Chapter 147 | Who is Elizabeth?

11 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 147 | Who Is Elizabeth?

MAGKAUSAP SINA MINERVA AT ELIZABETH.

Elizabeth: Ano na ba ang susunod nating plano mommy? I told you, mainipin akong tao. Gusto ko nang pabagsakin ang mga Victorina at makuha ang lahat ng kayamanan ng Manolo na 'yan!

Minerva: Relax my dear daughter, darating din tayo diyan. Malapit na nating makuha ang lahat sa kanila. Sa ngayon, kailangan muna nating sirain ang pamilya nila para mas ma defocus sina Manuel at Manolo sa kumpanya. Nasimulan na natin kay Cassandra, ngayon naman si Brenda ang isusunod nating sirain!

Elizabeth: Paano naman natin gagawin 'yun?

Minerva: Malapit na ang kasal nila ni Manuel hindi ba? Pwes, tignan natin kung papakasalan pa siya ni Manuel kapag nasiraan na natin siya. Hahahahaha!!!!

Elizabeth: Hmmm... Ginawa mo na 'yan dati diba? Pero hindi ka naman nagtagumpay. Leave it to me, ako ang sisira sa relasyon nila ni Manuel.

Minerva: At ano namang naiisip mong gawin?

Elizabeth: You'll see. I will make sure na lalamatan ko ang magandang relasyon ng Manuel at Brenda na 'yan!

Minerva: Hmmm.... Anak nga kita. Unang kita ko pa lang sa'yo, ramdam at alam ko na nagmana ka sa akin. Hahahahahaha!!!!

*FLASH BACK*

BISPERAS NG PASKO. SA CORRECTIONAL KUNG SAAN NAKAKULONG SI MINERVA.

NAGDARATINGAN NA ANG MGA DALAW NG MGA PRESO AT MAY MGA DALANG HANDA UPANG PAGSALU-SALUHAN SA NOCHE BUENA.

NAKAMASID LANG SI MINERVA HABANG ISA-ISANG PINAPALABAS NG WARDEN ANG MGA PRESONG MAY DALAW.
NAKARAMDAM SIYA NG LUNGKOT AT NAPALUHA SIYA DAHIL ITO ANG UNANG PASKO NA WALA MAN LANG SIYANG KASAMA.

MAYA MAYA AY LUMAPIT ANG WARDEN SA KANYANG SELDA.

Warden: Minerva, may dalaw ka.

NAGTAKA SI MINERVA.

•••••••••••••••••••••••
*SA VISITING AREA*

NAKITA NI MINERVA ANG ISANG BABAENG NAKAUPO AT NAKATALIKOD.
NAGTAKA SIYA.

Minerva: Sino ka at bakit mo ako dinalaw?

LUMINGON ANG BABAE —SI ELIZABETH.
HINDI PAMILYAR KAY MINERVA SI ELIZABETH PERO TILA MAY NARAMDAMAN SIYANG KAKAIBA DITO.

Minerva: Magkakilala ba tayo? Kaibigan ka ba ni Cassandra? Pinapunta ka ba niya dito?

TUMAYO SI ELIZABETH AT BAHAGYANG LUMAPIT KAY MINERVA.

Elizabeth: Hindi ko kaibigan ang babaeng 'yun at hindi mo rin ako kilala—dahil wala ka na namang naging paki sa akin diba?

NAGTAKA SI MINERVA SA SINABI NI ELIZABETH.

Minerva: S-Sino ka ba talaga at bakit mo ako dinalaw dito?

MATAGAL BAGO SUMAGOT SI ELIZABETH AT NAUBOS AGAD ANG PASENSIYA NI MINERVA.

Minerva: Kung ayaw mong ipakilala ang sarili mo huwag mo nang aksayahin ang oras ko. Pasko ngayon, umuwi ka na lang sa pamilya mo.

TUMALIKOD SI MINERVA AT PAALIS NA.

Elizabeth: WALA KANG KWENTANG INA!!!

NATIGILAN SI MINERVA AT NAPALINGON KAY ELIZABETH.

Minerva: Anong sinabi mo?

MALUHA LUHA SI ELIZABETH PERO KITA SA MGA MATA NIYA ANG GALIT.

Elizabeth: Ngayon, nakikilala mo na ba ako ha Minerva Victorina???!!!

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon