'yo noon. Gusto kitang ipakilala sa lahat dahil proud ako na apo kita.
NGUMITI SI ELIZABETH.
Elizabeth: Thank you po Lolo.
Don Manolo: Napag usapan na namin ito ng Tito Manuel at Tita Brenda mo. Alam na rin ito ng mga pinsan mo at excited na rin sila para sa party.
Elizabeth: Kung ganun, kailan po ba 'yung party?
Don Manolo: Sa isang linggo na. Don't worry dahil nakakuha na ako ng organizer kaya wala na tayong po-problemahin.
Elizabeth: Sige po Lolo pero pwede ko po bang imbitahan si Daddy?
Don Manolo: Si Lito? Oo naman, hindi siya pwedeng mawala sa party mo dahil Tatay mo siya.
Elizabeth: Salamat po Lolo.
NIYAKAP NI ELIZABETH SI DON MANOLO.
NAG EVIL SMILE ITO AT TUMINGIN SA HIDDEN CAMERA NA IPINAKABIT NIYA NOON KAY ELLA.NAPAPANOOD NAMAN ITO NI MINERVA.
Minerva: Hmmm... Magaling anak. Talagang kuhang kuha mo na ang loob ng matandang 'yan. I wonder why? Bakit sobrang gaan agad ng loob sa'yo ni Manolo? Samantalang sa akin noon, matagal bago niya ako tinanggap bilang anak niya. Siguro tinubuan na talaga ng kunsensiya ang matandang 'yan. Mabuti na rin 'yun dahil hindi na ako mahihirapan na maisagawa ang mga plano ko.
KINUHA NIYA ANG KANYANG CELLPHONE AT MAY TINAWAGAN.
Minerva: Hello, may ipapagawa ako sa'yo. Hmmm...
••••••••••••••••••••••••••••••••••••
SA ISANG MALL.KASAMA NI CASSANDRA SI BRENDA.
Cassandra: Mommy, thank you po kasi sinamahan niyo ako dito sa mall.
Brenda: (Ngumiti) Walang ano man. Nabigla nga ako eh kasi bigla kang nagyaya. Anong meron?
Cassandra: Mmmmm... Wala naman po Mommy, naisip ko lang po kasi na hindi pa tayo nagbo-bonding mula nung tinanggap ko kayo bilang Mommy.
Brenda: Oo nga noh? Hayaan mo, dadalasan natin ang pagba-bonding pero sana next time kasama na natin ang kakambal mo para mas masaya tayo diba?
Cassandra: (Tumango) Sige po Mommy. Ah Mommy, gusto mong magpa salon tayo? Tapos after po nun mag shopping tayo and kumain.
Brenda: Oh sige ba. Gusto ko 'yan! Hehehe.
Cassandra: Sige po, let's go na po!
MASAYANG MASAYA SI CASSANDRA DAHIL NGAYON LANG NIYA NARANASAN NA MAG MALL KASAMA ANG MOMMY NIYA.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...