You're Mine
Chapter 103 | Detained*VICKY'S HOUSE*
NAGPUNTA DOON SI CASSANDRA AT SINABI NIYA NA ANG LAHAT KAY VICKY.
Vicky: OMG! Bakit mo naman kasi ginawa 'yun?
Cassandra: Eh hindi ko naman plinano 'yun eh! Takot na takot nga ako nung naaksidente kami eh and wala akong choice kundi sundin ang sinabi sa akin ni Tita Minerva.
Vicky: So paano ngayon 'yan? Paano mo haharapin ang Daddy at Lolo mo ngayong alam na nila ang totoo?
Cassandra: I don't know! Wala akong maisip na paraan!
Vicky: Tawagan mo nalang kaya ulit ang Tita Minerva mo? Baka sumagot na siya.
TINAWAGAN NI CASSANDRA SI MINERVA PERO HINDI PA RIN ITO SUMASAGOT.
Cassandra: Bakit ba hindi siya sumasagot?
Vicky: Baka naman busy lang?
Cassandra: Vicky, can I stay here for a while?
Vicky: Oo naman Cass.
Cassandra: Thank you. Ikaw lang talaga ang mapagkakatiwalaan ko ngayon.
••••••••••••••••••••••••
SA OSPITAL NA PINAGDALHAN KAY DON MANOLO. KAUSAP NI MANUEL SI MINERVA. NANDOON DIN SINA ALEXANDRA AT LUKE.Manuel: Nasaan ang Papa? Kamusta siya?
Minerva: Kritikal siya ngayon Manuel. Ang sabi ng doctor malala ang head injury na natamo niya mula sa pagkakalaglag niya sa hagdan. May mga bone fractures din siya at maraming dugo ang nawala sa kanya.
Manuel: Diyos ko. Bakit ba siya nalaglag ng hagdan at anong ginagawa niya sa roof top ng building natin?
Minerva: Tinawagan ako ni Papa kanina at pinapapunta niya ako sa rooftop dahil kausap niya si Brenda.
NATIGILAN SI ALEXANDRA NG MARINIG NIYA NA BINANGGIT NI MINERVA ANG PANGALAN NG MOMMY NIYA.
Manuel: Ano? Si Brenda?
Minerva: Oo Manuel. Nakipagkita si Brenda kay Papa at kung ano ano na naman ang sinasabi niya. Narinig ko habang kausap ko si Papa sa phone na parang galit na galit si Brenda kaya sabi ni Papa pumunta na ako dun agad sa rooftop at pagdating ko dun nakahandusay na si Papa at puro dugo! Nataranta ako kaya nagpatawag agad ako ng mga pulis at ambulansiya. Ang hinala ko, itinulak ni Brenda ang Papa.
Alexandra: Hindi po magagawa ni Mommy 'yun!
Minerva: Cassandra?
Alexandra: Hindi po ako si Cassandra, ako po si Alexandra at bumalik na po ang ala-ala ko!
NATIGILAN SI MINERVA.
Minerva: Anong ibig mong sabihin? Hindi ikaw si Cassandra?
Manuel: Mahabang istorya Minerva. Huwag na muna nating pag usapan yan. Mas importante ngayon si Papa.
Minerva: (Napabuntong hininga) Tama ka Manuel. Napaka walang hiya talaga ng Brenda na 'yan para gawin niya ito kay Papa!
Alexandra: Hindi po magagawa ni Mommy ang ganun Tita Minerva.
Minerva: Wala kang alam sa mga nangyari. Nandoon ako at nakita ko si Brenda sa itaas ng hagdan kung saan nahulog si Papa kaya sigurado ako na may kinalaman siya sa mga nangyari!
HINDI NA NAGSALITA SI ALEXANDRA.
Minerva: I'm sorry Manuel kung wala akong nagawa para iligtas si Papa. Kung napaaga lang sana ako ng dating baka napigilan ko pa ang mga nangyari.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...