Chapter 136 | Food Poison

19 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 136 | Food Poison

SA PRESINTO KUNG SAAN NAKAKULONG SI MINERVA.

KAARAWAN NG ISA SA MGA INMATES NIYA KAYA NAGKAROON NG KAUNTING SALU-SALO.

KAUSAP NI MINERVA ANG IN MATE NIYA NA MAY KAARAWAN.

Minerva: Mabuti ka pa, may pamilya kang dumadalaw sa'yo at hindi ka nakakalimutan kahit na nakakulong ka.

Doray: Aba syempre naman. Mahal na mahal ako ng mga anak ko eh. Ikaw din naman diba may dumadalaw sa'yo. Sino ba 'yun?

HINDI SUMAGOT SI MINERVA.

Doray: Oh kumain na kayo. Masarap magluto ang anak ko.

NAGKAINAN NA ANG MGA IN MATES AT INALOK PA NI DORAY ANG MGA BANTAY NA PULIS SA LABAS NG KANILANG SELDA.
•••••••••••••••••••••••••••••
LUMUWAS PA MAYNILA GALING BAGUIO SINA FREDA, LITO AT RIZZI. KASABAY NILANG LUMUWAS SINA ESTONG AT ROWENA AT DUMALAW SILA SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY.

TAMANG TAMA DAHIL WALANG KLASE SA GABNER DAHIL ANNIVERSARY WEEK NA NG UNIVERSITY AT ILANG ARAW NA LANG AY MAGAGANAP NA ANG PINAKA HIHINTAY NILANG MISTER & MISS GABNER UNIVERSITY AT MISS GAY GABNER.

Santi: Tamang tama naman pala ang pagpunta ninyo dito sa Maynila Mamiru, Uncle Lito! Mapapanood ninyo akong rumampa sa stage!

Freda: Talagang tinaon namin na ngayon lumuwas. Nag imbita din kasi ang Auntie Brenda ninyo eh.

Lito: Oo nga kaya masusuportahan ka namin sa laban mong 'yan!

NGUMITI SI SANTI.

Remedios: Sigurado akong matutuwa si Alexandra kapag nakita niya kayo ulit.

MAYA MAYA AY DUMATING NA NGA SINA ALEXANDRA AT BRENDA.

Alexandra: Auntie Freda, Uncle Lito, Estong, Aling Rowena.

NAPALINGON SILANG LAHAT.

Estong: (Umaliwalas ang mukha) Alexandra...

Brenda: Sa wakas nagkita-kita ulit tayong lahat.

NIYAKAP NI BRENDA SINA FREDA AT LITO. NIYAKAP DIN NI ALEXANDRA SINA FREDA AT LITO.

Brenda: Rowena...

Rowena: Brenda, natutuwa akong makita ka ulit.

Brenda: Ako din Rowena. Malaki ang utang na loob namin sa'yo.

NIYAKAP NI BRENDA SI ROWENA.

Alexandra: Estong, Aling Rowena masaya ako na makita ko kayo ulit. Hindi pa ako lubos na nakakapag pasalamat sa inyo. Pasensiya na din po kayo kung hindi ko kayo agad nadalaw ah? Ang dami po kasing nangyari eh.

Rowena: Naiintindihan naman namin, Alexandra. Nai-kwento na nina Santi at Emily ang lahat pero ang mahalaga eh maayos na kayo diba? Kasama niyo na ang pamilya ninyo.

Estong: Oo nga Alexandra, ang dami niyo na ring pinagdaanan ng Mommy mo kaya masaya kami ni Tiya Rowena para sa inyo ni Aling Brenda.

Brenda: Maraming salamat sa inyo

Remedios: Bweno, kumain muna tayo at naghanda ako ng adobo at kare-kare.

Rizzi: Oo nga po, nagugutom na po ako eh.

Santi: Lagi ka namang gutom noh!

Emily: Oo nga. Hahaha!

NATAWA SILANG LAHAT.

Freda: O siya kumain na tayo.

MASAYA SILANG LAHAT NA NAGSALU-SALO SA HAPAG KAINAN.

•••••••••••••••••••••••••
SA PRESINTO.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon