Chapter 129 | Manuel & Brenda

21 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 129 | Manuel & Brenda

NAKAUWI NA SI ALEXANDRA.
KAUSAP NIYA SI BRENDA.

Alexandra: Masaya po ako dahil at last kahit papaano lumalambot na po sa inyo si Cassandra.

Brenda: (Ngumiti) Oo nga anak eh. Matagal kong hinintay na makasama ko kayong dalawa ni Cassandra at ngayon na kasama ko na kayo, hinding hindi na tayo magkakahiwa-hiwalay ulit.

Alexandra: Eh kayo po ba ni Daddy?

Brenda: A-anong ibig mong sabihin anak?

Alexandra: (Ngumiti) Wala po ba kayong balak magkabalikan?

NAMULA SI BRENDA.

Brenda: Ano ka ba anak? Huwag na nga nating pag usapan 'yan.

Alexandra: Bakit naman po Mommy? Single naman po kayo ah at single din si Daddy and mag asawa pa rin naman po kayo diba kasi hindi naman po kayo totoong ikinasal ni Daddy Alfonso.

Brenda: Kahit na. Hindi ako kumportable na pag usapan 'yan.

HINDI NA SUMAGOT SI ALEXANDRA.

•••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA CORPORATION*

KAUSAP NI DON MANOLO SI MANUEL SA OPISINA NIYA.

Manuel: Sa tingin niyo Papa papayag kaya si Brenda kapag sinabi ko sa kanya na gusto kong magkabalikan kami?

Don Manolo: Anak, hindi naman ganun kadali 'yun.

Manuel: Eh ano pong kailangan kong gawin para magbalik 'yung dati niyang pagtingin sa akin?

Don Manolo: Simple lang, ligawan mo ulit si Brenda.

NATIGILAN SI MANUEL.

Manuel: L-Ligawan?

Don Manolo: Oo. Kung gusto mo talagang bumalik ang dati ninyong pagtitinginan, pakiligin  mo siya ulit. Magpatulong ka sa mga anak mo. Sigurado ako alam na alam nila ang magpapakilig kay Brenda dahil babae din sila.

NAPAISIP SI MANUEL.

••••••••••••••••••••••••
MAGKASAMA NAMAN SINA CASSANDRA AT VICKY SA ISANG MILK TEA SHOP.

Vicky: Nasabi na ba sa'yo ni Alex 'yung about sa Christmas party ng barkada?

Cassandra: Yeah, nasabi na niya sa akin kanina.

Vicky: So... Sasama ka ba?

Cassandra: I'll think about it.

Vicky: Cass? Huwag mo nang pag isipan. This is the time para magkaroon na rin kayo ng closure ni Hanson. Believe me, mas magiging magaan ang pakiramdam mo kapag naging maayos na ang lahat between you and Hanson at ni Leila.

Cassandra: (Napaisip) Maybe you're right.

Vicky: (Ngumiti) So sasama ka na?

Cassandra: Okay pero kapag napahiya ako dun, ikaw ang sisisihin ko ah?

Vicky: Hindi ka mapapahiya dun ano ka ba? Okay na okay sa kanila na sumama ka. Si Leila pa nga 'yung nagsabi kay Alex na i-invite ka eh.

Cassandra: Well, ayoko din namang mag mukhang bitter kaya sige sasama ako.

Vicky: Yes!

MAYA MAYA AY MAY PUMASOK NA BABAE SA MILK TEA SHOP— SI ELIZABETH.

NAPATINGIN SI CASSANDRA SA KANYA.
NAPATINGIN DIN SI ELIZABETH KAY CASSANDRA SABAY IRAP.

Cassandra: (Nagtaka) What's her problem?

NAGTUNGO SA COUNTER SI ELIZABETH AT NAG ORDER.

MAYA MAYA AY TUMAYO NA SI CASSANDRA.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon