You're Mine
Chapter 164 | Brenda & Manuel's Love StoryISANG ARAW BAGO ANG KASAL NINA MANUEL AT BRENDA.
*SA BAHAY NA PINAGTATAGUAN NI MINERVA*
MAGKAUSAP SILA NI ELIZABETH.
Elizabeth: Ano bang binabalak mo sa kasal nina Brenda at Manuel?
Minerva: Wala.
Elizabeth: (Nagtaka) Wala? Anong wala?
Minerva: Hahayaan lang natin na maikasal sila.
Elizabeth: Really? Hindi mo guguluhin ang kasal nila? Akala ko pa naman may magandang plano ka.
Minerva: (Nag evil smile) Regalo ko na sa kanilang dalawa ang peaceful wedding nila dahil hindi rin naman magtatagal eh magkakahiwalay din sila. Hindi ba mas magandang sirain ang relasyon nila kapag kasal na sila? Mas magiging masakit 'yun para sa kanilang dalawa.
Elizabeth: Ibang klase ka talagang mag isip, Mommy.
Minerva: Hmmmm... Mas masarap maghiganti kung dahan dahan. Kasi kapag pinatay ko silang lahat ngayon, wala nang thrill kaya ang gusto ko unti-unti ko silang sisirain at papahirapan hanggang sa magmakaawa sila sa akin bago ko sila pataying lahat! Lalo na ang Brenda na 'yan dahil siya ang dahilan kung bakit nasira ang mga plano ko! Noon pa man siya na ang hadlang sa lahat ng mga plano ko!
Elizabeth: So tell me, ano pa bang mga pina plano mo at kailan natin kukunin ang kayaman ng mga Victorina?
Minerva: Huwag kang mainip anak dahil malapit na rin namang mangyari 'yun. Sa ngayon, may mas maganda pa akong plano at sisiguraduhin ko na mawawasak at guguho ang mundo nilang lahat!!! HAHAHAHAHA!!!!
•••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*SA KWARTO NI BRENDA.
NAKAHARAP SIYA SA SALAMIN AT PINAGMAMASDAN ANG KANYANG SARILI.
SA WAKAS, IKAKASAL NA ULIT SILA NI MANUEL. MULING NAGBALIK SA ALA-ALA NIYA ANG UNANG ARAW NA NAGKAKILALA SILA NI MANUEL.*FLASH BACK*
SA PABRIKANG PAG AARI NINA DON MANOLO.
ABALA SA TRABAHO SINA BRENDA NANG BIGLANG DUMATING DOON SINA DON MANOLO, DONYA CECILIA, MINERVA AT MANUEL.
KINABIG NI FE SI BRENDA NA TILA MASAMA ANG PAKIRAMDAM
Fe: Nandito sina Don Manolo.
NAPATINGIN ANG LAHAT SA PAMILYA VICTORINA AT NATIGILAN SA MGA GINAGAWA.
Don Manolo: Makinig kayong lahat, nais kong ipakilala sa inyo ang aming mga anak na sina Manuel at Minerva.
NAPATINGIN SI BRENDA KAY MANUEL. GWAPO ITO, MESTISO, MATIPUNO AT MUKHANG MABAIT.
SI MINERVA NAMAN AY MESTISA DIN, MAGANDA PERO MUKHANG MASUNGIT.BINATI NG MGA EMPLEYADO SINA MINERVA AT MANUEL.
Don Manolo: Balang araw, sila ang papalit sa pwesto namin at sila ang magpapatuloy ng aming mga negosyo kaya ngayon pa lang gusto ko nang makilala ninyo sila.
Manuel: Ikinagagalak kong makilala kayong lahat. Sana kapag ako na ang boss ninyo eh tulungan ninyo ako na mapaunlad pa ang negosyo namin.
Minerva: We promise na kapag kami na ang namumuno sa kumpanyang ito ay hindi namin kayo pababayaan gaya nang pag aalaga sa inyo nina Daddy at Mommy.
NAGPALAKPAKAN ANG MGA EMPLEYADO.
NAPANSIN NAMAN NI MANUEL SI BRENDA DAHIL TILA NAMUMUTLA ITO.Manuel: Miss?
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...