You're Mine
Chapter 152 | Perfume*VICTORINA MANSION*
SA LAUNDRY AREA.
DALA NG KATULONG NA SI ELLA ANG MGA AMERIKANA AT LONG SLEEVES NI MANUEL.
NAGPUNTA DOON SI BRENDA DAHIL MAY PAPALABHAN SIYA.Brenda: Ella, pakisabay naman itong dress ko kailangan ko kasi bukas ng umaga eh.
Ella: Ah sige po Ma'am Brenda. Akin na po.
INABOT NI ELLA ANG DRESS NI BRENDA.
Brenda: Salamat ah?
Ella: Wala po 'yun.
PAALIS NA SI BRENDA.
Ella: Ah Ma'am Brenda...
NATIGILAN SI BRENDA AT LUMINGON KAY ELLA.
Brenda: Bakit?
Ella: Eh pwede pong magtanong?
Brenda: Sige, ano ba 'yun?
Ella: Eh ano po bang pabango ninyo? Ang bango po kasi eh gusto ko po sanang bumili ng ganun. Alam ko po mamahalin 'yung pabango niyo pero pag iipunan ko po yun kasi ang bango po talaga eh.
Brenda: (Nagtataka) Pabango ko?
INAMOY NI BRENDA ANG KANYANG DAMIT. HINDI NAMAN KASI SIYA NAGPAPA BANGO KAPAG NASA BAHAY LANG.
Brenda: Hindi naman ako nag pabango ngayon. Saan mo naman naamoy ang pabango ko?
Ella: Ah dito po sa Amerikana ni Sir Manuel. Alam ko naman po na hindi ito 'yung amoy ng pabango ni Sir Manuel kasi alam ko naman po ang amoy nun pero may naamoy po kasi ako sa Amerikana niya na pang babaeng pabango kaya naisip ko po baka po sa inyo 'yun kaya—
NAPANSIN NI ELLA ANG PAGTATAKA SA MUKHA NI BRENDA KAYA NAPAISIP SIYA AT HUMINTO NA SA PAGSASALITA.
Ella: Ah hindi bale na po ma'am, sige po maglalaba na po ako.
Brenda: Paamoy nga nung sinasabi mong pabango.
NAPAPIKIT SI ELLA.
Ella: Ah eh...
IBINIGAY NI ELLA ANG AMERIKANA NI MANUEL KAY BRENDA.
Ella: Ma'am hindi ko po intensyon na pag isipin kayo, akala ko lang po talaga....
INAMOY NI BRENDA ANG AMERIKANA NI MANUEL AT NAAMOY NIYA ANG PABANGONG PANG BABAE. ALAM NIYANG HINDI GANUN ANG AMOY NG PABANGONG GAMIT NIYA AT HINDI RIN 'YUN ANG PABANGO NI MANUEL O NINA CASSANDRA AT ALEXANDRA.
UMALIS NA SI BRENDA.
Ella: Naku po! Nakakaloka! Mukhang napa overthink ko ng malala si Ma'am Brenda. Mukhang mag aaway sila ni Sir Manuel dahil sa bibig kong ito!
TINAPIK NIYA ANG BIBIG NIYA.
Ella: Hay Diyos ko ayoko pong mawalan ng trabaho!
••••••••••••••••••••••••
*VICTORINA BUILDING*SA OFFICE NI ELIZABETH.
KAUSAP NIYA SI MANUEL.
Manuel: I want to see the place na sinasabi mo kung saan tayo pwedeng mag organize ng event para sa launching ng bago nating brand.
Elizabeth: Sige po sir, ibibigay ko po sa inyo 'yung address.
Manuel: No need, isasama nalang kita.
NATIGILAN SI ELIZABETH.
Elizabeth: Po?
Manuel: Wala ka naman nang gagawin diba?
Elizabeth: Ah yes po Sir Manuel. Wala na po akong gagawin.
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...