Chapter 58 | Manuel's Request

25 1 0
                                    

You're Mine
Chapter 58 | Manuel's Request

SA KWARTO NI ALEXANDRA.

KUMATOK SI MANUEL AT BINUKSAN ANG PINTUAN.

Manuel: Alexandra, anak pwede ba kitang makausap?

ANG SUMUNOD NA NANGYARI AY MAGKAUSAP NA ANG MAG AMA.

Manuel: Alam kong masama pa rin ang loob mo sa amin anak pero sana maintindihan mo na ginagawa lang namin ito dahil gusto naming mapabuti ka. Anak, marami kaming naging pagkukulang sa'yo at gusto namin na bumawi at iparamdam sa'yo na mahal ka namin kaya sana naman huwag mong ilayo ang loob mo sa amin.

HINDI SUMASAGOT SI ALEXANDRA AT NAKATUNGO LANG.

Manuel: (Napabuntong hininga) Gusto ko lang din na magkasundo kayong magkapatid. Ayokong nakikita kayong nag aaway kaya sana naman huwag na kayong nagtatalong dalawa.

Alexandra: Daddy, wala naman po kasi sa akin ang problema eh. Si Cassandra, siya po ang may issue sa akin at hindi ako.

Manuel: Anak, baka naman kasi nami-misinterpret mo lang siya?

Alexandra: (Napaluha) Kung alam niyo lang po kung anong ugali niya. Alam ko naman pong hindi kayo maniniwala sa akin eh dahil hindi ako lumaki sa inyo at hindi niyo pa ako lubusang kilala kaya mas papaniwalaan ninyo talaga si Cassandra.

Manuel: That's why we want to know you more anak so please bigyan mo kami ng pagkakataon na makilala ka.

HINDI NA SUMAGOT SI ALEXANDRA.
NAKASILIP NAMAN SI CASSANDRA SA PINTO NG KWARTO NI ALEXANDRA.
••••••••••••••••••••••••••••
*MY COFFEE STORY MANILA*

NAGPUNTA DOON SINA LUKE AT HANSON AT NALAMAN NILA NA ILANG ARAW NA PALANG HINDI PUMAPASOK SI ALEXANDRA SA TRABAHO NIYA.

Luke: Nakakapagtaka naman 'yun. Gustong gusto ni Alex na mag trabaho para may sarili siyang pera at mapadalhan niya ang mommy niya sa Baguio pero bakit bigla nalang siyang nag quit sa pagta-trabaho niya?

Hanson: Baka na realize niya na hindi naman niya kailangang magtrabaho kasi mayaman naman sila?

Luke: Hindi ganun ang thinking ni Alex dude. Sigurado akong may mali eh. Hindi din daw siya nagpaparamdam sa mga kamag anak niya sa Baguio tapos sinabihan niya ako na iwasan muna namin ang isa't-isa, tapos ngayon nag quit na siya sa trabaho niya dito sa coffee shop? Hindi kaya may problema siya?

Hanson: Alam mo dude ang mabuti mong gawin eh puntahan mo siya sa bahay nila. Sasamahan kita.

NAPAISIP SI LUKE.

•••••••••••••••••••••••
AGAD NAGPUNTA SINA LUKE AT HANSON SA MANSION NG MGA VICTORINA PERO HINDI SILA PINAPAPASOK NG GUARD.

Luke: Kilala mo naman kami Manong diba? Kaibigan kami ng mga amo niyo.

Guard: Alam ko po Sir Luke pero mahigpit po ang bilin sa amin na hindi kami pwedeng magpapasok ng bisita lalo na po kung bisita ni Ma'am Alexandra.

NAGKATINGINAN SINA LUKE AT HANSON.

Luke: Pero bakit daw?

Guard: Hindi ko po alam Sir basta 'yun po ang utos sa amin. Kaya huwag na po kayo magpumilit.

Hanson: Sige ganito lang, pakitawag nalang kahit si Cassandra. I'm sure matutuwa 'yun kapag nakita niya kami.

Guard: Hindi nga po pwede sir. Ako po ang mapapagalitan nina Sir Manuel, Don Manolo at Ma'am Minerva eh.

WALA NG NAGAWA SINA LUKE AT HANSON KUNDI ANG UMALIS.
••••••••••••••••••••••••••
SA KWARTO NI CASSANDRA, KAUSAP NIYA SI MANUEL.

Cassandra: Daddy, sorry po kung nabibigyan namin kayo ng sakit ng ulo ni Alex ah? Hindi ko naman po gusto na makipag away sa kanya eh pero siya naman po itong nang aaway sa akin eh. I think galit pa rin po siya sa akin dahil sa nangyari sa resort. Dad I'm trying to understand where she's coming from pero minsan hindi ko na rin po talaga siya maintindihan eh. What if ibalik nalang po natin siya sa Mommy niya?

Manuel: What? Hindi anak. Tayo na ang pamilya ni Alexandra. Hindi ako papayag na mawala ulit siya sa atin. Alam kong darating ang oras na matututunan din niyang matanggap ang lahat. Sana din mas lawakan mo pa ang pag intindi sa kapatid mo dahil alam kong kailangan niya 'yun. Alam kong nahihirapan ka na rin pero sana pagtiyagaan mo nalang muna ang ugali ng kakambal mo at huwag mo nalang siyang patulan kapag inaway ka niya ulit.

Cassandra: I will dad. Sana nga magbago na ang ugali niya para hindi na kami mag away ulit.

••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA CORPORATION*

KAKATAPOS LANG NG MEETING NINA MINERVA, DON MANOLO AT NG MGA BUSINESS PARTNERS NILA.

BINATI NILA SI MINERVA DAHIL SA MAGANDANG PRESENTATION NITO.
NAGKAROON DIN SILA NG PARTNERSHIP SA ISA PANG MALAKING REAL ESTATE COMPANY KAYA MASAYANG MASAYA ANG LAHAT.

Don Manolo: Congratulations Minerva. Hindi ako nagkamali na ipinagkatiwala ko sa'yo ang posisyon ni Manuel.

Minerva: Thank you, Papa. Sabi ko naman sa inyo hindi ba, hindi ko pababayaan ang kumpanya.

•••••••••••••••••••••••••••
*BAGUIO*

DIMAGIBA RESIDENCE.

MAGKAUSAP SINA REMEDIOS AT BRENDA.

Brenda: Babalik tayo sa Amerika? Bakit biglaan naman po Mama?

Remedios: Nakausap ko kasi ang abogado ni Alfonso at sinabi niya na may mga naiwan pang properties si Alfonso na nasa pangangalaga ng isa niyang kaibigan (hinawakan ang kamay ni Brenda), kasama kayo ni Alexandra sa last will and testament ni Alfonso.

Brenda: Po? Ang sabi niyo po kinuha na ng mga pinagkakautangan ni Alfonso ang lahat ng mga ari-arian niya?

Remedios: 'Yun din ang akala ko Brenda kaya nga mabigla din ako noong tinawagan ako ng abogado ni Alfonso. Matagal na daw niya akong gustong makausap pero hindi niya alam kung saan ako mako-contact hanggang sa nakausap niya 'yung pamilya ng kaibigan ni Alexandra sa States at nasabi nila na nandito na tayo nasa Pilipinas. Mabuti nalang at alam nila ang address natin dito sa Baguio kaya nung matanggap ko ang sulat ng abogado ni Alfonso agad ko siyang tinawagan sa tulong ni Santi kaya nakausap ko siya.

Brenda: Magandang balita po 'yan Mama.

Remedios: Oo nga kaya kailangan talaga nating bumalik sa Amerika para asikasuhin ang lahat ng mga dokumento para makuha na natin ang mga naiwang properties at pera ni Alfonso.

Brenda: Pero paano po si Alexandra?

Remedios: Babalik din naman tayo dito Brenda kapag naayos na natin ang lahat. Kasama naman niya ang kanyang tunay na ama hindi ba?

NAPAISIP SI BRENDA.

TO BE CONTINUED...

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon