Chapter 32 | Minerva's Past

31 2 0
                                    

You're Mine
Chapter 32 | Minerva's Past

*VICTORINA MANSION*

SA KWARTO NI MINERVA.
UMIINOM SIYA NG ALAK AT NAKAHARAP SA SALAMIN.

Minerva: (Tumatawa) Hahahaha! Makakatulog na ako ng mahimbing dahil sigurado akong wala na akong po-problemahin! Ang malas mo lang Brenda dahil naunahan kita! Sana hindi ka nalang bumalik at nanahimik ka nalang kung saan ka man nagtago ng mahabang panahon edi sana hindi ko na kayo kailangang ipapatay ulit! Hmmm... Isa na lang ang kailangan kong masigurado, ang posisyon ni Manuel sa kumpanya! Kailangang ako ang ipalit nila sa pwestong 'yun at pagkatapos nun, gagawin ko na ang lahat ng mga plano ko na kunin ang lahat ng kayaman ni Papa! Hahahaha!!!

NAPALUHA SIYA AT MAY NAGBALIK SA KANYANG ALA-ALA.

••••••••••••••••••••••
LABING WALONG TAON PA LANG NOON SI MINERVA NG MAMATAY ANG KANYANG TUNAY NA AMA. BAGO ITO MAMATAY AY MAY IPINAGTAPAT SIYA DITO.

Dante: Minerva anak, patawarin mo ako kung hindi ko naibigay ang magandang buhay na gusto mo. Patawad kung mahirap lang tayo.

Minerva: (Umiiyak) Tay, wala po kayong kasalanan. Masaya po ako kahit mahirap lang tayo. Tay huwag mo akong iiwan!

Dante: Anak makinig ka sa akin, hindi totoong patay ang Nanay mo.

NATIGILAN SI MINERVA.

Minerva: Po? Ano pong ibig niyong sabihin?

Dante: Buhay ang nanay mo Minerva. Iniwan lang niya tayo noong dalawang taong gulang ka pa lang. Bumalik siya sa tunay niyang asawa na si Manolo Victorina.

Minerva: (Natigilan) Ma-Manolo Victorina? Yung may ari ng malaking pabrika na pinagta-trabahuhan ninyo?

Dante: Oo anak. Nakilala ko ang nanay mo noon sa pabrika. Nagkaroon kami ng relasyon at nabuntis ko siya pero may asawa na pala siya at yun ay si Manolo. Noong malaman ni Manolo na nabuntis siya ay pinalayas siya nito at sumama siya sa akin. Masaya kaming nagsama kahit na wala kaming pera pero noong ipinanganak ka niya nagbago ang lahat, lagi kaming nag aaway dahil sa hirap ng buhay. Nagsisisi daw siya na sumama siya sa akin kaya noong ikalawang kaarawan mo, iniwan niya tayo at bumalik siya kay Manolo.

Minerva: (Napaluha) Ang ibig niyo pong sabihin, mayaman ang tunay kong ina?

Dante: Oo anak kaya hanapin mo siya. Siya lang ang pag asa mo para makaahon ka sa kahirapan anak.

BIGLANG INUBO NG INUBO SI DANTE AT NAHIRAPANG HUMINGA.

Minerva: Tay! Tay!!!

AT TULUYAN NA NGANG BINAWIAN NG BUHAY SI DANTE.

Minerva: Tayyy!!!

IYAK NG IYAK SI MINERVA.

Minerva: Pinapangako ko Tay, hahanapin ko si Nanay at pagsisisihan niya na iniwan niya tayo! Sa loob ng mahabang panahon, hinayaan niya tayong maghirap habang siya nagpapakasarap sa kayaman ng asawa niya! Hindi ako papayag! Gagawin ko ang lahat at ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang anak niya!

MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO AY HINANAP NI MINERVA ANG KANYANG INA.
NAGPUNTA SIYA SA PABRIKA NA PAG AARI NG MGA VICTORINA. HINARANG SIYA NG GUARD.

Guard: Hindi ka pwedeng pumasok dahil hindi ka naman empleyado dito.

Minerva: Kailangan ko lang makausap yung amo niyo!

Guard: Hindi nga pwede! Hindi sila basta basta humaharap at nakikipag usap sa kung sino sino lang!

Minerva: Anak ako ng asawa ng may ari ng pabrikang ito kaya papasukin mo ako!

Guard: Hahahaha! Baliw! Umalis ka!

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon