Chapter 135 | New Enemy

38 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 135 | New Enemy

*GABNER UNIVERSITY*

NAKUMBINSI NINA ALEXANDRA SI CASSANDRA NA SUMALI SA MISTER & MISS GABNER UNIVERSITY. SI HANSON NAMAN ANG MAGIGING KA PARTNER NIYA DAHIL NAG DESISYON DIN ITONG SUMALI SA NASABING PAGEANT.

KASALUKUYANG NAGMI-MEETING ANG MGA NAPILING KALAHOK SA MISTER & MISS GABNER UNIVERSITY.
GANUN DIN ANG MGA KALAHOK SA MISS GAY GABNER.
•••••••••••••••••••••••••
MAGKAUSAP SINA CASSANDRA AT HANSON.

Hanson: Mabuti na convince ka nilang sumali? Hindi ba dati ayaw na ayaw mong sumali sa mga ganito?

Cassandra: Well, ayoko kasing isipin ng barkada na KJ ako at ayoko ding isipin ng iba na takot akong matalo. Maybe, I want to prove something. Eh ikaw, bakit ka sumali?

Hanson: Dahil kay Leila.

NATIGILAN SI CASSANDRA.

Hanson: Plano na namin ito eh, ang sabi niya sa akin sasali kami sa darating na Mister & Miss Gabner University kaya lang hindi na niya matutupad 'yun pero ako ayokong kalimutan 'yung plano naming dalawa kaya nag desisyon akong sumali. Gustong tuparin 'yung naging usapan namin.

Cassandra: (Bahagyang ngumiti) Mahal na mahal mo talaga siya si Leila no?

Hanson: (Napabuntong hininga) Kahit sandali pa lang kaming magka relasyon, madami siyang iniwang magagandang ala-ala sa akin. Pinaramdam niya sa akin na mahal na mahal na mahal niya ako.

Cassandra: Well, I'm sure masaya si Leila dahil tinupad mo 'yung usapan ninyo.

HINDI NA NAGSALITA SI HANSON.
•••••••••••••••••••••••••••
KAKATAPOS LANG NG MEETING NG MGA KALAHOK SA MISS GAY GABNER.

KAUSAP NI SANTI ANG ISA NIYANG CO CANDIDATE NA SI RICCI.

Ricci: Excited na talaga akong rumampa vakla!

Santi: Ako din! Excited na akong mag make up transformation!

Ricci: Ang bongga mo ah, buti ka pa marunong kang mag make up!

Santi: Don't worry, tuturuan kita!

Ricci: Ay talaga? Go 'yan ah?

Santi: True!

NAPADAAN NAMAN ANG TATLONG BAKLANG KALAHOK DIN SA MISS GAY GABNER NA SINA ART, JAN AT PATT.

Art: (Nagparinig) Hay nako, sigurado akong hindi aabot sa Top 10 ang mga chakang 'yan! Hello, tignan niyo naman kung gaano ka cheap at ka baduy ang porma nila! Hahaha!

Jan: True 'yan! Nag aambisyon pa kasi! Ang lakas ng loob sumali sa Miss Gay Gabner eh halata namang majirap lang! I wonder kung saan sila kukuha ng perang pambili ng mga outfit na gagamitin nila.

Patt: Hayaan niyo na, matatalo din naman sila eh! Hahahaha!

SABAY IRAP AT NAGLAKAD PALAYO.

Ricci: Pigilan mo ko vakla masasampal ko 'yung mga 'yun!

Santi: Hayaan mo na vakla! Baka mamaya niyan ma disqualify pa tayo kapag pinatulan natin ang mga chararat na 'yun!

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon