Chapter 176 | Snake In The Mansion

8 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 176 | Snake In The Mansion

*GABNER UNIVERSITY*

SINABI NA NINA SANTI AT EMILY KINA CASSANDRA AT ALEXANDRA ANG TUNGKOL SA NALAMAN NILA TUNGKOL KINA LITO AT ELIZABETH.

Alexandra: Si Uncle Lito pala ang tunay na ama ni Elizabeth?

Cassandra: Sure ba kayo diyan? Wala naman kasing nabanggit si Lolo tungkol dito.

Santi: Eh hindi rin naman alam ng lolo ninyo eh pero si Uncle Lito, nalaman niya na 'yung nobya niya dati na si Minnie eh ang Tita Minerva niyo pala. May nakapagsabi sa kanya na nagkaroon daw sila ng anak.

Emily: At wala namang ibang anak si Ma'am Minerva kundi si Miss Elizabeth diba?

Cassandra: What if hindi lang ang Uncle Lito ninyo ang naging boyfriend ni Tita Minerva noon?

Alexandra: Oo nga, posibleng ibang lalake ang ama ni Elizabeth.

Santi: Pero sure na sure si Uncle Lito eh. Gustong gusto nang sabihin ni Uncle Lito kay Elizabeth na siya ang tunay niyang ama pero natatakot siya na baka hindi siya matanggap ni Elizabeth kaya gusto namin siyang tulungan.

Emily: Ate Alex, Ate Cass, please tulungan natin si Unlce Lito na magpakilala kay Miss Elizabeth.

Alexandra: Sige tutulungan namin siya.

Cassandra: Pero kailangan pa rin nating ma confirm if totoo ngang siya ang Tatay ni Elizabeth. Magpapatulong kami kay Lolo to find out the truth.

Alexandra: Pero si Elizabeth muna ang kausapin natin.

Cassandra: You're right. Sige ako na ang bahala. I'll talk to her later pag uwi natin.

••••••••••••••••••••
SA BAHAY NA PINAGTATAGUAN NI MINERVA.

NAGPUNTA DOON SI ELIZABETH.

Minerva: Magaling! Ngayong ipinagkatiwala na sa'yo ni Manolo ang Victorina Moda, gawin mo ang lahat para ma impress siya sa'yo at unti-unti, hindi lang Victorina Moda ang makukuha natin kundi pati na ang buong Victorina Corporation.

Elizabeth: Pauwi na rin pala sina Manuel at Brenda.

Minerva: Talaga? Hmmm... Sige, makisama ka muna sa kanila at kunin mo ang tiwala nila para mas madali mo silang masira! Habang inaayos ko naman ang mga plano ko kay Brenda.

Elizabeth: Tell me Mommy, pagkatapos nating mag higanti kay Manolo at sa pamilya niya at kapag nakuha na natin sa kanya ang lahat, ano nang gagawin natin?

Minerva: Ano pa nga ba? Edi tayo ang magpapatuloy ng negosyo ni Manolo at magiging makapangyarihan tayo!

Elizabeth: Hmmmm... And how will you do that? Ang alam ng lahat eh patay ka na at sa oras naman na malaman nila na buhay ka pa, for sure makukulong ka dahil wanted ka pa din.

Minerva: (Nag evil smile) Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin, my dear daughter. You will see, malilinis ko din ang pangalan ko at makakabalik ako sa dati kong buhay kasama ka.

Elizabeth: Okay sabi mo eh. Anyway, kailangan ko nang bumalik sa mansion bago pa makauwi si Manolo.
••••••••••••••••••••••••
GABI

*VICTORINA MANSION*

KAKARATING LANG NI DON MANOLO. NAUNAHAN SIYA NI ELIZABETH SA PAG UWI.

Elizabeth: Don Manolo— I mean, Lolo dumating na po pala kayo.

Don Manolo: (Ngumiti) Sina Cassandra at Alexandra, dumating na din ba?

Elizabeth: Ah wala pa po sila pero baka pauwi na rin po ang mga 'yun.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon