Chapter 116 | The Big Event

23 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 116 | The Big Event

A Few Days Later

SA BAHAY NA PINAGTATAGUAN NI ENRICO. MAGPUNTA DOON SI MINERVA.

Enrico: Sa makalawa na pala ang event kung saan ia-appoint ka na bilang bagong President and CEO ng Victorina Corporation.

Minerva: Tama at sigurado ako na maraming investors at malalaking tao ang dadalo doon kaya dapat ma-impress ko silang lahat.

Enrico: Masyado talagang tiwala sa'yo si Manuel. Biruin mo pumayag siya na ikaw ang maging CEO ng kumpanya ng daddy niya? Hahahaha! Napaka tanga niya.

Minerva: Pero hindi ba magandang katangahan 'yun? Hahahaha! Dahil hindi na ako nahirapan na kunin sa kanya ang kumpanya dahil nagparaya na siya. Hindi ko akalain na napakadali ko lang makukuha ang kumpanya.

Enrico: Tama ka.

Minerva: Siya nga pala, anong balita kay Brenda? Alam mo na ba kung saan siya nagtatago?

Enrico: Hindi pa pero sigurado naman ako na hindi mo na siya magiging problema dahil wanted siya kaya sa oras na lumabas siya sa lunggang pinagtataguan niya eh siguradong sa kulungan ang bagsak niya.

Minerva: Hmmm... Huwag na huwag lang talaga siyang magpapakita sa akin dahil sisiguraduhin kong papatayin ko siya!

••••••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA EMILY AT SANTI.

KAUSAP NI ALEXANDRA SI LOLA REMEDIOS.

Remedios: Natutuwa ako apo at nagkaayos na rin kayo ng kakambal mo at ng daddy mo.

Alexandra: Oo nga po Lola eh. Gumaan na din po ang loob ko nung nagkausap po kami ni Daddy.

Remedios: Ang ibig bang sabihin niyan eh uuwi ka na sa mansion ninyo?

Alexandra: (Umiling) Hindi po Lola, nakiusap po ako kay Daddy na baka pwedeng dito muna ako kasama kayo at pumayag naman po siya.

Remedios: Talaga? Akala ko eh iiwanan mo na kami dito eh.

Alexandra: Lola, pamilya ko rin po kayo kaya hindi ko kayo iiwan. Sinabi naman po ni Daddy na kapag gusto kong pumunta sa mansion anytime pwede naman po akong pumunta dun.

Remedios: Mabuti naman kung ganun.

Alexandra: Hayyy... Lola, sana magpakita na rin po si Mommy noh? Gustong gusto ko na po kasi siyang makasama ulit eh.

Remedios: Gabi gabi kong ipinagdarasal sa Diyos na sana umuwi na ang mommy mo at sana mapatunayan na niya na inosente siya.

Alexandra: Ako din po Lola.

•••••••••••••••••••••••••
SAMANTALA

SA ISANG RESTHOUSE, LUMABAS SI MANUEL AT NAGLAKAD PATUNGO SA KANYANG SASAKYAN.

LUMINGON SIYA SA BAHAY TSAKA BINUKSAN ANG KOTSE AT SUMAKAY TSAKA PINAANDAR ITO AT UMALIS NA.

HABANG NAGMAMANEHO SIYA AY TILA MALALIM ANG INIISIP NIYA.

•••••••••••••••••••••••
GABI

*VICTORINA MANSION*

MAGKAUSAP SINA MANUEL AT MINERVA SA POOL AREA.

Manuel: Malapit na ang party para sa'yo Ate Minerva. Handa ka na bang maupo bilang President and CEO ng Victorina Corporation?

Minerva: (Bahagyang ngumiti) Sa totoo lang Manuel, kinakabahan ako.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon