Apat na babae ang naglalakad papunta sa FAT, diretso at napaka-kalmado ng kanilang
bawat hakbang...
"Walong buwan Karla, Nabigo tayong ubusin sila at nakatakas pa sila papunta dito sa sarili
nating bayan... tsk"
"Ayos lang yan Betchay, mahalaga ay maka-recover muna si Janine pagkatapos pwede na
natin silang tugisin" Sabi ni Karla sabay kindat
"Sorry ate Beth..." Banggit naman ng isa na may benda sa mga mata
"Ano ka ba, wala kang kasalanan dun. Nanghihinayang lang ako"
Sagot ni Beth
"Hayy... nagugutom na ako." Biglang sabat ng pinakamaliit pero pinaka-chubby sa grupo
"Malapit na tayo mochi, makakakain ka na"
"Ehh bakit ba kasi di pa tayo nagpasabi ka master Nok para nakapaghanda siya ng
pagkain..." Tanong ni Mochi
"Para nga surprise... hahaha! Tsaka sa halip na sa main entrance, dun tayo
dumaan sa gilid papasok sa training ground para mas nakakagulat" Sagot ni Karla
- - - - -
Nang mga oras na yon, si Giel ay mag-isang nakasandal sa isang sulok ng training
ground at nakatingin sa kanyang mga kamay...
"Binigla ko ata masyado ang training, ang sakit ng mga kalamnan ko..."
Sa isip ni Giel
Bigla namang dumating sina Miko at Lean na kagagaling lamang sa kanilang quiet time
"Oh Giel, kamusta?" Tanong ni Miko ng may ngiti
"Ayos lang..." Sagot ni Giel
"Limang araw na mula ng magsimula kami sa pagsasanay. Bakit kaya puro physical training
ang pinapagawa sa kanya?" Sa isip ni Lean
"Nakakabored pag puro ganito lang, ano kaya kung mag-sparring tayo? Tamang-tama
di pa ko nakakabawi sa'yo nung una tayong magkita!"
Paghahamon ni Miko kay Giel
Tinitigan ng ilang sandali ni Giel si Miko bago sumagot ng "Ayaw ko"
"Ha? Bakit? Hmm... Hahaha alam ko na, natatakot ka no!"
Sigaw ni Miko sabay turo kay Giel
"Hayy... tinatamad ako." Sagot ni Giel sabay iling
"Hmf! Naku naman... ikaw ba Lean?" Tanong ni Miko sabay lingon kay Lean
Pero paglingon nya ay nakita nya si Lean na naglalakad na paalis
"Pupunta muna akong banyo!" Sigaw ni Lean
"Nako naman! Gusto ko pa naman makita ang epekto ng mga quiet time na
pinaggagagawa namin!" Sigaw ni Miko
"Kung talagang nag-quiet time ka bakit ang ingay-ingay mo pa din?"
Tanong ni Giel
Habang nag-aasaran ang dalawa ay isang tinig ang narinig nila mula sa gawing gilid
ng training ground
"Hayy, na-miss ko tong FAT! Ha? at sino naman kayo?"
Tanong ni Karla kina Miko at Giel
"Teka! Kami dapat ang nagtatanong nyan!" Sigaw ni Miko
BINABASA MO ANG
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...