You're Mine
Chapter 60 | Kill BrendaNASA GARDEN SI MANUEL, DUMATING SI ALEXANDRA.
Alexandra: Dad...
Manuel: (Napalingon) Alexandra, anak.
NAPANSIN NI MANUEL NA TILA NAIIYAK SI ALEXANDRA.
Manuel: Umiyak ka ba? Anong nangyari?
Alexandra: Dad please, kailangan ko pong makausap si Mommy.
Manuel: (Napabuntong hininga) Anak, nag usap na tayo hindi ba? Hindi mo muna pwedeng kausapin ang mommy mo.
Alexandra: But why dad?
Manuel: Dahil kailangan kitang disiplinahin. Alam kong kinukunsinti ka lang ng mommy mo kaya ka nagkakaganyan.
Alexandra: Hindi po daddy. Mabait po si Mommy at pinalaki nila ako ng maayos. Daddy kailangan ko po siyang makausap dahil gusto ko pong malaman kung anong sitwasyon niya. Nag aalala po kasi ako sa kanya eh. Napanaginipan ko po siya na may masamang nangyari sa kanya.
Manuel: Anak panaginip lang 'yun. I know it's hard for you na hindi mo nakakausap ang mommy mo pero believe me, para din ito sa'yo.
Alexandra: Daddy please, nagmamakaawa po ako sa'yo.
Manuel: I'm sorry anak pero hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo.
Alexandra: Dad...
UMIIYAK SI ALEXANDRA. NAKUKUNSENSIYA SI MANUEL PERO KAILANGAN NIYANG MAGMATIGAS.
•••••••••••••••••••••••••
*BAGUIO*NASA LABAS PA RIN NG BAHAY NG MGA DIMAGIBA ANG DALAWANG LALAKE.
TUMAWAG SI ENRICO.Lalake 1: Hello Boss.
Enrico: (Kabilang linya) Kayo na ang bahala kay Brenda ha? Hindi kayo pwedeng pumalpak.
Lalake 1: Areglado boss!
Lalake 2: Kami na po ang bahala sa kanya boss basta yung bonus namin ha? Hehehe!
Enrico: Gawin niyo muna ng maayos ang trabaho ninyo bago ka humingi ng bonus!
MAYA MAYA AY NAKITA NILANG LUMALABAS SI BRENDA.
Lalake 1: Boss tatawagan kita ulit.
*END CALL*
NAKASUNOD NAMAN KAY BRENDA SINA FREDA AT LITO.
Lito: Brenda, hayaan mo na muna si Alexandra. Hindi makakabuti kung basta ka nalang luluwas ng Maynila para sumugod doon.
Freda: Oo nga naman Brenda, huwag kang masyadong padalos-dalos.
Brenda: Freda, Lito ano bang sinasabi ninyo? Hindi ako luluwas ng Maynila.
NATIGILAN SINA LITO AT FREDA.
Lito: Ha? Ah hindi ba?
Freda: Eh saan ka ba pupunta?
Brenda: Sa palengke lang. May bibilhin lang sana ako. Kayo talaga.
Freda: Ah... Hehehehehe! Ganun ba? Eto kasing si Kuya Lito ang sabi eh susugod ka daw sa Maynila.
Lito: Aba ikaw itong nagsabi niyan ah?
Brenda: Kayo talaga, sa tingin niyo ba ganun ganun nalang ako makakaluwas ng Maynila sa ganitong sitwasyon ko? Ni hindi pa nga ako makalakad ng normal eh at tsaka tama naman kayo eh, hahayaan ko nalang muna si Alexandra dahil alam ko naman na hindi ako matitiis nun. Kilala ko ang anak ko kaya alam kong tatawag ulit 'yun sa akin.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...