Chapter 120 | Ally

13 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 120 | Ally

NAKALAYO NA SINA MINERVA AT ENRICO AT WALA NA RING NAKASUNOD SA KANILANG MGA PULIS.

Enrico: Mukhang wala nang mga humahabol sa atin.

Minerva: Mabuti naman kung ganun.

Cassandra: (Umiiyak) Tita Minerva, ano pong gagawin niyo sa akin?

Minerva: Don't worry Hija, hindi kita sasaktan. Pedro (driver), ihinto mo muna sa tabi.

Enrico: Minerva? Baka maabutan tayo ng mga pulis.

Minerva: Nakalayo na tayo sa kanila kaya hindi na nila tayo mahahabol. Sige na Pedro, ihinto mo na ang sasakyan.

INIHINTO NG DRIVER ANG SASAKYAN.

Minerva: Cassandra Hija, bumaba ka na dito. I'm sorry kung kinailangan kong i-hostage ka. Wala lang akong choice kaya ginawa ko 'yun.

Cassandra: Tita, paano ka? Saan ka pupunta?

Minerva: I don't know pero hija promise me na kapag nangailangan ako ng tulong, you'll help me okay?

NAPAISIP SI CASSANDRA.

Cassandra: Yes Tita, I promise.

Minerva: And please huwag kang maniniwala sa mga narinig mo kanina. Sigurado ako na pakana lang 'yun ni Brenda. Baka nabilog lang niya ang ulo ni Papa kaya ako ang sinisisi nila. Alam mo naman na naaksidente ang lolo mo diba? Kaya siguro madali siyang napaniwala nina Brenda at Tony.

Cassandra: Hindi po ako naniniwala na kaya niyong gawin 'yun. Tita ikaw lang ang naging kakampi ko mula noon hanggang ngayon kaya hindi po ako naniniwala na masama ka.

Minerva: (Tumango) Salamat Cassandra.

NIYAKAP NI MINERVA SI CASSANDRA.

Minerva: Sige na, bumaba ka na Hija at umuwi ka na.

TUMANGO SI CASSANDRA AT BUMABA NG SASAKYAN.
UMALIS NA ANG SASAKYAN.

Enrico: Bakit mo pinakawalan si Cassandra?

Minerva: Dahil ayokong mawala ang huling alas ko sa mga Victorina! Hangga't may tiwala sa akin si Cassandra, magagamit ko siya para makaganti sa kanilang lahat! Babalikan ko sila at sisiguraduhin kong ako ang magwawagi!

Enrico: Pero sigurado ka ba na naniniwala sa'yo si Cassandra? Mapagkakatiwalaan mo ba siya?

Minerva: Sigurado ako dahil ako ang nagpalaki sa kanya. Hindi niya ako tatalikuran.

Enrico: Saan tayo ngayon?

Minerva: Saan pa nga ba? Edi sa pinagtataguan mo! Doon muna tayo.
•••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*

NANDOON NA SINA MANUEL, DON MANOLO, ALEXANDRA AT BRENDA.

Don Manolo: Napaka walang hiya talaga ng Minerva na 'yan!

Manuel: Ang sabi ng mga Pulis hindi na nila naabutan ang sasakyan nina Minerva. Kung hindi lang sana kami inabutan ng stop light kanina baka nahabol pa namin ang sasakyan nila

Brenda: Diyos ko, nasaan na kaya sila? Si Cassandra baka kung mapaano siya.

Alexandra: Daddy, sa tingin niyo po ba kayang saktan ni Tita Minerva si Cassandra?

Manuel: Kung ang Papa nagawa niyang saktan at tangkang patayin hindi malabong kaya niya ring gawin 'yun kay Cassandra.

Brenda: Huwag naman sana, Manuel.

MAYA MAYA AY DUMATING NA SI CASSANDRA.

Cassandra: Daddy!

NAPALINGON SILANG LAHAT.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon