Chapter 111 | Hanson Hates Cassandra

33 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 111 | Hanson Hates Cassandra

SA LADIES ROOM DUMIRETSO SINA CASSANDRA AT VICKY.

Vicky: Cass, okay ka lang ba? Totoo bang wala kang paki kung sina Hanson at Leila na?

Cassandra: (Teary eyes) Oo naman. Bakit, sino bang nagpumilit sa aming dalawa ni Hanson, hindi ba siya? Siya lang naman talaga 'yung nangungulit sa akin diba? Hindi ko naman siya talaga minahal so bakit naman ako maapektuhan kung sila na ni Leila?

Vicky: Pero diba sabi mo sa akin dati mahal mo na si Hanson? Na naa-appreciate mo na siya?

Cassandra: Noon 'yun! Confused lang ako nun dahil nalaman ko na magka relasyon na sina Luke at Alexandra.

Vicky: So hahayaan mo na lang sina Hanson at Leila?

Cassandra: Wala akong pakialam sa kanila. Sige na, mauna ka na sa classroom susunod na lang ako.

Vicky: Okay, sige.

PUMASOK SA CUBICLE SI CASSANDRA. NAUPO SIYA SA TOILET BOWL AT BIGLANG TUMULO ANG LUHA NIYA.
PINIPIGILAN NIYA ANG KANYANG HIKBI UPANG HINDI SIYA MARINIG NI VICKY.
HINDI PA UMAALIS SI VICKY SA LABAS NG CUBICLE KAYA MEDYO NARINIG NIYA ANG HIKBI NI CASSANDRA.

Vicky: (Napabuntong hininga at bumulong) Ayaw pa kasing aminin na affected siya eh. Ang taas talaga ng pride nito.

SABAY LABAS NG LADIES ROOM.

••••••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA CORPORATION*

MAGKAUSAP SINA MINERVA AT MANUEL.

Minerva: Manuel, hindi ko alam kung bakit ito ginawa ni Papa pero pwede ko namang hindi tanggapin ang posisyon eh. Sabihin mo lang, gagawin ko.

Manuel: No Ate Minerva. I respect Papa's decision. Yun ang nakasulat sa last will ninya kaya 'yun ang susundin natin. Besides, ikaw naman talaga ang gusto ng board na pumalit kay Papa bilang CEO and President ng kumpanya at hindi ako dahil mas may tiwala sila sa'yo.

Minerva: Pero Manuel, ikawpa rin ang mas may karapatan sa posisyong naiwan ng Papa.

Manuel: Pero sa'yo ipinagkatiwala ni Papa ang posisyon dahil naniniwala siya sa kakayahan mo. Sapat na sa akin na makabalik ako sa dati kong posisyon bilang COO. Alam ko at naniniwala ako na mas mapapabuti ang kumpanya kung ikaw ang uupo bilang CEO and President ng Victorina Corporation.

Minerva: Manuel, I'm really sorry. I swear, hindi ko alam ito. Hindi ko alam na sa akin ipagkakatiwala ng Papa ang Victorina Corporation.

Manuel: Huwag kang mag sorry Ate Minerva, ayos lang sa akin. Congratulations.

NIYAKAP NI MANUEL SI MINERVA.
NAG EVIL SMILE NAMAN SI MINERVA.

Minerva: Salamat Manuel.

••••••••••••••••••••••••••••••
* GABNER UNIVERSITY *

MAGKAUSAP SINA HANSON AT LUKE SA CLASSROOM.

Luke: Talaga, okay lang kay Cassandra na kayo na ni Leila?

Hanson: Well, hindi naman talaga niya ako minahal diba? Alam naman natin na ginamit lang niya ako noon at ginamit lang ulit niya ako. She never loved me, she never appreciated me, she never valued me. She's selfish and full of herself and for that, deserve niya na iwanan ko siya!

Luke: Alam mo dude, hindi kita masisisi kung nagawa mo 'yun pero sana kinausap mo siya ng maayos bago ka nakipag relasyon kay Leila or at least nakipag break ka sa kanya formally.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon