Chapter 158 | Help Me

9 1 1
                                    

You're Mine
Chapter 158 | Help Me

A FEW DAYS LATER

*GABNER UNIVERSITY*

KAUSAP NI CASSANDRA SINA YESHA, VICKY AT PHOEBE SA PARK.

Phoebe: Cass, look what I've found about Elizabeth.

IPINAKITA NI PHOEBE KINA CASSANDRA ANG KANYANG PHONE.

Phoebe: She's a graduate of Houston University in New York, she's only 25 years old and mayaman din 'yung family na umampon sa kanya.

Cassandra: Ampon siya?

Phoebe: Well, ayun 'yung nabasa ko dito. Pero sure ka ba na siya ito? Baka mamaya ibang Elizabeth pala itong na search ko ah?

Cassandra: Sure ako na siya 'yan. Inalam ko ang buong pangalan niya sa tulong ng Secretary ni Lolo at alam ko naman ang itsura niya eh kaya sure ako na siya 'yan.

Yesha: So ibig sabihin galing naman pala siya sa mayamang pamilya at sa States siya lumaki.

Vicky: At graduate pa siya sa isang kilalang University sa States.

Cassandra: So bakit siya nandito sa Pilipinas at bakit mas pinili niya na mag apply sa company nina Lolo if ganyan kaganda ang credentials niya? She can find a better job bakit mas pinili niyang maging marketing manager lang?

Yesha: Baka naman yung company ninyo 'yung unang tumawag sa kanya and nagustuhan niya 'yung offer? Kilala din naman yung Company niyo diba?

NAPAISIP SI CASSANDRA.

Vicky: Cass, huwag mo na siyang pag isipan ng masama. Baka naman mainit lang talaga ang dugo mo sa kanya kasi dahil sa nangyari sa inyo sa milk tea shop noon.

Cassandra: Basta, I need to know what she's up to.

••••••••••••••••••••••••••
MAGKASAMA SINA ALEXANDRA AT LUKE SA CAFETERIA.

Alexandra: Ewan ko ba kay Cass, ipipilit talaga niya na hindi maganda ang kutob niya dun sa bagong marketing manager nina Daddy.

Luke: Alam mo naman ang kakambal mo na 'yun,  masyadong palaban.

Alexandra: Medyo naaawa nga ako dun kay Miss Elizabeth eh kasi napaghinalaan siya na babae ni Daddy.

Luke: Eh ikaw ba, wala ka bang nararamdamang kakaiba sa babaeng 'yun?

NAPAISIP SI ALEXANDRA AT INALALA ANG MUKHA NI ELIZABETH.

Alexandra: (Napailing) Ewan ko eh. Ayoko kasing mag judge base lang sa itsura. Isa pa mukha naman siyang mabait pero palaban din gaya ni Cassandra.

Luke: As long as wala naman siyang ginagawang masama then siguro just give her the benefit of the doubt.

Alexandra: You're right. Isa pa, may tiwala naman kami kay Daddy eh.

Luke: Right. Hindi naman siguro magagawa ni Tito Manuel na mang babae lalo na at ikakasal na sila ng Mommy niyo.

•••••••••••••••••••••••••••••••
HABANG NAGLALAKAD SI CASSANDRA PATUNGO SA HULING SUBJECT NIYA AY MAY NAMATAAN SIYANG ISANG BABAE SA LABAS NG GATE NG GABNER— SI MINERVA.

Cassandra: (Nagtaka) Tita Minerva?

DAHIL SA MGA NAGDARAANANG ESTUDYANTE AY BIGLANG NAWALA SA PANINGIN NIYA SI MINERVA.

Cassandra: Is that really her or namamalik mata na naman ako? I need to find out!

NAGMADALING UMALIS SI CASSANDRA.
NAKITA PA SIYA NINA HELLY AT VALERIE HABANG PALABAS NG GATE.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon