Chapter 177 | Manuel And Brenda's Return

5 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 177 | Manuel & Brenda's Return

KINABUKASAN.

SA BAHAY NINA SANTI.
MAGKAUSAP SINA LITO AT REMEDIOS.

Remedios: Ano bang plano mo Lito? Hindi ka pa ba magpapakilala sa anak mo kay Minerva?

Lito: Hindi ko ho alam Auntie Remedios, wala talaga akong lakas ng loob ngayon eh. Siguro babalik nalang muna ako sa Baguio. Masaya na ho ako na malaman kong may anak pala ako at nakita ko siya.

Remedios: Lito, kailangan mo pa ring magpakilala sa kanya.

MAYA MAYA AY DUMATING SI EMILY.

Emily: Uncle Lito, may gusto pong makipag usap sa inyo.

NATIGILAN SI LITO.

PUMASOK NAMAN SINA SANTI, ALEXANDRA AT CASSANDRA KASAMA SI ELIZABETH.

NAPATAYO SI LITO NANG MAKITA SI ELIZABETH.

Alexandra: Uncle Lito, gusto po kayong makausap ni Elizabeth.

NAPATINGIN SI LITO KINA SANTI AT EMILY.
NAG PEACE SIGN AT NGUMITI SI SANTI AT EMILY.

Remedios: Ang mabuti pa eh maiwan na muna namin kayo.

TUMAYO SI REMEDIOS AT LUMABAS NG BAHAY. SUMUNOD NAMAN SINA SANTI, EMILY, ALEXANDRA AT CASSANDRA.
NAIWAN SINA LITO AT ELIZABETH.
NAGPAKIRAMDAMAN SILA.

Lito: M-Maupo ka Hija.

NAUPO SI ELIZABETH.

HINDI ALAM NI LITO ANG SASABIHIN KAYA SI ELIZABETH NA ANG UNANG NAGSALITA.

Elizabeth: Nasabi na po sa akin nina Cassandra ang lahat. Totoo po ba na kayo ang tunay kong Ama?

Lito: Ah eh... Kwan... P-Patawarin mo ako kung hindi ako agad nagpakilala sa'yo. H-Hindi ko rin kasi alam na nagkaroon ako ng anak noon. Kailan ko lang din nalaman ang tungkol sa'yo.

Elizabeth: (Huminga ng malalim) Okay lang po 'yun. Alam ko naman pong wala kayong kasalanan eh. Sa totoo lang po nung nakita ko kayo noon sa simbahan medyo magaan na ang loob ko sa inyo, 'yun pala ikaw ang tunay kong ama.

NAALALA NI LITO ANG ARAW NA NAGKABANGGAAN SILA NI ELIZABETH SA SIMBAHAN NOONG KASAL NINA BRENDA AT MANUEL.

Lito: (Napangiti) Oo nga. Pambihira talagang magbiro ang tadhana ano?

Elizabeth: Ang sabi ho sa akin ni Santi, nahihiya daw po kayong magpakilala sa akin bilang Ama ko. Sa tingin niyo po ba hindi ko kayo matatanggap?

Lito: H-Hindi naman sa ganun a-anak. W-Wala lang talaga akong lakas ng loob dahil nahihiya ako sa'yo.

Elizabeth: Bakit naman ho kayo mahihiya sa akin? Alam niyo simula nung malaman ko na hindi ako tunay na anak ng mga kinalakihan kong magulang, nalungkot ako kasi akala ko wala na akong totoong magulang. Akala ko inabandona nila ako pero nung nalaman ko ang totoong nangyari, hindi naman po sumama ang loob ko dahil wala naman po kayong alam sa mga nangyari. Ngayong nakilala ko na kayo, mas gumaan ang pakiramdam ko dahil sa wakas nabuo na 'yung pagkatao ko na akala ko hinding hindi na mangyayari.
Nakilala ko si Lolo Manolo, sina Cassandra at Alexandra at ngayon naman ay kayo. Kahit wala na po si Mommy Minerva at least may Daddy pa pala ako.

NAPALUHA SI LITO.

Lito: A-Anak...

NIYAKAP NI LITO SI ELIZABETH.

Lito: Pasensiya ka na kung nawalan ako ng lakas ng loob na magpakilala sa'yo pero ngayong nandito ka na hayaan mong iparamdam ko sa'yo ang pagiging Ama ko.

Elizabeth: (Ngumiti) Masaya po akong nakilala ko na kayo Daddy...
••••••••••••••••••••••••••
NALAMAN NA RIN NI DON MANOLO NA SI LITO ANG AMA NI ELIZABETH AT PARA MAS MAKA SIGURADO SILA AY IPAPA DNA TEST DIN NIYA SINA LITO AT ELIZABETH.
•••••••••••••••••••••••••
LILIPAS ANG ILANG ARAW.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon