Chapter 41 | See You Again

31 0 0
                                    

You're Mine
Chapter 41 | See You Again

*GABNER UNIVERSITY*

MAGKAUSAP SINA PHOEBE, YESHA AT VICKY.

Vicky: Ang sabi sa akin ni Cass dun na daw nakatira sa kanila yung kakambal niya pero yung mommy nila hindi kasama kasi daw sinungaling.

Yesha: Eh may pinagmanahan naman pala si Cass ee hahaha.

Phoebe: True! Hahahaha! I'm sure iritang irita na yung si Cass sa kakambal niya kasi nahati na yung attention ng daddy at lolo niya sa kanilang dalawa.

Yesha: Yeah right! Teka nasaan na ba yung si Cass?

Vicky: Kasama yata siya ni Hanson.

Phoebe: Sila na ba ulit? I heard kasi nanood sila ng concert together last Saturday eh.

Vicky: Ewan, pero I'm sure sasabihin naman niya yun sa atin kung sila na ulit ni Hanson diba?

Yesha: Bilib din ako kay Hanson ah, napagtiya-tiyagaan niya yung ugali ni Cassandra.

Vicky: Pinatawad naman na niya si Cass eh. Siguro talagang mahal lang ni Hanson yung kaibigan natin.

Phoebe: Ang sabihin mo tatanga tanga lang yang si Hanson.

Yesha: Hahahaha! Hay nako tara na nga sa classroom.

••••••••••••••••••••••••
MAGKASAMA NAMAN SINA HANSON AT LUKE SA CAFETERIA NG GABNER.

Hanson: Nakausap ko si Cass kanina and sinabi na niya sa akin ang mga nangyari. Kaya naman pala nagalit na naman siya sa'yo eh. Pero nakakabigla yun ah, buhay ang kakambal at ang mommy niya? Paano nangyari 'yun?

Luke: Mahabang kwento eh pero alam mo kamukhang kamukha talaga ni Cassandra si Alexandra eh. Kaya nga napagkamalan ko siyang si Cassandra nun eh.

Hanson: Sayang hindi ko pa siya nakikita. Ang sabi ni Cass dun na daw nakatira sa bahay nila ang kakambal niya.

Luke: Really?

Hanson: Bakit dimo alam? Akala ko ba close mo na yung kakambal ni Cass?

Luke: Eh hindi naman kasi yun nauunang magsabi eh. Siguro nahihiya siya na i approach ako. Alam mo dude, magkamukhang magkamukha talaga sila ni Cassandra pero magkaibang magkaiba naman ang ugali nila. Si Alexandra, simple lang at mahiyain kabaligtaran ni Cassandra.

NAPAPANGITI SI LUKE.

Hanson: Hey dude, don't tell me you like her?

NATIGILAN SI LUKE.

Luke: H-Ha?

Hanson: Kitang kita kasi sa mukha mo eh. Napapangiti ka pa habang pinupuri mo yung ugali niya.

Luke: Nababaitan lang ako sa kanya. Isa pa naawa din kasi ako sa kanila ng mommy niya eh kaya nga tinulungan ko sila na makausap ang daddy niya.

Hanson: Eh what if tama si Cass na yung mommy nila ang nagsisinungaling? I mean, na meet na natin si Tita Minerva ng ilang beses and she's nice naman diba?

Luke: Yeah pero what if nagsasabi talaga ng totoo si Tita Brenda?

Hanson: Alam mo dude, huwag ka na lang makialam sa problema nila. Mamaya niyan tuluyan pang magalit sa'yo si Cassandra eh. I'm sure naman malalaman din nila ang totoo.

HINDI NA SUMAGOT SI LUKE.
••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

PAALIS NA SINA BRENDA, SANTI AT LITO.
NASA LABAS NA SILA NG GATE.

Brenda: Manuel, salamat sa pagpayag mo na makausap ko si Alexandra.

Manuel: Pumayag lang ako dahil sa kanya pero hindi dahil gusto ko.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon