Chapter 114 | Fight Leila

35 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 114 | Fight Leila

KINABUKASAN

*VICTORINA MANSION*

NAG U-UMAGAHAN SINA MANUEL, MINERVA AT CASSANDRA.

Manuel: Ate Minerva, baka ma late ako mamaya sa opisina dahil may kailangan lang akong daanan.

Minerva: Okay Manuel pero pwede ko bang malaman kung saan ka pupunta?

Manuel: May mga kakausapin lang akong potential investors. Alam mo naman, I want to help you run the company. Marami pa tayong kailangang ayusin bago ka umupo sa iniwang pwesto ni Papa. Kaya naghahanap ako ng mga new investors para mas lumakas pa ang kumpanya natin.

Minerva: (Ngumiti) Tama ka Manuel. Dahil sa biglaang pagkawala ni Papa ay nabawasan din ang mga investors natin dahil natakot sila na baka malugi ang kumpanya. Marami ang nag pull out ng kanilang investments kaya we really need new investors.

••••••••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*

KAUSAP NI DEAN NORI SINA LEILA, HANSON, LUKE, YESHA, PHOEBE AT ALEXANDRA.

Hanson: Dean Nori, unfair naman po para kay Leila na ma-suspend siya kahit wala naman talaga siyang ginawang masama kay Cassandra.

Yesha: Tama po 'yun Dean Nori, yes natawa po kami nung nangyari yung incident na 'yun but that doesn't mean na may kinalaman po si Leila sa nangyari.

Phoebe: Kilala po namin si Cassandra and alam po namin na ginagawa lang niya ito dahil napahiya siya and wala siyang ibang masisi kundi si Leila.

Luke: Dean Nori, naniniwala po ako na hindi inutusan ni Leila yung babaeng nakatapon ng juice kay Cassandra.

Alexandra: Dean Nori, kahit po kakambal ko si Cassandra hindi ko po ito-tolerate ang ginagawa niya. Please be fair po for Leila kahit na kinausap kayo ni Tita Minerva.

Dean Nori: Pero umamin mismo si Jenny (babaeng nakatapon ng juice kay Cassandra) na inutusan siya ni Leila.

Leila: Hindi po 'yun totoo Dean Nori.

MAYA MAYA AY MAY PUMASOK SA DEAN'S OFFICE—SI JENNY.

Jenny: Dean Nori...

NAPALINGON SILANG LAHAT.

Dean Nori: Miss Plaridel...

Jenny: (Napabuntong hininga) I'm sorry po pero totoo po ang sinasabi ni Leila. Hindi niya po talaga ako inutusan na tapunan ng juice si Cassandra. Aksidente lang po talaga ang mga nangyari.

Dean Nori: Kung ganun, bakit ka nagsinungaling kahapon at sinabi mo na inutusan ka ni Leila na gawin 'yun?

Jenny: Dahil kinausap po ako ni Cassandra at tinakot niya po ako na maki-kick out ako sa school na ito kapag hindi ko idiniin si Leila kaya lang na-kunsensiya po ako eh. Halos hindi po ako makatulog kagabi kaya naisip ko po na sabihin na lang ang totoo. Dean Nori ayoko pong ma-kick out sa school na ito pero ayoko din pong may maparusahan ng dahil sa pagsisinungaling ko.

Leila: Thank you Jenny for telling the truth.

Hanson: Dean Nori, si Cassandra ang may pinaka madaming na bully sa school na ito. Alam niyo naman po siguro 'yun.

Phoebe: Lagi lang po talaga siyang bina back upan ang Tita Minerva niya kaya malakas ang loob niya.

Yesha: Pero kung yung daddy po niya yung makakausap niyo mismo I'm sure hindi rin po niya ito-tolerate ang maling behavior ni Cassandra.

NAPAISIP SI DEAN NORI.

••••••••••••••••••••••••••••••••••
NAGLALAKAD SINA LEILA, HANSON, LUKE, ALEXANDRA, PHOEBE AT YESHA.

Leila: Guys, salamat sa inyo ah?

Yesha: Ano ka ba, wala 'yun noh! It's about time para tapusin na natin 'yung pag re reyna reynahan ng Cassandra na 'yun dito sa Gabner noh!

Phoebe: Korek! Ang tagal na rin naming nanahimik sa mga ginagawa niyang hindi tama dahil sa takot namin na baka ma kick out kami sa school na ito pero ngayon hindi na kami matatakot!

Alexandra: Girls, sorry sa mga nagawa sa inyo ng kakambal ko ah?

Yesha: Ano ka ba Alex, wala kang kasalanan noh! Ibang iba ka nga sa kakambal mo na 'yun eh.

Leila: Oo nga Alex, hindi ka dapat nagso-sorry sa mga kasalanan ni Cassandra sa amin.

NAKASALUBONG NAMAN NILA SI CASSANDRA.

Cassandra: Wow, mukhang may meeting kayo ah? Ano ito, farewell bonding for Leila?

Alexandra: Cassandra, pwede ba huwag mo nang dagdagan 'yung kasalanan mo?

Cassandra: Kasalanan? Ano namang kasalanan ko? Tsaka pwede ba, wala naman akong ginagawang masama diba? Tinatanong ko lang naman kung may farewell bonding ba kayo for Leila?

Hanson: Walang farewell bonding na mangyayari Cass, dahil hindi naman aalis si Leila.

Cassandra: Oh, really? Sa pagkakaalam ko kasi masu-suspend siya dahil sa ginawa niya sa akin and baka nga ma kick out pa siya kapag hindi siya mag sorry sa akin.

Luke: Cassandra, tama na okay? Dahil baka mapahiya ka lang.

Cassandra: Ikaw ang tama na Luke! Alam mo ikaw naman lahat ng puno't dulo nito eh! Kaya kami naging magkaaway ni Leila eh dahil sa'yo! Ikaw din ang rason kung bakit hindi kami magkasundo ng kakambal ko at ikaw din ang dahilan kung bakit ko nasaktan si Hanson!

NATIGILAN SI LUKE.

Leila: Bakit mo sisisihin si Luke sa lahat ng mga ginawa mo sa amin? Alam mo Cassandra, kung hindi ka naging desperada kay Luke edi sana hindi ka bitter sa lahat ng tao sa paligid mo ngayon! Kung sana na appreciate mo lang si Hanson nung mga panahong mahal na mahal ka pa niya edi sana masaya ka ngayon! Kung sana tinanggap mo ng buong puso si Alexandra bilang kapatid o kakambal mo edi sana magkasundo kayo ngayon at kung sana naging mabuti kang kaibigan kina Phoebe at Yesha edi sana ikaw ang kinakampihan nila!

Cassandra: How dare you say that to me? Gusto mo ba talagang i request ko kay Dean Nori na i kick out ka sa school na ito?

Alexandra: Tama na Cassandra! Alam na ni Dean Nori ang lahat!

Cassandra: What?

Alexandra: Umamin na si Jenny na inutusan mo lang siya para idiin si Leila at nakausap na din ni Dean Nori si Daddy sa phone kaya mamaya pupunta si Daddy dito para makipag usap ng personal kay Dean Nori tungkol sa lahat ng mga ginawa mo!

NATIGILAN SI CASSANDRA.

Hanson: Kaya kung ako sa'yo Cass, mag sorry ka na lang kay Leila.

Cassandra: What? At bakit ko naman gagawin 'yun? You'll see, mas maniniwala sa akin si Daddy kesa sa inyo! I'll make sure lahat kayo maki kick out sa school na ito!

Yesha: Ang hilig mo talagang manakot girl!

Phoebe: Pero hindi na kami matatakot sa mga banta mo kasi malalaman na ng daddy mo ang lahat ng mga ginawa mo!

Alexandra: Kaya Cassandra, tumigil ka na dahil wala ka nang kakampi ngayon.

Cassandra: Whatever! Magsama sama kayong lahat!

NAG WALK OUT SI CASSANDRA.

NAPABUNTONG HININGA SI ALEXANDRA, TILA NAGI-GUILTY SIYA AT NAAAWA KAY CASSANDRA.
TUMINGIN SA KANYA SI LUKE AT HINAWAKAN ANG KAMAY NITO.

ITUTULOY....

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon