Chapter 9 | Cassandra's Plan

111 6 0
                                    

You're Mine
Chapter Nine | Cassandra's Plan

KINABUKASAN.

Maagang nagising sina Alexandra.
Naisipan niyang ilabas ang kanyang ina upang mapaarawan ito.

Nakaupo sa wheel chair si Brenda habang tulak tulak siya ni Alexandra sa labas ng bahay nila.

Alexandra: Mommy, excited na po ako na marinig ang boses niyo. Excited na po ako na makita kayong nakangiti. Sana po gumaling na po talaga kayo.

Nakasalubong niya si Estong.

Estong: Good morning Alexandra!

NAGPA CUTE ITO.

Alexandra: (Ngumiti) Uy, good morning Estong!

Estong: Ang ganda naman ng umaga ko, ikaw agad ang nakita ko hehehe.

Alexandra: Ikaw talaga, puro ka biro.

Estong: Uy hindi ako nagbibiro ah? Teka saan ba ang punta niyo?

Alexandra: Ah wala naman, pinapaarawan ko lang si Mommy.

Estong: Ah ganun ba? Ako naman bibili ng pandesal diyan sa kanto.

Alexandra: Ah okay.

Estong: Siya nga pala, may pa contest nga pala sa kabilang baranggay mamayang gabi, gusto mo bang manood? Tara?

Alexandra: Actually pupunta nga kami dun mamaya eh kasi susuportahan namin si Santi--

NATIGILAN SI ALEXANDRA DAHIL AYAW NGA PALANG IPASABI NI SANTI ANG PAGSALI NIYA SA MISS GAY HANGGA'T HINDI PA SIYA PASOK SA SEMI FINALS.

Estong: Talaga? Kasali si Santi mamaya? Ayos yun ah!

Alexandra: Ah huwag ka na lang sana munang maingay ah? Kasi ayaw pa niyang ipasabi sa iba eh.

Estong: Oo naman. I will keep my mouth shut. Tama ba 'yung english ko? Hehehehe.

Alexandra: (Ngumiti) Tama naman.

SAMANTALA, PALABAS NAMAN SINA LUKE SA BAHAY NINA URSULA AT PASAKAY NA NG SASAKYAN.

Ursula: Mamayang gabi nga pala may Miss Gay sa kabilang baranggay. Manood tayo kasi masaya yun!

Isha: Ay bongga yun ah! Sige manood tayo nun mamaya!

Kent: Pwede bang hindi nalang kami sumamang mga boys?

Drake: Oo nga. Wala kaming hilig sa mga ganung contest.

Olive: Ang saya kayang manood ng ganun? Nakaka good vibes. Sumama na kayo!

Isha: Oh ikaw Luke? Hindi ka rin ba sasama mamaya?

Luke: Pag iisipan ko.

Isha: Hay nako, kung ayaw sumama ng mga boys natin tayo nalang!

Ursula: Korek! O tayo na at itu-tour ko pa kayo!

Sumakay na sila ng van.

NAKALINGON NAMAN NI ESTONG KINA URSULA HABANG PASAKAY SILA NG VAN.

Estong: Mukhang may bisita si Ate Ursula ah? Siguro taga Maynila ang mga 'yun.

Alexandra: Sino si Ate Ursula?

Estong: Yung taga diyan lang sa kabilang bahay oh (itinuro ang bahay nina Ursula).

Alexandra: Ah okay.

Estong: Oh paano, mauna na ako ha? Baka kasi maubusan ako ng pandesal eh.

Alexandra: Sige.

UMALIS NA SI ESTONG.

YOU'RE MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon