You're Mine
Chapter 28 | Brenda's ReturnSA CONCERT NG THE WEST BAND.
Enjoy na enjoy sina Hanson at Cassandra.
Cassandra: Hanson, thank you for inviting me here. I'm really enjoying this concert so much!
Hanson: (Ngumiti) Thank you din kasi pumayag kang makasama ko ngayon.
Cassandra: I really want to make it up to you, Hanson. Alam kong nasaktan ko ang feelings mo dahil sa ginawa ko but I really regret that.
Hanson: Cass, pinatawad na kita diba? Kaya kalimutan na natin yung mga nangyari. What's important now is kasama kita and masayang masaya ako.
Cassandra: (Ngumiti) Masaya din ako Hanson.
NAGTITIGAN SILA AT HINALIKAN NI HANSON SI CASSANDRA SA LABI.
•••••••••••••••••••••
SA ISANG BAR SA MAKATI.NANDOON SI LUKE KASAMA ANG ISA NIYANG KAIBIGAN.
Dex: I just saw Hanson's post on IG. Magkasama pala sila ni Cassandra sa concert?
Luke: Yeah.
Dex: Bilib talaga ako kay Hanson, biruin mo after ng ginawa sa kanya ni Cassandra eh nagawa pa rin niyang patawarin agad ito.
Luke: Hindi naman na ako nagtataka eh kasi alam ko naman from the very start na talagang gustong gusto ni Hanson si Cassandra.
Dex: Mukha nga. Eh ikaw dude, wala ka pa rin bang nagugustuhan?
NATIGILAN SI LUKE AT BIGLANG PUMASOK SA ISIPAN NIYA SI ALEXANDRA AT HINDI NIYA NAMALAYANG NAPAPANGITI NA SIYA.
Dex: Dude? Okay ka lang?
Luke: Ha? Yeah, may naalala lang.
Dex: Hmmm mukhang sa istura mo parang alam ko na ang sagot mo sa tanong ko. May nagugustuhan ka na tama?
Luke: Actually, hindi ko pa alam pero mula nung makita ko siya hindi na siya nawala sa isip ko eh. Ang weird nga eh kasi kahit na ilang beses ko pa lang siyang nakikita eh parang iba talaga yung nararamdaman ko para sa kanya.
Dex: Nice! Dude alam mo, huwag mo ng patagalin yan. Kung sino man siya, ligawan mo na agad! Hahaha!
Luke: Hindi ganun kadali yun dude.
Dex: Bakit naman?
Luke: Basta. Masyado pang complicated ang mga bagay bagay.
KINUHA NI LUKE ANG BASO NG ALAK TSAKA ININOM ITO.
Dex: Ang weird mo ngayon dude.
•••••••••••••••••••••••••••••
*BAGUIO*MAGKAUSAP SINA ALEXANDRA AT SANTI SA LABAS NG BAHAY.
Santi: Cous, ready ka na ba na harapin ang daddy at ang kakambal mo bukas?
Alexandra: Sa totoo lang cous, hindi ko alam ang nararamdaman ko eh. Mas kinakabahan ako ngayon kesa nung unang punta natin sa Maynila kasi this time kasama ko na si Mommy at haharapin na talaga namin silang lahat. Ang daming pumapasok sa isip ko, what if hindi sila maniwala sa amin? What if harangin kami ni Tita Minerva? What if magkagulo?
Santi: Cous, sigurado ako na maniniwala sa inyo ang daddy mo. Hello, ang tagal niyong nawala at ang akala niya patay na kayo ng mommy mo kaya for sure kapag nalaman niya na buhay pa kayo sobrang matutuwa yun! At yang bruhang Minerva na yan, makukulong siya!
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...