You're Mine
Chapter 117 | Surprise GuestsSA MULTI PURPOSE HALL NG VICTORINA BUILDING. NAGSASALITA NA ANG EMCEE.
Emcee: Ladies and gentlemen, may I call on the Managing Director of Victorina Corporation, son of the President and CEO of Victorina Corporation to deliver his speech, Mr. Manuel Victorina.
TUMAYO SI MANUEL AT NAGPALAKPAKAN ANG MGA TAO. UMAKYAT SA STAGE SI MANUEL.
Manuel: Good evening everyone. As you all know, tonight is a very special event para sa aking Ate na si Minerva Victorina dahil ngayon siya na ang papalit sa naiwang posisyon ni Papa bilang President and CEO of Victorina Corporation. Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat dahil pinaunlakan ninyo ang aming imbitasyon na dumalo sa napaka memorable na gabing ito. Noong nandito pa ang Papa, ibinigay niya ang lahat para sa kumpanyang ito. Maraming taon ang ginugol niya upang mapalaki at mapalakas ang Victorina Corporation. Masasabi ko na talagang pinaghirapan niya ang kumpanyang ito kaya naman hindi rin ako makakapayag na basta na lang bumagsak at mawala ang lahat ng pinaghirapan niya. Ngayong may papalit na sa kanyang naiwang posisyon, hiling ko na sana ay patuloy ninyo pa ring suportahan ang Victorina Corporation.
TUMINGIN SI MANUEL KAY MINERVA NA NAKAUPO SA HARAPAN, NGUMITI NAMAN SI MINERVA.
Manuel: Naniniwala ako na mas magiging matatag at malakas pa ang Victorina Corporation at mas magiging maayos ang takbo ng kumpanya. Marami man ang magbabago, nakakasiguro ako na lahat 'yun ay para sa ikakabuti ng kumpanya at ng mga empleyado nito. Ganun na rin sa aming mga business partners and future investors. Again, salamat sa inyong lahat
NAGPALAKPAKAN ANG MGA TAO.
BUMALIK NA SI MANUEL SA KANYANG UPUAN KATABI SI MINERVA.Minerva: Ang ganda ng speech mo, Manuel.
Manuel: (Ngumiti) Salamat Ate.
•••••••••••••••••••••
SAMANTALA, ISANG ITIM NA KOTSE NAMAN ANG HUMINTO SA PARKING LOT NG VICTORINA BUILDING.BUMABA ANG DRIVER AT PINAGBUKSAN ANG SAKAY NITO.
•••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY.NAG UUSAP SINA SANTI AT LOLA REMEDIOS.
Santi: Sigurado po akong nag e-enjoy na si Emily sa date nila ni Josh ngayon at siguro nasa event na rin si Alex ngayon.
Remedios: Mabuti na nga lang at hindi ka umalis ngayon dahil kung hindi eh maiiwan pala akong mag isa sa bahay.
Santi: Oo naman po Lola, ayoko din naman pong umalis ngayon noh. Ang sarap kayang magpahinga dahil buong week akong puro aral ng malala! Grabe ang dami po naming paper works sa school nakakaloka!
Remedios: Tsagain mo lang apo dahil balang araw makakatapos ka din at magkakaroon ka ng magandang trabaho sa isang magandang kumpanya, kayo ni Emily at matutulungan niyo rin ang Mamiru at Uncle Lito ninyo.
Santi: Syempre naman po Lola.
MAYA MAYA AY NAG RING ANG PHONE NI SANTI- NUMBER LANG ANG NAG REGISTER.
Santi: Sino kaya itong tumatawag? Number lang po eh.
Remedios: Sagutin mo at baka importante.
SINAGOT NI SANTI ANG TAWAG.
Santi: Hello?
HINDI AGAD NAGSALITA ANG TUMAWAG.
Santi: Hello? Sino po sila?
MAYA MAYA AY NAGSALITA ANG TUMAWAG AT NATIGILAN SI SANTI AT TILA NABIGLA.
NAPATINGIN SIYA KAY LOLA REMEDIOS.Remedios: Bakit Santi, sino 'yan?
•••••••••••••••••••••••••••
SA MULTI PURPOSE HALL NG VICTORINA CORPORATION.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...