You're Mine
Chapter 128 | Mother's LoveMADALING ARAW.
NAGISING SI CASSANDRA NA NANGINGINIG SA GINAW, MASAKIT ANG ULO AT MAINIT ANG KANYANG PAKIRAMDAM.
PINILIT NIYANG BUMANGON SA KAMA AT TUMAYO PERO NAHILO SIYA AT NATUMBA.HINDI NAMAN MAKATULOG SI BRENDA KAYA NAISIP NIYANG LUMABAS NG KWARTO NANG MAY NARINIG SIYANG TILA KUMALABOG SA KWARTO NI CASSANDRA KAYA NAG ALALA SIYA.
Brenda: Cassandra?
PUMUNTA SIYA SA KWARTO NI CASSANDRA AT BINUKSAN ANG PINTO AT NAKITA NIYA NA NAKAHANDUSAY SI CASSANDRA SA SAHIG.
Brenda: Diyos ko! Cassandra!
AGAD NIYA ITONG NILAPITAN AT HINAWAKAN. MAINIT ITO.
Brenda: Cassandra anak, mainit ka. Ayos ka lang ba?
Cassandra: Bitawan niyo ako. I'm okay.
Brenda: Hindi anak. Mainit ka. Sandali itatayo kita.
TINULUNGAN NI BRENDA SI CASSANDRA NA TUMAYO AT BINALIK NIYA ITO SA KAMA.
Brenda: Sandali lang anak, babalikan kita.
UMALIS SI BRENDA AT KUMUHA NG THERMOMETER, GAMOT, BASONG MAY TUBIG, PALANGGANANG MAY TUBIG AT TOWEL.
PAGBALIK NIYA SA KWARTO NI CASSANDRA AY NAKITA NIYA ITONG NANGINGINIG SA LAMIG.Brenda: Cassandra anak...
CHINECK NIYA ANG TEMPERATURE NITO- 38.5.
Brenda: May lagnat ka nga. Inumin mo muna itong gamot anak.
Cassandra: Ayoko.
Brenda: Anak, kailangan mong inumin itong gamot.
PERO NAGMAMATIGAS SI CASSANDRA KAHIT NA NAPAKASAKIT NA NG ULO NIYA AT NILALAMIG SIYA.
NIYAKAP SIYA NI BRENDA. NATIGILAN SI CASSANDRA. BAHAGYANG NAINITAN ANG KANYANG KATAWAN AT NAWALA ANG PANLALAMIG.
Brenda: Anak, pasensiya ka na kung hindi ko nagawa ito sa'yo habang lumalaki ka pero pangako ko, aalagaan kita anak. Babawi ako sa'yo.
NAPALUHA SI BRENDA.
NAIILANG NAMAN SI CASSANDRA AT GUSTONG KUMAWALA KAY BRENDA PERO HINDI SIYA BINITAWAN NG INA.
MAYA MAYA AY BUMITAW NA RIN SI BRENDA.Brenda: Sige na anak, inumin mo na itong gamot tapos aalis na ako.
NAPILITAN SI CASSANDRA NA INUMIN ANG GAMOT. NAHIGA SIYA AT PUMIKIT.
PINAG MASDAN SIYA NG NAG AALALANG INA. PINIGA NI BRENDA ANG TOWEL SA PALANGGANA AT INILAGAY SA NOO NI CASSANDRA. INAYOS NITO ANG KUMOT NI CASSANDRA AT HININAAN ANG AIRCON SA KWARTO TSAKA SIYA LUMABAS.
DUMILAT NAMAN SI CASSANDRA AT NAPABUNTONG HININGA HANGGANG SA NAWALA ANG SAKIT NG KANYANG ULO DAHIL SA EPEKTO NG GAMOT AT AGAD SIYANG BUMALIK SA PAGKAKAHIMBING.HINDI NAKATULOG SI BRENDA DAHIL SA PAG AALALA KAY CASSANDRA.
BINABALIK BALIKAN NIYA ITO SA KWARTO AT MAYA'T MAYANG PINUPUNASAN.DOON NA RIN SIYA NAKATULOG SA SOFA SA KWARTO NI CASSANDRA.
NAGISING SI CASSANDRA NA MAGINHAWA NA ANG PAKIRAMDAM.
TINANGGAL NIYA ANG TOWEL SA KANYANG ULO AT BUMANGON SA KAMA.
NAKITA NIYA SI BRENDA SA SOFA NA MAHIMBING. NAPAISIP SIYA. BAHAGYANG GUMALAW SI BRENDA KAYA NAGULAT SI CASSANDRA AT NAHIGA MULI AT NAGKUNWARING TULOG PA PERO NAKALIMUTAN NIYANG IBALIK ANG TOWEL SA KANYANG NOO.NAGISING SI BRENDA AT AGAD TINIGNAN SI CASSANDRA. TUMAYO SIYA UPANG I-CHECK ITO. HINIPO NIYA ANG NOO NI CASSANDRA AT HINDI NA ITO MAINIT.
Brenda: Hay salamat naman sa Diyos at wala ka nang lagnat.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...