You're Mine
Chapter 38 | LiesSA ISANG SQUATTER'S AREA.
NAGPUNTA DOON ANG IMBESTIGADOR NA INUTUSAN NI DON MANOLO. KAUSAP NIYA ANG ISANG BABAE.
Blesilda: Buhay pa pala ang babaeng 'yun?
Imbestigador: Gusto kang makausap ni Don Manolo tungkol sa kapatid mong si Brenda.
Blesilda: At bakit? Magkaka pera ba ako diyan? Eh ni hindi nga ako natulungan ng Brenda na yan eh nung ikinasal siya sa asawa niyang mayaman! Kinalimutan niya ako na kapatid niya kaya wala na akong pakialam sa kapatid kong yun kahit buhay pa o patay siya! Wala siyang utang na loob kaya ang sabihin mo sa amo mo hindi ako makikipag usap sa kanya kung wala akong mapapala! Umalis ka na!
UMALIS NA ANG IMBESTIGADOR.
NAKASILIP NAMAN SA DI KALAYUAN SI ENRICO AT MAY KAUSAP SA PHONE.
Enrico: Minerva, nasundan ko ang imbestigador na inutusan ng Papa mo pinuntahan niya ang kapatid ni Brenda.
••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*KAUSAP NI DON MANOLO ANG IMBESTIGADOR SA PHONE, SINABI NITO SA KANYA ANG SINABI NI BLESILDA.
Manolo: Mga mukhang pera talaga ang mga kagaya nila. Hindi bale na, ngayon alam ko na kung anong klaseng tao talaga ang Brenda na yan.
END CALL.
DUMATING SI MINERVA.
Minerva: Papa.
Manolo: Minerva, may kailangan ka ba?
Minerva: Tungkol po kasi sa kakambal ni Cassandra.
Manolo: What about her?
Minerva: Naaawa kasi ako sa kanya Papa. Bakit hindi pa natin siya kunin kay Brenda? Huwag na nating hayaang magamit pa siya ng babaeng 'yun para makabalik sa atin.
Manolo: Don't worry dahil inaayos ko na ang lahat. Bukas, ipapasundo ko sila ni Brenda.
Minerva: (Natigilan) Kasama si Brenda?
Manolo: Oo dahil gusto kong marinig niya mismo ang katotohanan.
NAPAISIP SI MINERVA.
••••••••••••••••••••••
KINABUKASAN.SA BAHAY NI ROWENA.
KAUSAP NINA ALEXANDRA AT BRENDA ANG ISANG LALAKE.
Tony: Ipinapasundo po kayo sa akin ni Don Manolo dahil gusto daw po nila kayong makita at makausap.
NAGKATINGINAN SINA BRENDA AT ALEXANDRA.
Brenda: Paano kami makakasiguro na si Don Manolo nga ang nag utos sa'yo para sunduin kami?
TINAWAGAN NI TONY SI DON MANOLO. NI-LOUD SPEAKER NIYA ANG KANYANG PHONE.
Tony: Don Manolo, nandito na po kami sa bahay kung saan tumutuloy sina Ma'am Alexandra.
Manolo: (Kabilang linya) Sige, sabihin mo sa kanila na gusto ko silang kausapin at makita.
Tony: Sige po Don Manolo.
END CALL.
••••••••••••••••••••••
NASA SASAKYAN NAMAN SI CASSANDRA, NAG RING ANG PHONE NIYA.Cassandra: (Sinagot) Hello Tita Minerva?
Minerva: (Kabilang linya) Nasaan ka na Hija?
Cassandra: Kakatapos lang po ng class ko, pauwi na po ako. Bakit po?
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...