You're Mine
Chapter 93 | Alexandra & Minerva*VICTORINA MANSION*
DINNER TIME.
Minerva: Papa, Manuel nakausap ko na ang dean ng eskwelahang pinapasukan ng kambal at pumayag naman sila na bigyan ng special online lessons ang dalawa habang hindi pa sila nakakapasok sa school.
Don Manolo: Mabuti naman kung ganun para kahit papaano eh hindi sila mapag iwanan sa klase.
Manuel: Maraming salamat Ate Minerva.
Minerva: Walang ano man.
Alexandra: Pero kaya po kaya ni Cassandra na i absorb 'yung mga lessons? Kasi diba po nawala ang memorya niya? Baka kailangan po muna niyang magpagaling para makasabay po siya sa mga lessons?
Minerva: Malalaman natin 'yan Hija. Ang sabi kasi ng doctor minsan may mga stock knowledge naman na naalala ang isang taong may amnesia. Marahil nakalimutan lang niya kung sino siya o kung sino tayo pero yung abilidad niya na makapagbasa, makapagsulat, makalakad, makapagsalita o yung mga bagay na natutunan niya noon eh pwedeng hindi naman nawala sa kanyang memorya.
HINDI NAMAN NAGSASALITA SI CASSANDRA.
Alexandra: Kawawa naman po si Cassandra.
Daddy, Lolo kung ano man po 'yung mga nangyari sa amin noon sana po kalimutan na po natin. Alam ko po na may nagawang hindi maganda sa akin si Cassandra pero dahil po sa mga nangyari at sa sitwasyon niya ngayon hindi ko na po magawang magalit sa kanya kaya sana po patawarin niyo na po siya sa mga nagawa niya.Manuel: (Ngumiti) Anak, yun naman ang ginagawa namin ng lolo mo. Naiintindihan namin kung bakit niya nagawa ang mga bagay na 'yun at sigurado ako na kung may naalala lang siya ngayon ay siguradong nagsisisi na siya sa nagawa niya.
Don Manolo: Cassandra, apo.
TUMINGIN SI CASSANDRA KAY DON MANOLO.
Don Manolo: Gusto naming malaman mo na kahit ano pang mga nagawa mo sa kapatid mo, hindi kami galit sa'yo. Hindi mo man maalala ang mga nangyari but we will make sure na gagawa tayo ng mga bagong masasayang memories.
Minerva: Tama ang Lolo ninyo kaya naman naisip ko na magbakasyon tayo ng mga ilang linggo lang para naman ma relax tayong lahat.
Alexandra: Talaga po? Saan naman po?
Minerva: Pupunta tayo sa Japan. Siguro mga 2 weeks tayo doon para naman magkaroon tayo ng bonding buong pamilya.
Manuel: Tama ka Ate Minerva. Mukhang kailangan nga nating umalis pansamantala para makapag relax naman tayo.
Don Manolo: Biglaan naman yata ang desisyoj na 'yan? Paano ang trabaho ninyo sa kumpanya?
Minerva: Huwag kayong mag alala Papa dahil naasikaso ko na ang lahat pati na ang mga kailangang trabahuhin sa kumpanya. After everything that happened, we deserve a good vacation.
Manuel: Tama si Ate Minerva Papa.
Don Manolo: Kayo ang bahala. Kung sa tingin ninyo eh makakabuti 'yun sa kambal, sige payag na ako na mag bakasyon tayo.
NGUMITI SI MINERVA.
•••••••••••••••••••••••••••••
HATING GABI.SA POOL AREA NG VICTORINA MANSION.
NANDOON SI CASSANDRA. NAKATULALA HABANG PINAGMAMASDAN ANG TUBIG SA SWIMMING POOL.
DUMATING SI ALEXANDRA.Alexandra: Sis?
LUMINGON SI CASSANDRA KAY ALEXANDRA.
Cassandra: I-Ikaw pala.
Alexandra: Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa tulog?
Cassandra: Hindi ako makatulog eh. Ang dami kasing gumugulo sa isipan ko pero hindi ko naman alam kung ano ang mga bagay na pumapasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...