You're Mine
Chapter Twelve | Amnesia*DIMAGIBA RESIDENCES*
Umiiyak si Brenda. Nilapitan siya ni Alexandra.
Alexandra: Mommy, thank God nakakapagsalita na po kayo.
Niyakap ni Alexandra si Brenda.
Brenda: (Kumawala sa pagkakayakap ni Alexandra) Sino ka ba?
Alexandra: (Napaluha at napatingin kay Lola Remedios) Mommy it's me, Alexandra.
Remedios: Brenda, siya anak niyo siya ni Alfonso.
Brenda: Si Alfonso? May anak kami?
MAY MGA NAGPA-FLASH BACK SA KANYA PERO HINDI LUBOS NA MAALALA.
PINIPILIT NIYANG ALALAHANIN ANG LAHAT PERO SUMASAKIT LANG ANG ULO NIYA.Brenda: AHHHHH!!!! ANG SAKIT NG ULO KO!!!
Nag alala ang lahat.
Lito: Santi, Emily kumuha kayo ng gamot bilis!
Santi/Emily: Opo!
Dali-daling lumabas sina Santi at Emily.
Freda: Ang mabuti pa siguro eh dalhin natin siya sa hospital para masuri siya.
Remedios: Sang ayon ako.
Alexandra: Mommy... Huwag po kayong mag alala, ngayong nakakapagsalita na po kayo mas lalo ka po naming aalagaan hanggang sa tuluyan na kayong gumaling.
Umiiyak si Brenda at nakahawak sa kanyang ulo.
••••••••••••••••••••
VICTORINA MANSION.Nakahiga na si Cassandra sa kanyang kama.
Nag ring ang phone niya na nakapatong sa side table.
Kinapa niya ito at kinuha tsaka tinignan kung sino ang tumatawag- Si Hanson. Napabuntong hininga siya. Alam naman niya sa sarili niya na hindi niya mahal si Hanson at parte lang ito ng plano niya para makaganti kay Luke pero sa kabilang banda ay may awa siyang nararamdaman dito.
Hinayaan lang niyang mag ring ang kanyang telepono habang pinag mamasdan ito. Sasagutin na sana niya pero biglang tumigil ang pag ri-ring.
Maya maya ay nag text si Hanson.
Hanson: Siguro tulog ka na. Again, thanks for this day, I really had fun being with you Cass. You have no idea how happy I am dahil at last pumayag ka na na ligawan kita. I promise, I'll do my best para maging masaya ka sa akin. Good night. 😘
Napangiti si Cassandra at pumikit na habang nasa dibdib niya ang kanyang phone.
••••••••••••••••••••
DIMAGIBA RESIDENCES.Nakatulog na si Brenda pagkatapos nitong makainom ng gamot.
Nag uusap usap naman sina Alexandra, Lola Remedios, Freda at Lito.
Freda: Hindi kaya nagka amnesia si Brenda dahil sa aksidente? Hindi ba mula naman noon eh hindi na siya nakapagsalita at tulala lang siya?
Lito: Posible yun, baka nga kaya wala siyang maalala eh dahil nawala ang memorya niya dahil sa aksidente?
Alexandra: Kung ganun, babalik pa po kaya ang memorya ni Mommy?
BINABASA MO ANG
YOU'RE MINE (COMPLETED)
FanfictionA Wattpad Exclusive (ALDUB Fan Fiction). Si Cassandra, lumaking spoiled brat at nakukuha ang lahat ng gusto. Maganda, sopistikada, sosyalera, maarte at mapang api sa kapwa ngunit may soft side din naman. Si Alexandra, lumaking mabait at mapagbigay...