Chapter 153 | BRENDA'S SUSPICION

12 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 153 | Brenda's Suspicion

KINABUKASAN

*VICTORINA CORPORATION*

MAGKASAMA SINA CARLA AT ELIZABETH SA CAFETERIA.

Carla: Parang iba ang gamit mong perfume ngayon?

Elizabeth: Ah oo eh. Naubos na kasi 'yung isa kong perfume. Hindi pa ako nakakabili.

Carla: Gusto ko pa naman nung amoy nun. Ano bang perfume 'yun?

Elizabeth: Ah "Sweet Pink Roses & Amber."

Carla: Oh narinig ko na 'yan, parang 'yan din 'yung favorite perfume nung sikat na Korean superstar eh.

Elizabeth: Really? Well, ang bango naman kasi talaga nun eh.

Carla: True!

•••••••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY.

NANDOON SI BRENDA, KAUSAP SI LOLA REMEDIOS.

Remedios: Sigurado ka ba sa kutob mo na 'yan?

Brenda: Hindi po Mama pero paano nga kung may babae si Manuel? Ikakasal na po kami bakit pa siya mambababae?

Remedios: Huwag mo munang pag isipan ng hindi maganda si Manuel baka kasi nagkakamali ka lang.

Brenda: Sana nga po Mama mali ang hinala ko.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••
*GABNER UNIVERSITY*

MAGKASAMA SINA HANSON AT CASSANDRA SA PARK.

INABUTAN NI HANSON SI CASSANDRA NG FLOWERS AND CHOCOLATES.

Cassandra: (Napangiti) Talagang may pa flowers at chocolates ka pa ah?

Hanson: Syempre naman, kahit na sinagot mo na ako agad, gusto ko na ligawan ka pa rin araw araw.

Cassandra: Ano ka ba, hindi mo naman kailangang gawin ito araw-araw eh. Isa pa, hindi na uso 'yang mga ganyan hahaha.

Hanson: (Sumimangot) Ayaw mo ba nang ganito?

Cassandra: (Natigilan) Hindi naman sa ganun. Alam mo ikaw ang cute mo talaga! Hahaha!

Hanson: (Ngumiti) Alam ko naman 'yun.

Cassandra: Na cute ka?

Hanson: (Tumango) Oo.

Cassandra: (Tumawa) Hahaha! Hay naku Hanson. Pero salamat dito sa flowers at chocolates ah? Feeling ko tuloy Valentines day na.

Hanson: Malapit naman na ang Valentines day ah?

Cassandra: Oo nga noh?

Hanson: Sayang, hindi tayo makakapag celebrate sa labas kasi diba naghihigpit ang lolo niyo sa inyo ngayon?

Cassandra: Oo nga eh pero pwede naman siguro naming pakiusapan si Daddy. 'Yun nga lang kailangan pa rin namin ng mga body guards sa labas.

MAYA MAYA AY DUMATING SINA LUKE AT ALEXANDRA.

Alexandra: Sabi na nandito kayo eh.

NAKITA NI ALEXANDRA ANG BULAKLAK AT CHOCOLATES.

Alexandra: Wow, ang sweet naman ni Hanson.

NGUMITI SI CASSANDRA.

Luke: Anyway, may plano na ba kayo sa Valentine's day?

NAGKATINGINAN SINA HANSON AT CASSANDRA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon