You're Mine
Chapter 119 | Hostage DramaSA BAHAY NINA SANTI AT EMILY.
Santi: Diyos ko, hindi pa rin ako makapaniwala Lola Remedios! Nagbalik na nga si Tita Brenda at buhay si Don Manolo!
Remedios: Mukhang dininig na ng Diyos ang mga panalangin natin.
Santi: Tama po kayo Lola. Mabuti naman at nagwawakas na ang kasamaan ng Tita Minerva nila at sigurado po ako na malilinis na ni Auntie Brenda ang pangalan niya.
•••••••••••••••••••
SA BAHAY NA PINAGTATAGUAN NI ENRICO, NAG I-SCROLL SIYA SA KANYANG SOCIAL MEDIA ACCOUNT NANG MADAANAN NIYA ANG ISANG LIVE VIDEO NG EVENT SA VICTORINA BUILDING. NATIGILAN SI ENRICO NANG MAKITA SINA BRENDA AT DON MANOLO SA VIDEO.Enrico: (Napatayo sa kinauupuan) Buhay si Don Manolo??!!
NAKITA DIN NIYA NA HAWAK NG MGA GUARDS SI MINERVA.
Enrico: Nalintikan na! Mukhang nabuking na si Minerva!
NAG DIAL SIYA SA KANYANG TELEPONO AT MAY TINAWAGAN.
Enrico: Hello, may kailangan tayong puntahan Tatawag ako ulit sa inyo!
•••••••••••••••••••••••
SA MULTI PURPOSE HALL NG VICTORINA BUILDING.Brenda: Ngayon Minerva, naiintindihan mo na ba ang mga nangyayari?
Minerva: Papa, let me explain! Nagkakamali kayo! Niloloko lang kayo nina Brenda at Tony! Magkasabwat sila, sigurado ako dun! Plinano nila ang lahat ng ito! Sila ang nagtangka sa buhay mo at hindi ako!
Manuel: (SUMIGAW) TAMA NA ATE MINERVA!!!!
NAGULAT ANG LAHAT SA LAKAS NG BOSES NI MANUEL.
Manuel: HAYOP KA! DEMONYO KA ATE MINERVA! ILANG LINGGO KO NANG PINIPIGILAN ANG SARILI KO! ILANG LINGGO KO NANG PINIPIGILAN ANG GALIT KO SA'YO PERO SA WAKAS DUMATING NA ANG ARAW NA MAGAGAWA KO ITO SA'YO!
SINAKAL NI MANUEL SI MINERVA.
NABIGLA ANG LAHAT.Minerva: Ahhhhhhhh Ma-Manuel.
TUMAKBO PALAPIT SI CASSANDRA.
Cassandra: Daddy stop!
PERO HINDI NAAWAT SI MANUEL.
Minerva: M-Manuel h-hindi ako maka-kahinga!
Brenda: Manuel tama na 'yan, baka mapatay mo siya. Kailangan pa niyang pagbayaran ang ginawa niya sa Papa mo.
BINITAWAN NI MANUEL SI MINERVA.
INUBO AT NAGHABOL NAMAN NG HININGA SI MINERVA.Manuel: Magpasalamat ka Ate Minerva dahil hindi ako kagaya mong mamamatay tao!
Don Manolo: (Tumingin sa mga bisita) Pasensiya na kayo kung kailangan niyo pang masaksihan ang gulong ito pero kailangan niyo ring malaman ang ginawa sa akin ng babaeng 'yan (itinuro si Minerva).
NILAPITAN NI BRENDA SI MINERVA.
Brenda: Parating na ang mga pulis para hulihin ang totoong kriminal na nagtangka sa buhay ni Don Manolo.
Minerva: Hindi ako ang kriminal! Ikaw Brenda! Ikaw ang Kriminal!
Brenda: Tama ka na Minerva! Wala ka nang maloloko dito! Ito na ang katapusan ng lahat ng pangloloko mo sa pamilyang nagtiwala sa'yo! Siya nga pala, huwag mo nang alalahanin ang kumpanya dahil sigurado naman ako na magiging maayos na ang lahat.
Minerva: HAHAHAHAHAHA! Magiging maayos? Bakit, dahil ikaw na ang bagong CEO and President? At anong alam mo sa pagpapatakbo ng kumpanya ha Brenda?
Brenda: (Nag sarcastic smile) Don't worry Minerva, hindi ako ang magiging bagong President and CEO ng Victorina Corporation.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...