Chapter 37 | Searching For The Truth

21 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 37 | Searching For The Truth

KINABUKASAN.

*VICTORINA MANSION*

NAKALABAS NA NG OSPITAL SI MANUEL.

Manuel: Papa, kamusta sa opisina?

Manolo: Sa ngayon maayos na ang lahat. Kalmado na ang mga investors. Si Minerva na muna ang pumalit sa posisyon mo habang hindi pa tayo nakakahanap ng ebisdensiya kung sino ang totoong nagnakaw ng 50 million sa kumpanya at nag diin sa'yo.

Manuel: Ate Minerva, ikaw na muna ang bahala sa mga naiwan kong trabaho ha?

Minerva: Huwag kang mag alala Manuel ako na ang bahala sa lahat. Magpahinga ka nalang muna, ikaw din Papa magpahinga ka na rin po muna dahil pareho lang kayo ni Manuel na halos kakagaling lang sa ospital. Baka mamaya niyan makasama pa sa inyo ang masyadong pag iisip.

Manolo: Huwag mo akong alalahanin Minerva dahil kaya ko naman ang sarili ko. Naka attend na nga ako ng meeting kahapon hindi ba?

Minerva: Ang sa akin lang Papa eh baka masyado na kayong nai-stress sa mga nangyayari lately.

Manolo: Kaya ko ang sarili ko Minerva.

HINDI NA SUMAGOT SI MINERVA.

Minerva: Anyway, may kailangan lang po akong puntahan. Mauna na po ako Papa, Manuel.

TUMANGO SI MANUEL AT MANOLO.
UMALIS NA SI MINERVA.

Manuel: Papa, si Alexandra kailan natin siya kukunin kay Brenda?

Manolo: Huwag kang mainip anak. Kailangan ko lang paimbestigahan muna ang totoong nangyari kina Brenda.

NAPAISIP SI MANUEL.

••••••••••••••••••••••••
SA ISANG MALIIT NA BAHAY, NANDOON SI MINERVA AT MAY KAUSAP NA ISANG BABAE.

Minerva: (Inabutan ng sobre na may lamang pera ang babae) Basta gawin mo lang kung ano ang mga inutos ko sa'yo at pangako ti-triplehin ko pa yan.

BINUKSAN NG BABAE ANG SOBRE AT NANLAKI ANG MATA NIYA SA KAPAL NG PERANG LAMAN NITO.

Fe: Makakaasa po kayo Ma'am Minerva!

Minerva: Sa oras na umalis ako sa bahay na ito, kakalimutan mo na nagkita tayo ngayon maliwanag ba?

Fe: Opo maliwanag po!

Minerva: (Nag evil smile) Good. Bweno, mauuna na ako.

TUMAYO SI MINERVA AT UMALIS NA.

••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

MAY KAUSAP SI DON MANOLO SA CELLPHONE.

Manolo: Na admit si Brenda sa isang mental hospital?

Imbestigador: (Kabilang linya) Opo Don Manolo. 23 years ago ipinasok siya ng kapatid niya sa isang Mental hospital dahil sa depression noong mamatay ang mga magulang nila at nakalabas din agad ito pagkatapos ng dalawang buwang gamutan.

Manolo: Bakit hindi ko nalaman ito noon? Yung kapatid niya na nagdala sa kanya sa mental, nasaan siya? Gusto kong hanapin mo ang kapatid niya at iharap mo sa akin. Pati na ang mga taong malalapit sa kanya gusto ko silang makausap.

Imbestigador: Opo Don Manolo!

END CALL.

Manolo: (Napaisip) Kung ganun may history pala ng pagiging baliw ang babaeng yun?

•••••••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NI ROWENA.

MAGKAUSAP SINA BRENDA AT ALEXANDRA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon