You're Mine
Chapter 82 | Perfect Timing*SA GABNER UNIVERSITY*
MAGKAKASAMA SINA PHOEBE, YESHA AT VICKY.
Phoebe: Really? Na ambush ang lolo at tita nina Cass?
Yesha: So kamusta daw sila?
Vicky: According to Hanson nung nagtext siya sa akin ligtas na daw sila.
Phoebe: Thank God! Grabe sino kayang gagawa nun sa kanila?
Yesha: Baka kalaban sa business? Iba talaga kapag sobrang yaman niyo eh ang daming naiinggit!
Vicky: Tama kayo diyan!
MAYA MAYA AY DUMATING NAMAN SINA SANTI, EMILY AT JOSH.
Josh: Hi girls.
Yesha: Oh, Hi Josh! Hi Santi, Emily.
NGUMITI SILA SA ISA'T-ISA.
Santi: Uhmmm nakita niyo ba si Alex? Kanina pa kasi namin siya hinahanap eh.
Emily: Oo nga, hindi din siya sumasagot sa tawag namin. Kasama ba niya si Ate Cassandra at Kuya Luke?
Vicky: Yes. They're at the hospital.
Santi: OMG!!!
MEDYO OA ANG REACTION NI SANTI AT TILA IIYAK PA.
Santi: Anong nangyari sa pinsan namin! Anong nangyari!!! Sabihin mo, Vicky!!!
TILA NAG PA-PANIC SI SANTI.
Emily: Kuya ano ba? Huwag ka ngang OA!
Santi: Ay sorry sorry sorry. Na carried away lang kasi ako eh. Ano ba kasing nangyari Vicky? Bakit sila nasa ospital?
Vicky: Eto na nga, eh isinugod kasi sa ospital yung Lolo at Tita Minerva nila dahil na ambush 'yung sinasakyan nilang kotse.
Emily: Hala!
Santi: So anong nangyari? Okay lang ba sila?
Vicky: 'Yung lolo nila okay naman. Walang tama pero yung Tita Minerva nila nadaplisan pero okay na rin daw.
Santi: Naku mabuti naman at yung bruha lang ang nadaplisan.
Emily: Kuya?
Santi: Este, mabuti naman at ligtas sila.
Josh: I'm sure nag alala ng husto si Alex sa Lolo at Tita niya. Saang ospital sila dinala?
••••••••••••••••••••••••••••••
UMUWI NA SINA SANTI AT EMILY.
KA VIDEO CALL NILA SI BRENDA AT IBINALITA DITO ANG NALAMAN NILA.Santi: Ewan ko lang Auntie Brenda ah? Hindi naman sa natutuwa ako sa nangyari pero hindi kaya karma ang nangyari sa bruhang Minerva na 'yun?
Brenda: Ano ka ba Santi, huwag kang mag isip ng ganyan. Kahit pa masama siyang tao eh huwag tayong matuwa sa nangyari sa kanya.
Santi: Pasensiya na po Auntie Brenda. Maiba ho ako, uuwi na po ba kayo ni Lola Remedios dito?
Brenda: (Ngumiti) Oo Santi, malapit na kaming bumalik sa Pilipinas.
Emily: Sa wakas Auntie Brenda! Sigurado po akong matutuwa niyan si Ate Alex kapag nagkita po kayo ulit.
Brenda: Basta huwag niyo munang sasabihin sa kanya ito ha? Ayokong masira ang mga plano ko. Baka kasi malaman nina Manuel eh, sigurado akong ilalayo na naman nila sa akin si Alexandra.
Santi: Huwag po kayong mag alala Auntie Brenda, tikom po ang bibig namin ni Emily.
Emily: Tama po!
•••••••••••••••••••••••••••
SA OSPITAL.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...