You're Mine
Chapter 122 | Release Me*SA PRESINTO*
KINUKUHANAN NA NG MUGSHOT SI MINERVA.
NAPAPALUHA PA SIYA SA PAGKA DISMAYA.
HINDI NIYA INAASAHAN NA AGAD SIYANG MAHUHULI NG MGA PULIS.
INIISIP NIYA NA TRINAYDOR SIYA NI CASSANDRA.••••••••••••••••
SAMANTALA SA CONDO NA PINAGTATAGUAN NI ENRICO.
Enrico: Hahahaha! Hindi ko akalain na ganun kadali ko lang maiisahan si Minerva.
Pedro: Paano ba yan boss, nasa atin na ang lahat ng pera niya. Anong plano niyo?
Enrico: Ang lumayo at magpaka sasa sa pera ni Minerva! Hahahaha!
*FLASH BACK*
Enrico: Baka mapahamak ka Minerva?
Minerva: Hindi ako ipapahamak ni Cassandra. Tiwala ako sa kanya dahil malaki ang utang na loob niya sa akin!
Enrico: Bahala ka. Pero kapag trinaydor ka niya, huwag mong sabihin na hindi kita binalaan.
Minerva: (Napaisip) Huwag kang mag alala dahil sigurado ako na mapagkakatiwalaan ko si Cassandra. Kailangan kong makuha ang mga natitira ko pang pera at siya lang ang pwede kong utusan para dalhin 'yun sa akin.
Enrico: Okay sige, makipagkita ka sa kanya pero sasamahan kita. Mabuti na yung sigurado.
Minerva: Ikaw ang bahala.
TINAWAGAN NI MINERVA SI CASSANDRA.
Minerva: Cassandra, magkita tayo sa bakanteng lote malapit St. Michael Chapel ng alas kwatro ng hapon. Please, don't betray me okay? Tatawagan kita ulit. Bye!
*END CALL*
NAKATINGIN NAMAN SA KANYA SI ENRICO AT NAG EVIL SMILE.
3:30PM
Minerva: Enrico, magkikita na kami ni Cassandra. Sasamahan mo ba ako?
Enrico: Hindi na Minerva tutal ang sabi mo naman pinagkakatiwalaan mo siya diba? Pasasamahan nalang kita kay Pedro para ihatid ka dun. Mag iingat ka at baka may makakilala sa'yo.
Minerva: Okay.
Enrico: Pedro, samahan mo na si Minerva.
Pedro: Opo boss. Tayo na po Ma'am Minerva.
UMALIS NA SILA.
MAYA MAYA AY UMALIS NA RIN SI ENRICO.HABANG NASA SASAKYAN SINA MINERVA AT PEDRO PAPUNTA SA LUGAR NA PINAG USAPAN NILA CASSANDRA AY BIGLANG TUMIRIK ANG SASAKYAN.
Minerva: Anong nangyayari, Pedro?
Pedro: (Driver) Namatay po ang makina eh. Teka iche-check ko lang po (bumaba).
NAPATINGIN SI MINERVA SA RELO—3:40PM.
TINEXT NI PEDRO SI ENRICO.Sender: Pedro
Message: Boss, okay na. Ide-delay ko lang ng ilang minuto si Ma'am Minerva kaya bilisan niyo nalang.SAMANTALA NAGDA DRIVE NAMAN SI ENRICO PAPUNTA SA KUNG SAAN MAGKIKITA SINA MINERVA AT CASSANDRA.
Enrico: (Nag dial sa phone) Hello, police station. May gusto lang akong i-report tungkol kay Miss Minerva Victorina, alam ko kung nasaan siya (Nag evil smile).
*END OF FLASH BACK*
Pedro: Ang galing talaga ng plano mo Boss!
Enrico: (Nag evil smile) Ako pa. Ngayon, wala nang pakinabang sa akin si Minerva. Hindi man niya nakuha ang kayaman ng mga Victorina eh nakuha ko naman ang natitirang pera niya! Hahahaha!!!
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...