You're Mine
Chapter 92 | Who Am I?*SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY*
NAKABALIK NA SI BRENDA.
Brenda: Hindi ko nakausap si Alexandra. Wala din dun sina Manuel at Don Manolo. Si Minerva lang ang nakita ko doon.
Santi: Nakakaloka, talagang timing na timing pa na siya po yung naabutan niyo dun? Ano pong sabi niya?
Brenda: Syempre nagulat siya ng makita niya ako dun. Binalaan niya ako na tatawag siya ng pulis pero mukhang napatahimik ko siya nung sinabi ko na may ebidensiya na ako laban sa kanya.
Santi: Buti nga sa bruhang 'yun! Eh paano po 'yun Auntie Brenda? Paano niyo po masasabi kina Sir Manuel at Don Manolo ang totoo?
Emily: Oo nga po, gusto niyo po ba kontakin ulit namin si Ate Alex? Baka sakaling sumagot na po siya.
Remedios: Oo nga Brenda, baka sakaling makausap mo na ang apo ko kahit sa telepono man lang.
Brenda: Sige, subukan niyo ulit siyang kontakin. Nag aalala na kasi talaga ako sa kanya. Lalo pa at alam kong si Minerva ang nag aasikaso sa kanila. Baka mamaya nabe-brain wash na niya ang anak ko gaya ng pangbe-brain wash niya kay Cassandra.
KINONTAK NI SANTI SI ALEXANDRA.
MAYA MAYA AY SUMAGOT ITO.Santi: Ayan Auntie Brenda, sumagot na po si Cous! Alex!
Alexandra: (Kabilang linya) Santi?
Santi: Cous! Kamusta ka na? Ang tagal ka na naming kinokontak eh. Okay ka na ba?
Alexandra: Pasensiya na kayo ah? Hindi pa kasi ako pinapayagan ng doctor na makipag usap at tumanggap ng dalaw dahil nagre-recover pa kami pero huwag kayong mag alala, okay naman ako.
Emily: Ate Alex, gusto kang makausap ng Mommy mo.
Alexandra: Ha? Nasaan siya?
IBINIGAY NI SANTI KAY BRENDA ANG CELLPHONE.
Brenda: Alexandra, anak!
Alexandra: Mommy?
Brenda: Kamusta ka na? May masakit ba sa'yo ha? Anak, miss na miss na kita (napaluha).
Alexandra: Ayos lang po ako mommy. Nagpapagaling na lang po ako ng mga bali at sugat ko pero ayos na po ako. Huwag na po kayong mag alala.
Brenda: Mabuti naman kung ganun.
Remedios: Apo, sana magkita na ulit tayo. Nami-miss na rin kita eh.
Alexandra: Huwag po kayong mag alala, Lola magkikita din po tayo. Pero nasaan po ba kayo? Bakit kasama niyo po sina Santi at Emily?
NAGKATINGINAN SINA SANTI AT EMILY.
Brenda: Mahabang istorya anak. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat kapag nagkita na tayo. May magandang balita din ako sa'yo.
Alexandra: Ano po 'yun?
Brenda: Malilinis ko na ang pangalan ko sa Daddy at Lolo mo. May ebidensiya na akong hawak para mapatunayan na totoo ang mga sinabi ko noon.
Alexandra: Talaga po?
Brenda: Oo anak kaya hindi magtatagal magkakasama na rin tayo.
Alexandra: Mommy, gusto ko po kayong makita. Miss na miss ko na po kasi kayo.
Brenda: Pero paano anak? Makakaalis ka ba? Papayagan ka ba nila na lumabas?
Alexandra: Ako na po ang bahala mommy.
MAYA MAYA AY MAY KUMATOK SA PINTO NG KWARTO NI ALEXANDRA.
Alexandra: Mommy, may tao po. Tatawagan ko nalang po kayo kung kailan tayo pwedeng magkita.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...