You're Mine
Chapter 95 | DepartureSA KWARTO NI CASSANDRA.
NAGPUNTA DOON SI MANUEL.Manuel: Anak, ayos ka na ba? Ang sabi ng katulong sumakit daw ang ulo mo kanina?
Cassandra: Ayos na po ako. May naalala lang po kasi ako kanina pero hindi malinaw ang detalye. Hindi ko po alam kung sino po siya at bakit ko siya naaalala.
Manuel: Bakit anak, sino bang naalala mo?
Cassandra: Isang lalake po, binabati niya po ako ng happy birthday. Pamilyar po sa akin ang boses niya pero hindi ko maalala kung sino siya (napaluha). Ang alam ko lang po, nalungkot ako nung naalala ko po 'yun at parang may kulang po sa akin.
Manuel: Anak, marahil ay ako ang naalala mo. Alam mo nung bata ka pa, sa tuwing birthday mo lagi akong may surprise para sa'yo. Lagi kitang dinadala sa mall at ibinibili kita ng lahat ng magustuhan mo. Ang saya saya mo noon. Nung 9 years old ka pa lang, ang sabi mo gusto mo ng tablet kaya nagpunta tayo sa mall nun pero nagbago ang isip mo nung nandoon na tayo sa bilihan ng tablet. Ang sabi mo make up nalang ang bilhin ko sa'yo. Natawa pa nga ang mga sales lady kasi ang sabi nila, bata ka pa pero gusto mo na agad ng make up. Pero syempre ibinili pa rin kita dahil yun ang gusto mo at ibinili rin kita ng tablet.
NAPAISIP SI CASSANDRA.
Manuel: Naaalala mo ba 'yun anak?
Cassandra: (Umiling) H-Hindi po pero salamat po dahil kahit hindi ko naalala ang lahat, ikine-kwento niyo pa rin po sa akin 'yung mga nangyari noon kaya kahit paano napupunan po 'yung kakulangan sa pagkatao ko.
Manuel: Basta anak nandito lang kami para sa'yo. Hindi mo kailangang pilitin na alalahanin ang lahat dahil naniniwala ako na darating ang araw na magbabalik din ang mga nawalang memorya mo.
NIYAKAP NI MANUEL SI CASSANDRA.
NAKASILIP NAMAN SI ALEXANDRA SA PINTO AT TILA NAGSE-SELOS.•••••••••••••••••••••••••••••••
*SA BAHAY NINA SANTI AT EMILY*MALALIM ANG INIISIP NI BRENDA.
DUMATING NAMAN SI REMEDIOS.Remedios: Brenda, bakit gising ka pa?
Brenda: Hindi lang po kasi ako makatulog Mama. Hindi ko na po kasi mahintay ang araw na makakasama ko ang mga anak ko. Lalo na si Alexandra. Kanina nung nagkita kami, gustong gusto ko na siyang isama pero hindi pa pwede hangga't hindi ko nalilinis ang pangalan ko kina Manuel at Don Manolo.
Remedios: Huwag kang mag alala Brenda dahil malapit na nilang malaman ang katotohanan. Hindi ba't naibigay mo na kay Alexandra ang ebidensiya? Malamang sa mga oras na ito eh, naibigay na niya kina Manuel ang ebidensiya at baka pinapanood na nila ito ngayon.
Brenda: Sana nga po Mama. Sana nga po.
•••••••••••••••••••••••••••••••
SA ISANG LAPTOP, NAGPE-PLAY ANG VIDEO NI ALFONSO.*VIDEO PLAYING*
Alfonso: (Huminga ng malalim) Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag hingi ko ng tawad sa iyo Alexandra, anak. Madami akong kailangang sabihin sa'yo pero natatakot ako dahil baka magalit ka sa akin.
Alam ko na mahirap para sa'yo na makita ang Mommy mo na comatose ngayon sa ospital at hindi ko masabi sa'yo na ako ang may kasalanan kung bakit kami naaksidente. Nagalit siya sa akin nung ipinagtapat ko sa kaniya ang katotohanan.PATULOY ANG PAGPE-PLAY NG VIDEO.
Alfonso: Inilayo ko kayo sa tunay mong ama 16 years ago. Naaksidente kami nun ng mommy mo dahil gusto kayong ipapatay ni Minerva, ang step sister ng tunay na daddy mo.
Pinuntahan ko ang mommy mo sa mansion dahil plano namin ni Minerva na ilayo kayong mag iina kay Manuel pero nakunsensiya ako kaya hindi ko na sana itutuloy ang mga plano na 'yun pero nakita kong tumatakbo ang mommy mo at humingi siya ng tulong sa akin kaya pinasakay ko siya sa kotse ko kasama ka dahil karga karga ka niya noon. Hinahabol kami ng mga tauhan ni Minerva tapos nawalan ng preno ang kotseng minamaneho ko at nahulog tayo sa isang ilog. Ang buong akala ng lahat ay namatay na kayo pero ang totoo itinago ko lang kayo. Inisip ko kasi na baka kapag nalaman ni Minerva na buhay pa kayo ay ipapatay ulit niya kayo. Isa pa, mahal na mahal ko ang mommy mo kaya nung nagising siya at na realize ko na may amnesia siya ay sinabi ko sa kanya na ako ang asawa niya at anak ka namin, Alexandra. Hanggang sa nag desisyon ako na ilayo kayo ng tuluyan sa tunay ninyong pamilya at pumunta dito sa Amerika. Anak, patawarin mo sana ako. Alam kong mabibigla ka sa mga nalaman mo pero ito ang katotohanan na kailangan mong malaman. Hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ako sa mundong ito kaya sana patawarin mo ako Alexandra, anak ko.*VIDEO STOPPED*
MAY NAGSARA NG LAPTOP AT HINUGOT ANG USB FLASH DISK.—SI MINERVA.
Minerva: (Nag evil smile) Hmmmm... Akala mo siguro Brenda, maibubunyag mo ang katotohanan? Nagkakamali ka dahil hindi ko 'yun hahayaan! Hindi ikaw ang sisira sa mga plano ko dahil malapit ko ng makuha ang kayamanan ni Papa!
•••••••••••••••••••••••••••••••••
LUMIPAS ANG ILANG ARAW.ITO NA ANG ARAW NG PAG ALIS NG MGA VICTORINA PAPUNTANG JAPAN.
NASA LOOB NA SILA NG EROPLANO AT ILANG MINUTO NA LAMANG AY LILIPAD NA ITO.
•••••••••••••••••••••••••••••
NASA AIRPORT NAMAN SINA BRENDA, SANTI, EMILY AT LUKE AT NAGPUPUMILIT PUMASOK SA DEPARTURE AREA.Brenda: Kailangan ko lang makita ang anak ko bago sila umalis!
Guard: Ma'am bawal nga po. Kapag nagpumilit pa po kayo magpapatawag na po ako ng security para dalhin kayo.
Santi: Guard, baka naman pwedeng kahit sandali lang.
Guard: Hindi nga po pwede kahit anong sabihin ninyo. Ako naman po ang mapapagalitan eh.
NAPATINGIN SI LUKE SA MONITOR KUNG SAAN NAKA POST ANG FLIGHT SCHEDULES.
Luke: Tita Brenda, sa tingin ko hindi na po natin maabutan sina Alexandra dahil sa mga oras na ito baka paalis na po ang eroplanong sinasakyan nila papunta sa Japan.
NAPALUHA SI BRENDA AT NAPAUPO NA LANG.
Emily: Auntie Brenda..
Brenda: Ang anak ko... Bakit hindi man lang niya ako tinawagan? Ang buong akala ko naibigay na niya ang ebidensiyang hawak ko para malaman na ng daddy at lolo niya ang mga kawalang hiyaan ni Minerva pero bakit ganun? Bakit parang wala namang nangyari?
Santi: Baka naman po hindi lang siya makahanap ng tyempo?
Emily: O kaya po pag uwi nila tsaka niya ipapaalam kina Sir Manuel at Don Manolo ang lahat.
Brenda: Hindi ko alam, ilang araw akong naghintay sa tawag niya. Umasa ako na malalaman na agad nina Manuel ang lahat pero hindi nangyari.
Santi: Hindi kaya nakuha ni Bruhang Minerva 'yung ebidensiya kay Alex tapos kinumpiska na naman niya 'yung phone ni Alex kaya hindi niya kayo ma contact?
NAPAISIP SI BRENDA.
TAHIMIK LANG SI LUKE AT TILA MAY INIISIP.Luke: Tita Brenda, sigurado po ba kayo na si Alexandra ang nakausap niyo at pinagbigyan ng ebidensiyang hawak niyo?
NATIGILAN SI BRENDA.
Brenda: Anong ibig mong sabihin?
Luke: Hindi po kaya si Cassandra ang nakausap niyo?
Santi: Si Cassandra? Eh hindi ba nga may amnesia na siya?
Emily: Oo nga so paanong si Ate Cassandra ang makakausap ni Auntie Brenda?
Luke: Hindi tayo sigurado kung talagang nagka amnesia si Cassandra. Baka mamaya nagpapanggap lang siyang nagka amnesia para matakasan niya 'yung mga kasalanang nagawa niya kay Alexandra.
Brenda: Diyos ko.
Santi: Mabuti nalang talaga!
Emily: Ha? Anong mabuti nalang talaga Kuya?
Santi: Auntie Brenda, naalala mo nung hiniram ko 'yung usb flash disk ninyo?
Brenda: Oo. Bakit?
Santi: Kinopya ko po 'yun para kung sakaling mawala niyo 'yun o ma misplace ninyo eh meron pa kayong kopya! Kung nakuha nga ng Bruhang Minerva na 'yun ang ebidensiya kaya hindi naibigay ni Alex kina Sir Manuel 'yun o kung si Cassandra man ang napagbigyan niyo nun meron pa rin po kayong kopya na pwede niyong ipadala kina Sir Manuel at Don Manolo!
Emily: Ang galing mo talaga Kuya! Bongga ka!
Santi: Of course! Advance akong mag isip eh!
Luke: 2 weeks pa po bago sila bumalik sa Pilipinas kaya Tita Brenda paghandaan niyo na pong mabuti ang mga gagawin ninyong hakbang.
NAPAISIP SI BRENDA.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...