You're Mine
Chapter 91 | Diary*VICTORINA MANSION*
SA KWARTO NI ALEXANDRA.
PINAG MAMASDAN NIYANG MABUTI ANG KANYANG KWARTO AT TILA MALALIM ANG INIISIP.
NAPATINGIN SIYA SA TABLE AT NAKITA NIYA ANG NAKAPATONG NA DIARY.
LUMAPIT SIYA DITO AT NAUPO TSAKA KINUHA ANG DIARY AT BINUKLAT ITO.•••••••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY.KAKARATING LANG NINA BRENDA AT LOLA REMEDIOS.
Santi: Auntie Brenda, Lola Remedios, bakit hindi naman po kayo nagsabi agad na ngayon na ang dating ninyo?
Emily: Oo nga po, edi sana nakapag handa po kami.
Brenda: Ayos lang 'yun. Hindi niyo naman kailangang paghandaan ang pagdating namin.
PINAGMAMASDAN NI REMEDIOS ANG BUONG BAHAY.
Remedios: Ang dami ng nagbago sa bahay na ito. Napaka tagal ng panahon mula ng huli ko itong makita.
Santi: Minake over po namin ito Lola Remedios kasama si Alex!
Remedios: Talaga? Noon pa man mahilig na talagang mag ayos ng bahay si Alexandra.
Santi: Na kwento nga po niya sa amin.
Brenda: Naalala ko din ang bahay na ito. Dito kami dinala ni Alfonso noon bago kami tuluyang pumunta sa Amerika.
Emily: Auntie, Lola, kumain po muna kayo siguradong nagutom po kayo sa byahe eh.
Santi: Oo nga po. Babalitaan ko na rin po sina Mamiru at Uncle Lito na dumating na kayo.
•••••••••••••••••••••••
*VICTORINA MANSION*SA KWARTO NI CASSANDRA.
HINATID SIYA NI MINERVA.Minerva: Ito ang kwarto mo, Cassandra. Magpahinga ka na muna ha? Huwag ka na munang mag isip dahil baka sumakit na naman ang ulo mo. Mamaya ipapadala ko dito ang mga gamot mo para makainom ka na. Maiwan na kita.
PALABAS NA SI MINERVA.
Cassandra: Sandali lang po.
NATIGILAN SI MINERVA AT NAPALINGON KAY CASSANDRA.
Minerva: Bakit, Hija?
Cassandra: G-Galing pa po ba ako? Maalala ko pa po ba ang lahat?
LUMAPIT SI MINERVA KAY CASSANDRA.
Minerva: Oo naman Hija. Gagaling ka pa at babalik pa ang memorya mo basta huwag mo lang munang pilitin sa ngayon. Don't worry dahil tutulungan ka namin.
Cassandra: S-Salamat po T-Tita Minerva.
Minerva: (Ngumiti) You're welcome, Hija. Maiwan na kita ha?
UMALIS NA SI MINERVA.
PINAGMASDAN NI CASSANDRA ANG KANYANG KWARTO. NAKITA NIYA ANG ISANG MALAKING PORTRAIT NIYA AT PINAGMASDAN ITONG MABUTI PERO KAHIT ANONG PILIT NIYA AY WALA TALAGA SIYANG MATANDAAN. NAKARAMDAM SIYA NG KIROT SA ULO AT NAPAPIKIT SIYA.
Cassandra: Ahhhhh!!!!
NAUPO SIYA SA KANYANG KAMA AT HUMINGA NG MALALIM.
•••••••••••••••••••••••••••
SA BAHAY NINA HANSON. NAGPUNTA DOON SI LUKE.Luke: Nakalabas na pala ng ospital sina Alex at Cass. Dalawin natin sila sa bahay nila.
Hanson: Talaga? O sige. Tayo na.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...